[Pamela]
MASAKIT ang ulo niya. Parang binabasag 'yon at pinupokpok sa sakit. Nakakarinig siya ng halo-halong ingay, mga boses at mga pagsinghap ng kung sino.
"Ano ang ibig sabihin nito, Pamela?!"
Naitakip niya ang kamay sa tainga dahil parang mababasag ang eardrum niya sa lakas ng boses ng mama niya. Wala naman siya natandaan na ginawa niya, o baka naman may sinumbong na naman ang ate Kyle niya kaya nakasigaw na naman ito sa kanya.
"Ang landi mo talaga!" Boses iyon ng ate Kyle niya. "See? I told you that my sister is a slut!"
Tuluyan na siya nagmulat ng mata. Una niyang nakita ang nobyo niya na nakatingin sa kanya. May sakit sa mata na nakatingin ito sa kanya. Nang ilipat niya ang tingin ay halata na galit din ang mommy at daddy ng nobyo niya sa kanya, maging ang mama at papa niya ay parang gusto na siya saktan sa sama ng mga tingin nito.
At ang ate Kyle niya ay umuusok ang ilong habang nakatingin sa kanya.
"Nakakahiya ka, Pamela! Isa kang kahihiyan!" Sabi pa ng papa niya.
Nakita niya kung paano umalis si Alden na halata na masama ang loob. Teka, kanino? Sa kanya ba? Wala naman siyang ginagawa kaya bakit magagalit ito?
Tatayo sana siya para habulin ito pero may braso na pumigil sa kanya.
"Get dressed first."
Nanlaki ang mga mata niya ng makita na hindi siya nag-iisa sa kama! Katabi niya ang kuya ni Alden na si Alaric!
"A-anong nangyari? Prank ba 'to?" Namumutla ang mukha na tanong niya, umaasa na may sasagot ng, oo, sa kanya.
Pero isang malakas na sampal ang tumama sa mukha niya. Sinampal siya ng ate Kyle niya! Akmang sasampalin uli siya nito ng mabilis na umupo si Alaric at pinigilan ang kamay ng ate Kyle niya, saka malakas na tinulak nito ang ate Kyle niya sahig kaya napahiyaw ito sa sakit.
"Get out now, people. Bababa kami pagkatapos namin magbihis." May awtoridad sa boses na sabi ni Alaric.
Teka, sino ang magbibihis? Ano ba talagang nangyayari?
Hindi niya maigalaw ang katawan sa sobrang hiya. Paanong nangyari na katabi na niya ito paggising niya?
"Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo na ako pa ang magbihis sayo?"
Nanlaki ang mata niya ng tumayo ito. "s**t. Bakit nakahubad ka?!" Agad na iniwas niya ang tingin ng makita niya ang hindi dapat makita rito.
Hindi ba ito nahihiya na makita ang mahaba at mataba na maugat na p*********i nito?!
"Dahil may nangyari sa atin?" Balik-tanong nito.
Tumayo siya sa inis. "Ano ba ang sinasabi mo? Walang nangyari-Tangina!" Malakas siyang napamura ng makita na nakahubad din siya. Nanghihina na umupo siya at binalot ng kumot ang katawan.
Imposible! Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa kumot. Paano nangyari ito? Sinabunutan niya ang sariling buhok. Mababaliw siya sa kakaisip!
"Tulungan mo ako, kuya Alaric. Ipaliwanag natin na pagkakamali lang 'to, ha? Please..." Naiiyak na pakiusap niya. Hindi niya alam kung bakit nakahubad siya! Sigurado naman siya na pumasok siya sa kwarto ng may suot kagabi!
Hindi ito nagsalita at nanatiling tahimik. Habang nagbibihis ito ay iniwas niya ang tingin rito.
Magpapaliwanag siya! Isa itong pagkakamali
"MA, nagsasabi po ako ng totoo! Wala po talagang nangyari sa amin!" Humawak siya sa braso ng mama niya pero tinabig lang nito ang kamay niya.
