bc

TRAPPED WITH HIM

book_age18+
1.5K
FOLLOW
6.1K
READ
opposites attract
city
like
intro-logo
Blurb

WARNING🔞⚠️ THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! MATURED CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK!!!

YOU HAVE BEEN WARNED!!!

(Alaric Martin's Story)🔞⚠️🚩

Mala-fairytale ang kwento ng pag-ibig nina Pamela at Alden, galing siya sa hirap, samantalang ito ay galing sa kilalang angkan. Nang niyaya siya nitong magpakasal ay pumayag siya, bukod sa nasa tamang edad na sila ay hindi naman tutol ang pamilya nito sa kanya. Ngunit tila isang bangungot nang magising siya sa araw ng engagement party nila na may ibang lalaki na katabi sa kama. Dahil sa nangyari ay nabaliktad na ang sitwasyon, dahil ang kailangan na niyang pakasalan ay walang iba kundi ang bilyonaryong si Alaric Martin! Ang kuya ng fiancé niya! Paano niya makukumbinse ang mga ito na isang pagkakamali lang ang lahat kung si Alaric mismo ay pumayag agad na pakasalan siya!

TRAPPED SERIES#1.

chap-preview
Free preview
1. TWH
[Alaric and Pamela's Love Story] [Pamela] HINDI maalis ang ngiti niya sa labi habang nakatingin sa singsing na nasa daliri. Ito ang binigay sa kanya ni Alden ng magpropose sa kanya dalawang buwan na ang nakakaraan. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Alden. At sa loob ng tatlong taon na magkasintahan sila ay pinakita nito sa kanya kung ga'no siya nito kamahal. Ginalang siya ng nobyo at pinakilala na rin sa pamilya nito. Hindi rin tutol ang pamilya nito kahit na hindi siya galing sa mayamang angkan, tanggap siya ng mga ito sa kabila ng katayuan niya sa buhay. Twenty-one years old na siya at graduating na this year, kaya ng mag-propose si Alden ay agad na pumayag siya na magpakasal dahil bukod sa nasa tamang edad na sila ay sigurado na sila sa isa't isa. "Baka mapunit ang labi mo n'yan, Pamela." Umupo si Lira sa tabi niya at bahagya pang binangga ang balikat niya. "Nag-propose lang si Alden nagkakaganyan ka na." Bigla itong ngumiti ng tumingin siya rito. "I'm happy, Lira. I still can't believe that I'm getting married. Di'ba sinabi ko naman sa 'yo na pangarap ko na maikasal sa lalaki na mahal ko. And this is it, finally it's going to happen soon." Kinikilig na tumingin siya sa singsing na nasa daliri. "Mabuti hindi namatay sa inggit ang ate Kyle mo?" "Sa tingin mo?" Baliktanong niya. Umikot ang mata ni Lira kaya natawa siya. Kilala kasi nila ang ate Kyle niya na inggitera. Mga bata palang sila ay ganito na ito at hanggang ngayon ay walang pagbabago. Masyado kasi na-spoiled ng magulang nila. Isang ungot lang sa magulang nila ay halos magkandarapa na ang mga ito na ibigay ang gusto ng kapatid niya. Samantalang siya kahit siguro umiyak ng dugo ay hindi mapagbibigyan ng mga ito sa mga bagay na gusto niya, kahit na maglumpasay pa siya sa kakaiyak ay walang pakialam ang mga ito. Kahit nga pagnag-away sila magkapatid ay siya palagi ang may kasalanan, siya ang palagi na mali at ang ate Kyle niya ang tama. "Una na ako, Lira. Pupunta pa ako sa bahay nila Alden, bye!" Paalam niya sa kaibigan na halata sa mukha ang lungkot. Nag-away na naman siguro ito at si Fred, ang nobyo nito. Habang nakasakay sa dyip ay tiningnan niya ang mukha sa maliit na salamin na palagi niyang dala. Hanggang ngayon napapaisip siya, ano kaya ang nagustuhan ni Alden sa kanya? Oo, maganda siya. Maliit ang mukha, matangos ang maliit na ilong at natural na mapula ang labi. Pero bukod sa mga 'yon ay wala na siyang masasabi na maganda sa kanya. Payat kasi siya and her height is just five feet and three inches. Tapos