2. TWH

1088 Words
[Pamela] Daig pa nito ang artista. Sabay, gwapo naman kasi talaga. Matangkad, matangos ang ilong, makapal ang kilay na binagayan ng matapang na mata at bukod do'n ay kulay berde ang mata nito na namana daw sa banyagang ina! Napangiwi siya ng humithit ito ng sigarilyo at binuga ang usok no'n habang nakatingin sa kanya. Ngayon alam na niya kaya hindi mapula ang labi nito katulad ng kay Alden, malakas kasi ito manigarilyo. "Why are you staring at?" Napahawak siya sa batok. Malaki at malamig na boses nito. Nagbigay ng ibang lamig 'yon sa katawan niya. "You want to smoke?" Tanong pa nito sa kanya. Agad na umiling siya. "Hindi po ako naninigarilyo." "Sir Alaric, pasensya na pala, nakalimutan ko sabihin kay Ma'am Pamela na nasa kwarto kayo sa itaas." Bumaling sa kanya ang kasambahay na kararating lang. "Ma'am, do'n nalang daw ho kayo pansamantala sa kwarto ni Sir Alden-" Malakas na ibinagsak ni Alaric ang kamao sa mesa. "No need." Tumayo ito. "Aalis na rin ako." At dire-diretso na umalis. Naiwan siya na natitigilan habang nakatingin sa malapad na likod nito na papalayo. Galit ba ito dahil ginamit niya ang kwarto na gagamitin sana nito? "Teka manang, ibig bang sabihin ng umakyat ako kanina nando'n na si kuya Alaric?" Tanong niya. Tumango ang kasambahay sa kanya. "Pero pagpasok ko kanina...." Wala naman ito doon. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin. "Wala pa ho si Alden-" "Babe!" Gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya ng marinig ang boses ng nobyo. "Babe! Kanina pa kita hinihintay..." Yumakap siya rito ng mahigpit. Natigilan siya. Iba ito sa amoy na na-amoy niya kanina sa unan. Napangiwi siya. Kung nauna ang kapatid nito sa kanya sa kwarto ay baka amoy nito ang na-amoy niya sa unan kanina. Agad na inalis niya sa isip ang amoy na 'yon at niyakap nalang ang nobyo ng mahigpit. "Nakita ko si kuya Alaric. Himala at nagpunta siya rito. Hinanap si daddy?" Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi naman ako masyado kinakausap no'n kaya paano ko malalaman." Bumitaw siya rito ng yakap. Kumunot ang noo niya ng mapansin na magulo ang suot nito at hindi rin tugma ang butones ng suot na long sleeve polo shirt nito, inayos niya iyon na kinangiti ni Alden. "I love you, babe." Malambing na sabi nito sa kanya. Kinagat niya ang labi para pigilin ang ngiti. Mahina niyang hinampas ito sa braso. "Love you more." Pagkatapos nilang kumain ay pumasok na siya sa kwarto na katabi nito. Kahit na tatlong taon na sila at nasa tamang edad na ay hindi parin sila lumalagpas sa smack na halik at yakap. Naniniwala kasi siya na may tamang panahon sa gano'ng bagay. Natigil siya sa pag-iisip ng maamoy ang unan. Naiwan talaga ang amoy dito ni kuya Alaric na gustong-gusto niya. Mahina niyang tinampal ang pisngi. s**t, gustong-gusto? 'Bakit hindi ba?' Tanong ng bahagi ng utak niya. Sumubsob siya roon. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na hindi niya gusto ang amoy nito. "Hindi naman big deal. Amoy lang naman 'to." Sabi niya bago natulog. "CONGRATULATION, PAMELA! Masaya ako para sayo." Naluluha na sabi ng kaibigan niyang si Lira. "Thank you, Lira. Nasaan si Fred?" Tukoy niya sa nobyo nito. Nag-iwas ito ng tingin. "Break na kami. Ops, bawal malungkot! Engagement party mo ngayon kaya dapat happy ka lang!" Agad na sabi nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya. "Basta i-chika mo sa akin kung ano ang nangyari after nito." Malungkot na tumango si Lira sa kanya. Maging si Alden ay halata na nagulat din sa sinabi ni Lira at nanatili nalang na tahimik. Si Fred at Lira kasi ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Alden. Puro pangco-congratulate ang natanggap nila ni Alden sa mga bisita. Medyo nahihilo narin siya dahil sa pag-abot maya't maya ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman agad niya. "Babe, are you okay? Kung pagod at hindi mo na kaya magpahinga ka na." Inalalayan siya ni Alden na maupo. "Kaya ko pa, promise. Hindi pa ako lasing." Nakangiti na nilibot niya ang tingin sa paligid. Natuon ang mata niya sa magulang nila ni Alden. Masaya na nag-uusap ang mga ito at nagkakatawanan pa. Ngayon lang ata siya may nagawang tama para sa mga ito. Ngayon lang niya nakita na ngumiti ang mga magulang niya dahil sa kanya. Kahit kasi mismong birthday niya or noong graduation niya ay hindi niya nakita na ngumiti ang mga ito, basta kahit ano na may kinalaman sa kanya ay wala naman itong mga pakialam. "Babe, sayaw tayo dali!" Hinila niya si Alden at nagsayaw sila sa gitna, at habang sumasayaw ay panay din ang abot ni Lira ng alak sa kanya na iniinom naman din agad niya. Hindi siya sanay uminom pero dahil masaya siya sa araw na 'to ay pagbibigyan na ang sarili na uminom nang uminom. Minsan lang naman. "B-babe." Nilapit niya ang labi sa tainga ni Alden. "H-hilong-hilo na ako." "I told you na huminto ka na sa pag-inom but you're not listening." Inis na pakli nito. Malambing na niyakap niya ito. "I'm sorry, okay. Ngayon lang naman saka masaya lang kasi ako." Lumamlam ang mga mata nito sa sinabi niya at saka hinaplos ang pisngi niya. "Ihahatid na kita na kwarto mo-" "Wag na, babe. Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko na." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Tumayo siya at naglakad na paakyat. Ilang beses pa siya muntik matumba dahil sa kalasingan. Humawak siya sa sintido ng paakyat na siya ng hagdan. Hindi pa man siya nakaka-akyat ay parang mas lalo na siya nahilo sa taas no'n. Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya ng dumulas ang two-inches heels niyang suot sa hagdan, mabuti nalang at may nakasalo sa kanya. Namumungay ang mata na tumingin siya sa may-ari ng braso na nakapulupot sa baiwang niya. "K-kuya Alaric..." Ngumiti siya rito at sinundot ang gilid ng pisngi nito. "Smile naman d'yan, hindi 'yong para kang nalugi. Sabihin mo nga nalugi na ba ang mga business mo, kuya?" Nahigit niya ang hininga ng hapitin pa nito lalo ang maliit niyang baiwang. Nilayo niya ng bahagya ang mukha ng ilapit ni Alaric ang mukha palapit sa mukha niya. "Aakyat ka o pagugulungin kita pababa ng hagdan na 'to?" Dahil sa sinabi nito ay agad na lumayo siya rito at nagmamadali na umakyat, ilang beses pa siya muntik matumba pero umabot naman siya ng buhay hanggang sa makarating ng kwarto. Agad na nahiga siya at natulog, hindi na siya nagpalit ng suot na dress dahil sa kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD