[Pamela] PUMIKIT siya at binasa ang labi. Paano ba sasabihin? Bakit kasi kailangan pa na sabihin at bakit kasi kailangan pa na malaman?! Lumunok siya saka dumilat. "K-Kasi... mararamdaman ko 'yon." Ayaw niya sana ibuka ang labi. "K-kasi di'ba pag first time, masakit?" Halos bulong lang na sabi niya rito. Nakakahiya! Ang dami naman kasing tanong ng lalaking ito! Kinilabutan siya ng nilapit nito ang mukha sa leeg niya. "Sasabihin mo rin naman, pinatagal mo pa." Nakahinga siya ng maluwag ng umalis na ito sa harapan niya at muling umupo. Pinunasan niya ang pawis sa noo, pinagpawisan pala siya dahil sa ginawa nito. Nanggigil siya dahil sa ginawa nito kanina. Bumuga siya ng hangin at pilit na inalis sa isip ang pagkakadikit ng katawan nila. Ang mahalaga sa ngayon ay aatras na ito sa kasal