ang dibdib pa niya ay parang pangkinse anyos lang. Ang saklap sa part na baka nga mas malaki pa ang dibdib ng mga kinse anyos kaysa sa kanya na twenty-one years old na. Kaya minsan ay hindi niya maiwasan na ma-insecure sa mga naggagandahan na babae na may gusto sa nobyo niya dahil alam niya na wala siyang panama sa mga ito. Nang makarating siya sa napakalaking bahay ng mga Yinarez ay agad na pinapasok siya ng mga kasambahay. "Ma'am, wala pa po si Sir." Pagbibigay-alam ng kasambahay sa kanya. "Sige, maghihintay nalang ako dito." "Ma'am, ang sabi ni Sir do'n daw ho kayo sa kwarto na katabi ng kwarto niya. Baka daw matagal siya kaya do'n nalang kayo maghintay at magpahinga muna." Tama, dahil gabi na rin ay gusto niya muna magpahinga habang hinihintay ang nobyo niya. Tumango siya rito at naglakad na papunta sa kwarto na tutuluyan niya magmula ngayon. Dito na kasi siya titira dahil sa linggo na gaganapin ang engagement party nilang dalawa. Pumayag naman pareho ang mga magulang nila dahil pagkatapos ng engagement party ay magpapakasal na agad sila pagkatapos ng dalawang buwan. Busy na ngayon si Alden dahil isa na itong CEO ngayon ng kumpanya na pinama dito ng daddy nito. Sa edad na twenty-five ay napamahalaan naman nito ng maayos ang kumpanya kaya lalo siya nabibilib rito. Pagkatapos alisin ang sandals sa paa ay pabagsak siya na nahiga sa malambot na kama. Napapikit siya ng maamoy ang unan na mabango at may panlalaki na amoy. Ang sarap sa ilong! Pumikit siya at saglit na naidlip hanggang sa hindi namalayan na nakatulog na pala siya. Naramdaman niya na dumampi ang labi ni Alden sa labi niya. Gumanti siya ng halik dito at napaungol na ng maramdaman na lumalim ang halik nito sa kanya. Gusto niya itong itulak ng bumaba ang labi nito sa leeg niya. "s**t!" Malakas na mura niya ng malaglag sa sahig na una ang mukha. Agad na tumingin siya sa salamin dahil baka nagdugo ang labi at ngipin niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi naman pala nabasag ang mukha niya. Napahawak siya sa labi niya dahil pakiramdam niya ay namamaga 'yon, maging ang leeg niya ay malagkit, dahil siguro sa pawis. Bago bumaba ay iniwan niya naka-charge ang cellphone. Nagpunta siya ng kusina para tanungin ang mga kasambahay kung dumating na ba si Alden. Natigil siya sa paghakbang ng makita ang nakakatandang kapatid ni Alden na nakaupo. Mula sa malamig na ekspresyon na mukha ay napalitan ng madilim na ekspresyon 'yon ng makita siya. Alangan na lumapit siya rito at naupo sa harap nito at saka pilit na ngumiti, kahit ang totoo ay hindi niya gusto na ngitian ito. Masasayang lang kasi ang effort niya sa pagngiti dahil wala naman itong pakialam. Halata na hindi siya nito gusto para sa kapatid kaya kahit kaunting ngiti ay hindi nito maibigay sa kanya. Saka matagal na itong ganito sa kanya. Naalala niya ng una niya itong makita sa unibersidad na pinapasukan niya—na pag-aari nito, hindi pa niya nobyo noon si Alden ng mga panahon na 'yon, pero masama na talaga ito tumingin sa kanya. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan sa isang Alaric Martin?! Ang bilyonaryo na natuto at nagpalago mag-isa sa mga negosyo nito. Magtagumpay ito sa iba't ibang larangan ng negosyo na pinasok nito tulad Hotels, Casino, Resorts, Restaurants at marami pang iba. Sikat din ito pagdating sa mga babae-pagdating sa pagpapaiyak ng mga babae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.1K
bc

Daddy Granpa

read
278.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
39.7K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook