4. TWH

897 Words
[Pamela] NAMAMAGA ang mata niya. Dalawang araw na pero hindi niya parin nakakausap si Alden. Hindi niya ito matawagan at hindi rin nagrereply sa mga messages niya. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Bakit kasi nangyari lahat ng ito?! Ayon naman kay Alden ay hindi nagpupunta ang kuya Alaric nito sa bahay ng mga ito kaya bakit bigla nalang ito nagdesisyon na pumunta, natapat pa talaga na naroon siya at sa engagement party nila. Narito pa siya sa bahay nila Alden. Nawala na ang galit ng mga magulang nito sa kanya dahil magiging pamilya parin naman daw siya ng mga ito sa oras na makasal sila ni Alaric. Na kahit kailan ay hindi mangyayari. Hindi siya aalis rito hangga't hindi niya nakakausap si Alden. Hindi na kasi ito umuwi simula ng araw na makita sila sa kwarto. Nakakainis talaga! Sumubsob siya sa unan at pinagsusuntok 'yon, para doon ibaling ang galit at inis niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit napunta siya sa gano'ng sitwasyon. Siya ba ang mali? Pero imposible talaga! Oo, wala na siya masyadong maalala sa kalasingan pero sigurado siya na wala talagang nangyari sa kanila. Ang alam niya talaga ay nakapasok siya ng kwarto at natulog din agad. Saka hindi naman siya ang tipo ng babae na gano'n, kaya nga virgin parin siya hanggang ngayon, saka kung may nangyari dapat ay masakit ang pokilya niya di'ba? "Pamela..." Agad na napatayo siya ng marinig ang boses ni Alden. Naluluha na yumakap siya rito. "Thanks god! Mabuti at bumalik ka na, babe. Kailangan natin mag-usap, alam ko na makikinig ka sa akin-" "Tama ka, Pamela. Kailangan natin dalawa na mag-usap." Kinabahan siya sa tono ng pananalita nito. Wala na ang lambing sa boses nito. Maging ang mukha nito ay walang kangiti-ngiti. Seryoso 'yon at halata na malungkot, na lalo nagpakaba sa kanya. "Babe..." Nagsimula siya umiyak ng ilayo nito ang katawan sa kanya. "Pamela-" "No, babe! Makinig ka sa akin, please! Tulungan mo akong magpaliwanag sa kanila na wala talagang nangyari sa amin. Alam ko 'yon at sigurado ako-" "Stop it, Pamela! Let's end this!" Nilayo lang uli siya nito ng magtangka siya na yakapin ito. "M-maging masaya ka nalang kay kuya Alaric. P-pipilitin ko na maging masaya para sa inyo." "H-hindi mo na ba ako mahal?" Lumuluha na tanong niya. "Mahal kita, Pamela. Alam mo 'yan." Tumalikod ito sa kanya. "I.. I just want you and my kuya to be happy-" "Paano nga kami magiging masaya kung pagkakamali lang naman ang lahat? Can't you just help me to find a way to explain this everything to our parents? Please, Alden, tulungan mo naman ako!" Pagmamakaawa niya rito. Mahal niya ito at hindi niya gusto na makasal sa lalaking hindi naman niya mahal. Humarap si Alden sa kanya. Puno ng luha ang mga mata na nakatingin ito sa kanya. "I'm sorry, Pamela. I'm really sorry but this is the end for us..." WALANG tigil siya sa pag-iyak. Hindi niya matanggap na tuluyan ng pinutol ni Alden ang lahat sa kanila. Umalis na siya sa bahay ng mga ito. Wala narin naman dahilan para manatili pa siya ro'n. Lalo na ngayon na hiwalay na sila ni Alden. Malungkot na nga siya, dumagdag pa sa lungkot niya ang nalalapit nilang kasal ni Alaric. Pwede naman niya itong takasan, pero tinatakot naman siya ng magulang niya na itatakwil sa oras na gawin niya iyon. Kasalanan ito lahat ng Alaric na 'yon! Tumayo siya at naligo. Alam na niya ang sulosyon sa problema niya. Kailangan niya na makumbinse ito na wag ituloy ang kasal nila. Sigurado na hindi siya itatakwil ng magulang niya kung ito ang tututol sa kasal, malaki pa ang chance na magkabalikan silang dalawa ni Alden. Pagkatapos niya maligo ay nagsuot lang siya ng isang sleeveless dress na kulay pink na hindi aabot sa tuhod ang haba. Matapos magpabango ay kinuha niya ang sling bag niya na kulay pink din at nagsuot ng pares ng flat sandals na kulay pink. Paborito niya ang pink. Napasimangot siya ng masalubong ang ate Kyle niya sa pinto. Inismiran siya nito. "Saan ang punta ng malandi kong kapatid?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa ng may pang iinsulto. "Para kang bata sa ayos mo pero saksakan naman ng landi!" Kahit pinanganak siya na may milyon-milyon na pasensya, sa tingin niya ay mauubos agad iyon sa taong kaharap niya ngayon. "Malandi? Ate kita di'ba? Baka mana lang talaga ako sayo." Pang-iinis niya rito. Hindi naman siya nabigo dahil halos mamuti ang mata nito sa galit sa kanya. Daig pa ang may sapi kung makatirik ang mata. "Bwisit ka, Pamela!" Mabilis siya na nakatakbo. Alam niya kasi na sasabunutan siya nito dahil sa galit. Malakas siyang natawa ng marinig ang ngawa nito at pagsusumbong sa magulang nila. Ano pa ba ang bago? Sanay na siya sa mga ito bata palang siya. Ang ipahiya siya, ang saktan siya, ang akusahan ng kung ano-ano at ang palabasin na sinungaling siya. Lahat ng iyan ay ranas na ranas niya sa pamilya niya. Daig niya pa ang ampon sa trato ng mga ito sa kanya. Kung dati ay hindi siya sumasagot sa ate Kyle niya, hindi na ngayon. Sumusobra na kasi ang ugali nito. Muli niyang naalala ang kasal. Hindi niya mapigilan ang manggigil sa inis pagnaaalala si Alaric sa pagpayag nito sa kasal. "Kasalanan niya talaga itong lahat! Humanda siya sa akin!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD