Chapter 1
"Malapit na ang valentines, bakit hindi ka sumama sa akin para mag-make over? Para naman maakit sa iyo si Fred, ilang taon na nga kayo, bakla?" nakangising sabi ni Raine sa kanya nang pumunta ito sa bahay niya.
"Mag-three years na kami," kagat labing tugon niya.
"Talaga ba? Pero hindi ka pa niya nadidiligan? Apaka imposible naman iyon," komento ni Raine.
Napayuko naman siya. Hindi pa talaga sila ni Fred umabot sa puntong nagsiping sila, kahit nga halik ay halos hirap itong gawin. Hindi niya alam kung sadyang konserbatibo lang ang lalaki o masyado lang siya nitong nirerespeto. Minsan parang gusto niya na lang magpalagay ng signage sa kanyang noo na, "Bastusin mo naman ako." Ngunit kakahiya naman kapag ganun.
"Hindi kaya beki iyang nobyo mo, girl?" bulalas bigla ni Raine na kaagad din tinakpan ang bibig. Sa takot na baka ma-offend siya.
Huminga naman siya ng malalim at nagkibit balikat.
"Parang imposible naman ata iyan, kita mo naman ang pormahan at katawan ni Fred, Raine. Baka maginoo lang talaga siya at nais niyang ipreserve ko ang aking sarili para sa honeymoon namin matapos naming magpakasal," aniya at bahagyang mapangiti nang ma-imagine niya ang kanyang sariling nakasuot ng puting wedding gown habang naghihintay sa kanya si Fred sa altar.
"Baka nga, oh siya, sasama ka ba sa akin? Pupunta akong salon, magpapa-minedicure, rebond at magpala-eye lashes extension ako para pretty ako sa valentines kahit ako'y single," nakangising sabi ni Raine sa kanya at bahagya pa siyang hitak mula sa kama. Nakahiga kasi siya, sa bahay lang siya nagtratrabaho unless ipatawag siya ng kanyang boss, kung may mga kailangan silang icover na malaking tao. Isa siyang editorial Assistant ng isang magazine, but she is also a journalist. Oo dalawa ang kanyang trabaho.
"Ayoko-"
"Ano ka ba! Tignan mo nga iyang buhok mo para kang pulubi sa labas na hindi nakatikim ng ligo, Shampoo at conditioner! At iyang mata mo, walang ka buhay-buhay! Maging kuko mo, kaya't kung ayaw mong iwan ka ng nobyo mo, at gusto mo siyang pakasalan ka aba'y mahalin mo sarili ko, Mariah! Aanhin mo iyang pera bank account mo kung hindi mo lang din gagastusin," parang nanay na sermon ni Raine sa kanya at hinila talaga siya pababa sa kama.
"Hala magbihis ka na at aalis na tayo," dugtong pa nito. Nang hindi siya umiimik nakanguso lang siya.
"Tinatamad ako, Raine, ikaw na lang. Okay na ako sa itsura ko-"
"Anong okay? Mukha kang si okey kaya't maawa ka, alagaan mo naman sarili mo para hindi ka iwanan ng dyowa mo," giit ni Raine
"Hindi nun ako iiwanan, masyado ka namang oa at advance mag-isip, Raine," aniya at napailing-iling pa.
Huminga ng malalim ang babae. "Hindi mo sure no. Kasi sa totoo lang red flag iyong wala man lang siya ka amor-amor sa iyo. Hindi ba't minsan mo na na ikwentong parang ayaw ka halikan at yakapin?"
Napakagat siya ng kanyang ibabang labi at marahang tumango.
"See, baka naman need mo lang make over. Hindi ko sinasabing panget ka friend pero minsan kailangan mo lang talaga ng make-over para mas lalo kang maganda at presentable, kaya't sumama ka na sa akin," seryosong sabi ni Raine sa kanya.
"Oo na nga, sige na," pagsuko niya sabay taas pa ng kanyang kamay.
"Iyon," natutuwang sabi ni Raine.
"Ito isuot mo para naman lumabas iyang gandang kurba ng katawan mo," nakangising sabi ni Raine at binigay sa kanya ang iniregalp nitong bodycon dress na kulay pink.
"Ay ayaw ko iyan-"
"Ano ka ba, suotin mo na. Nabubulok na ito sa aparador mo oh, sayang bili ko rito. Alam mo bang tatlong araw ako ng tipid para lang ibili ka nito-"
"Hep, oo na. Susuotin ko na, basta ba't huwag ka mag-ingay diyan," aniya at napailing-iling pa at kinuha rito ang hanger.
"Half bath lang ako, tapos magbihis na rin," aniya sa babae at lumakad papasok sa kanyang banyo.
Makaraan ang ilang oras ay nakita na lamang ni Mariah ang kanyang sariling nakatitig sa may repleksiyon niya sa salamin ng salon.
"Ako ba talaga iyan?" bulalas niya at tinuro pa ang magandang babae na mukhang model sa salamin. Kulay blonde ash brown ang buhok, mahaba ang pilikmata at maganda ang nail, na kulay nube pink with flowers.
"Ang sagot sa iyong katungan ay oo ate, ikaw iyan," natatawang sabi ni Raine nakatayo sa may gilid niya.
"Kaloka! Parang hindi na naman ako iyan," aniya at napatayo.
"Ikaw iyan. Sabi ko sa iyo 'e iba talaga nagagawa ng make over, tignan mo kahit ikaw mismo ay hindi mo ma-recognize ang sarili mo," natatawang sabi ni Raine at sinuklay-suklay ang kanyang bagsak na bagsak na buhok. Pina-rebond with celopneo iyon ni Raine. Ito ng pili ng lahat ng mga kailangan niya para sa kanyang katawan.
