[Pamela] MAAGA siya nagising at nagluto ng almusal ng asawa niya. Nagtimpla din siya ng kape nito. Napansin niya kasi na mahilig ito sa kape na puro, iyong matapang ang pagkatimpla. "Manang, mauuna na po ako. Pakisabi nalang kay Alaric na umalis na ako." Paalam niya kay manang. "Ma'am, hindi niyo ho sasabayan si Sir kumain?" Tanong ni manang na halata ang pagtataka sa mukha. Umiling siya. "Hindi na po." Pagkatapos maghanda ng almusal nito ay umalis na siya ng bahay. Doon nalang siya maliligo sa condo ni Vera. Hindi niya kasi alam paano haharapin si Alaric ng hindi siya nasasaktan. KANINA pa hinahanap ng mata ni Alaric ang asawa pero hindi niya ito nakita simula ng lumabas siya ng bathroom pagkatapos maligo. "Manang!" Agad na lumapit sa kanya ang matanda maging ang ibang kasambahay d

