[Pamela]
BUMUGA siya ng hangin habang nakatingin sa mataas na gusali na nasa harapan na pagmamay-ari ni Alaric. Sa sobrang taas nito ay tila nalula pa siya.
Nagmamadali siyang pumasok sa building pero agad din hinarang ng receptionist.
"Ma'am, may schedule ho ba kayo kay Mr. Martin?" Magalang na tanong ng babae sa kanya.
Umiling siya. "Wala po eh."
"I'm sorry ma'am, pero hindi ho kayo maaaring pumasok."
Gano'n?!
Napaisip siya. "Pwede ba na pakisabi na...na..."
Paano ba 'to?
"Pakisabi nandito ang m-mapapangasawa niya." Alanganin na sabi niya. Hindi naman niya gusto na sabihin iyon, pero paano naman siya makakapasok, di'ba?
Nawala ang ngiti ng babae sa labi. Nagdududa na ngayon ang tingin nito sa kanya at talagang nagtagal pa ang tingin nito sa flat niyang dibdib!
"Miss, pakisabi na dali at wag ka ng tumingin sa dibdib ko dahil flat talaga 'yan! Di na 'yan tutubo at tanggap ko na! Kaya tigilan mo ang dibdib ko!" Iniinis siya ng babaeng ito! Mapanlait kung tumingin, palibhasa biniyayaan!
Hindi parin nawawala ang duda sa mata nito bago damputin ang telepono.
"Hello, pakisabi kay Sir na may babae dito na nangangarap na mapapangasawa niya."
Whaaat?! Nangangarap daw!
"Miss, ano ang full name mo?" Nakataas na ang kilay na tanong ng babae.
"Pagkinasal na kami ni kuya-I mean ni Alaric, ipapatapon kita sa ibang planeta. Tandaan mo 'yan." Pananakot niya rito, pero syempre biro lang naman 'yon. Hindi naman na sila magkikita after nito dahil walang kasalanan na magaganap. "Pakisabi, Pamela Obrid."
Nakita niya kung paano namutla ang babae matapos ang ilang minuto na pakikipag-usap sa telepono.
Bago sumakay ng elevator ay lumingon siya rito at ngumiti ng nakakaloko, kaya naman lalo itong namutla habang nakatingin sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa.
Nang makarating sa palapag kung nasaan si Alaric ay nagmamadali siyang naglakad papasok ng opisina nito. Hindi na siya kumatok at diretso na pumasok.
"Kuya Alaric!" Malakas na tawag niya. "Sinabi ko naman sayo di'ba, na ayaw kong magpakasal sayo-"
Natigil siya sa pagsasalita. s**t, nakakahiya! Hindi lang si Alaric ang tao sa opisina! Napakadaming hot papa! Mabilis na binilang ng mga mata niya ang mga naggagwapuhang lalaki sa loob ng opisina ni Alaric.
Anim!
Tumikhim siya. Bumalik ang inis niya ng maalala ang tungkol sa kasal.
"Kuya Alaric, mag-usap tayo mamaya. Marami akong gustong sabihin sayo." Mahinahon ang boses na sabi pero nanggagalaiti na ang dibdib niya.
Ngumiti ang isang lalaki sa kanya kaya ngumiti din siya rito. Mga gwapo talaga!
"Leave us..."
Tumingin siya kay Alaric na madilim na ang mukha. Nakita niya kung paano ngumisi ang ilan sa mga lalaki.
Hinawakan ng lalaki na ngumiti sa kanya kanina ang kamay niya at hahalikan sana. "Bye miss beautiful-f**k!" Binato ito ni Alaric ng ashtray pero nasalo nito 'yon gamit ang kamay. Tumatawa na lumabas ito ng makita kung gaano kadilim ang mukha ni Alaric.
"Ikakasal ka na tapos nagagawa mo pa makipagngitian sa iba." Pabagsak na naupo ito swivel chair. Madilim parin ang mukha nito.
"Kuya Alaric, umatras ka sa kasal." Walang paligoy-ligoy na sabi niya rito. Hindi na siya umupo at tinukod nalang ang dalawang kamay sa mesa nito.
Tinaasan siya nito ng kilay.
"Seryoso? Tataasan mo lang ako ng kilay?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha.
"What should I do then?" Sumandal ito sa swivel chair nito at matiim siyang tiningnan.
"Umatras ka nga sa kasal-"
"Bakit ko gagawin iyon?" Dumampot ito ng kaha ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya. "Bakit hindi tayo pwede na magpakasal?" Umupo ito sa mesa paharap sa kanya.
"Kasi-ano ba! Wag mo nga ako bugahan ng usok! Ang bastos mo naman!" Angil niya. Paano ba naman ay binugahan siya ng usok! "Ano bang trip 'yan!" Maubo-ubo na lumayo siya rito. Inis na tiningnan niya ito ng marinig na tinawanan pa siya nito.
"Ah basta umatras ka sa kasal. Hindi tayo pwede magpakasal kasi nga hindi natin mahal ang isa't isa. Pagkakamali lang ang lahat. Ang kailangan lang natin gawin ay ipaliwanag sa kanila ang mga nangyari." Kailangan niya itong makumbinse na tulungan siya.
"Pagkakamali?" Muli itong humithit ng sigarilyo at binuga na naman sa kanya.
Kanda-ubo siya. Kupal talaga!
"Pagkakamali nga, ang kulit mo, paulit-ulit? Pagkakamali kasi wala naman talaga nangyari sa atin."
Natigilan ito. Pinatay ni Alaric ang sigarilyo at tumayo. "Paano mo nga nasabi na walang nangyari?"
Bakit ba kasi kailangan pa nito na magtanong?
"Basta alam ko na wala talagang nangyari-ano bang ginagawa mo?!" Suminghap siya sa gulat ng hilahin siya nito at inupo sa mesa na nakabuka ang dalawang hita. Nakita na tuloy ang panty niya!
Nilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya saka yumuko at inilapit ang labi sa tainga niya. "Paano kung may nangyari talaga? Hindi mo lang natandaan."
Pilit na itinulak niya ito pero hindi ito natinag. Naiilang na siya sa posisyon nila ngayon! Nanlaki ang mata niya ng hawakan nito ang dalawa niyang hita at mas hinila pa palapit sa katawan nito.
"A-Alaric, ano ba?!" Nakaramdam na siya ng takot sa ginawa nito. Nanlaki ang mata niya ng dumikit na ang gitnang bahagi niya sa matigas at namumukol na nasa pagitan ng mga hita nito.
Sumikdo ang dibdib niya ng sa unang pagkakataon ay nakita niya itong ngumisi sa kanya. "It sounds good kapag hindi mo ako tinatawag na 'kuya', Pam."
"Hindi na talaga kita 'kukuyahin' bwisit ka! Ang bastos mo-ano ba!" Nagsimula na siyang mataranta ng idiin nito ang sarili sa gitna niya. "H-hindi na ako natutuwa, Alaric!" Hindi niya maisara ang mga hita dahil nasa gitna niya ito! Hindi rin siya makagalaw dahil hawak nito ang dalawang hita niya. Nanghihina din ang mga kamay niya sa hindi malaman na dahilan kaya imbis na itulak ito ay nakakapit na 'yon sa dibdib nito!
"Paano mo nga nasabi na walang nangyari sa atin?" Seryoso na ang mukha nito ngayon. "Kumbinsihin mo ako, Pam. Malay mo, pumayag ako sa gusto mo."