"Para akong model nconditioner," natatawang sabi niya.
"Haha true, pero aminin bagay sa iyo at alam kong nagustuhan mo talaga ang make over mo halata naman sa ngiti mo 'e," natatawang sabi ni Raine habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin.
"Oo, nagustuhan ko nga. Hindi ako makapaniwalang may gaganda pa pala ako," aniya na abot tenga ang kanyang ngiti.
"Sabi sa iyo, 'e. Diba worth it," nakangising sabi ni Raine.
"Worth it na worth it," aniya at tinaas pa ang kanyang mamay upang ipakita na sang-ayon siya sa tinuran ng kaibigan.
Akmang sasagot si Raine nang bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone kaya't dali-dali niya iyong kinuha sa kanyang bag at nang makita niya ang caller ay mas long lumapad ang kanyang ngiti.
"Hi, babe, nakatawag ka?" malambing na aniya sa kabilang linya.
"Hello babe, l miss you so, l called. Are you busy?" tugon ni Fred.
"Oh, I miss you too. Ahmmm..bakit?" kagat labing tanong niya.
"Can we meet later at night? I will fetch you in your place. And wear your best dress, we will be having a dinner," seryosong sabi ni Fred sa kanilang linya.
Napalunok naman siya ng kanyang laway. "Okay, sige See you."
"See you, bye." Tapos ay na tapos na ang tawag.
"Ano sabi?" mabilis na usisa ni Raine.
Tumingin siya dito na kumikinang ang kanyang mga mata.
"Fred asks me to have dinner with him tonight," masayang balita niya.
"Great! We should shop a nice dress for you because he will probably bring you to an high en restaurant kaya't dapat maganda ka at yayamanin," nakangising sabi ni Raine at humawak sa kanyang braso.
"Sinabi nga niya na magsuot ako ng magandang dress," aniya at napakagat labi.
"Oh, iyon naman pala 'e. Tara na at maghanap ng dress para sa iyo, huwag ka mag-alala ako bahala, tutulungan kita mamili," nakangising sabi ni Raine sa kanya.
"Sige, magbayad na tayo at umalis," tugon niya at hinatak ang babae papunta sa counter para magbayad ng kanilang services na kinuha.
"Hayy kaloka, kay bilis lang gastusin ng pera pero kay hirap kitain," reklamo ni Raine habang naglalakad na sila sa gilid ng daan dahil malapit lang naman ang salon sa mall kaya't hindi na sila nag-abala pang kumuha ng taxi.
"Sinabi mo pa, imagine iyong five thousand ko day, two thousands na lang natira," aniya at bumaba ang kanyang nguso.
"Ayos lang iyan worth it naman 'e. Isa pa'y wala ka naman nang pinaggastusan na iba diba? Kundi sarili mo lang, kaya't huwag ka masyadong kuripot, we only live once, we should cherish that," nakangiting sabi ni Raine sa kanya.
"Tama ka, hahaha. Besides paniguradong mababawi ko rin iyong pera ko," aniya at kumapit sa braso ni Raine.
"Probably, ikaw pa. Kung kumayod ka pa naman para kang may anak na sampu," matatawag sabi ni Raine.
"Hahaha, l just want to have a comfortable life. Alam mo naman na wala na akong iba pang aasahan kundi sarili ko kaya't kailangan 'e kumayod ako at mag-save," aniya at bumuga ng hangin. Napailing-iling lang si Raine.
***
"Ano ka ba, Raine, ayoko nga suotin iyan," mariing tanggi niya. Nang ipilit ng kanyang kaibigan na bilhin nila ang sexy pair underwear at bra na kulay pula.
"Baliw, maganda ito ipares sa dress mo, no. Paano kung maisipan kang bembangin ni Fred? Edi mawawalan iyon ng gana kapag nakita niyong "day of the week" ang underwear mo," napapailing na sabi ni Raine.
Napasinghap naman siya. "Hala siya, paano mo nalaman ha?"
Natawa si Raine bahagya sa kanyang reaction kasi nilagay pa niya ang kanyang dalawang kamay sa pagitan ng kanyang hita.
"Kaloka ka girl, paano hindi ko malalam 'e simula college 'e ganiyan na mga underwear mo at nakita mo ring nakasabit sa aparador mo, nakalimutan mo atang matagal na tayong magkaibigan 'a," natatawang sabibni Raine.
"Kahit utot mo ay kilalang-kilala mo kaya't wala kang baho na hindi ko alam, Mariah," dugtong pa ng babae.
Napangiwi naman siya. "Sorry naman, mas gusto ko kasi ganun 'e para atleast diba, hindi ko na pwede ulitin kapag nasuot ko na kasi may tag na para ito sa tuesday at ito para sa thursday-"
"Kahit na, mas maganda pa rin kung mga ganito isuot mo, para naman maging ganap na babae ka na at hindi parang teenager pa rin," seryosong sabi ni Raine sa kanya.
Napabuntonghininga siya. "Oo na sige na bibilhin natin iyan. Kaya't tumahimik ka na," pagsuko niya kasi alam niyang hahaba lang ang discussion nila kung makikipagtalo siya sa kaibigan.
"Good, at huwag ka. Sasamahan kita mamaya at aayusan para sure akong ito susuotin mo. Ganun kita ka lab, ayaw ko masira ang ko masira ang love life mo kaya't susuportahan kita," nakangising sabi ni Raine sa kanya.
"Ewan ko sa iyo," aniya at napailing pero nakangiti.
"Can't wait to see you, babe." - Fred.
Message iyon ng kanyang nobyo. Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.
"Me too." Isend niya kaagad at binalik ang phone sa bag.