"Wag mo kami gawing tanga, Pamela! Nakahubad kayo pareho tapos walang nangyari?" Galit at pagkapahiya ang nasa mata ng mama at papa niya habang nakatingin sa kanya.
"Wala po talagang nangyari-"
"Paano mo nasabi na walang nangyari sa atin? We're both naked and I'm sure that you knew what happened next." Putol ni Alaric sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin si Alaric na prenteng nakaupo na tila ba balewala lang rito ang mga nangyayari. Nakataas pa ang sulok ng labi nito habang sumisimsim ng kape.
Ang bwisit na 'to! Hindi man lang siya tulungan na magpaliwanag!
Umiling siya. "Pagkakamali lang ito. Walang nangyari at alam ko-" Tumulo na ang luha niya ng malakas siyang sampalin ng papa niya.
"Don't you dare lay your hand in my future wife!" Mabilis na tumayo si Alaric at humarang sa kanya.
Wala sa sarili na umupo siya hawak ang namamanhid na mukha. Nagkakagulo na ang lahat at wala na siyang maintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito.
Kailangan niya makausap si Alden. Alam niya na makikinig ito sa paliwanag niya. Kailangan niya humingi ng tulong rito para makapagpaliwanag sa mga magulang nila.
"So, ano ang eksaktong date ang napili niyo para magpakasal?" Tanong ng mommy ni Alden ng maging kalmado na ang lahat.
Mabilis na tumayo siya at umiling. "Hindi po kami magpapakasal. S-Si Alden po ang gusto kong pakasalan. Wala po talagang nangyari..." Basag ang boses na sabi niya.
Alam niya na walang maniniwala pero sinusubukan niya. Hindi siya papayag na masira ang matagal na niyang pangarap na makasal sa lalaking mahal niya dahil lang sa pagkakamali na 'to.
"I'm sorry hija, but your wedding was already decided to be next month. Hindi ka ba nakikinig sa usapan?"
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Next month? At sino nagsabi?"
Tinuro nito ang katabi niyang binata. Napa-awang ang labi niya. "Ikaw?!"
GALIT NA GALIT siya. Halos magbukas-sara ang ilong niya at hindi magawang magsalita. Matapos niya marinig na nagdesisyon ito na magpakasal agad sila sa sunod na buwan ay hinila niya ito sa kwarto.
Wala na siyang pakialam kung ano pa ang isipin ng mga tao sa baba.
Walang ekspresyon ang mukha nito na nakatingin sa kanya. Wala ba talaga itong pakialam?
"Bakit gumatong ka pa, kuya Alaric? Nagpapatulong nga ako sayo di'ba? Paano na ito ngayon? Lalo lang magiging kumplikado ang lahat dahil sa naging desisyon mo. Hindi naman natin kailangan na magpakasal! Kakausapin ko si Alden at hihingi ako ng tulong sa kanya!"
Lalabas na sana siya ng hawakan nito ang braso niya.
"Paano ka nakakasiguro na walang nangyari sa atin?" Seryoso ang mukha na tanong nito.
Kumunot ang noo niya. Bakit nagtatanong pa ito?
"Answer me, Pam."
Nakakakilabot ang paraan ng pagtawag nito sa pangalan niya. Hindi niya maintindihan ang hatid no'n sa buong sistema niya. Nahigit niya ang hininga ng hilahin siya ni Alaric dahilan para sumubsob siya sa malapad nitong dibdib.
"A-ano bang klase na tanong 'yan?" Ilang beses siya napalunok habang nakatingala na nakatingin sa lalaki na nasa harapan. Masyado itong matangkad para sa kanya.
"B-bitiwan mo na nga ako." Hinila niya ang braso rito pero hinila lang siya nito pabalik. "Ano ba kuya Alaric!" Nagsimula na siya makaramdam ng pagkailang dahil sa pagkakadikit nilang dalawa.
Yumuko ito at bumulong sa kanya. "Go, find your prince charming. Pero wag ka na masyadong umasa sa mga balak mong mangyari, Pam."
Nakahinga siya ng maluwag ng bitiwan na siya nito. Nagmamadali na siya umalis para hanapin si Alden. Gusto niya na makausap ito.