[Pamela] NAGKATAWANAN sila sa loob ng sasakyan. Samantalang si Nikka ay halos maiyak na dahil naiwanan nito ang kapares ng high heels nito sa condo ni Vera dahil sa sobrang excited. Hindi kasi sila magkakaibigan nagsusuot ng high heels habang nasa biyahe, nagsusuot lang sila pagbababa na sila. Dahil magkasukat lang sila ng paa ni Nikka ay inabot niya ang pares ng high heels niya rito. "P-Pamela? Paano ka?" Ngumiti siya rito. "Don't worry about me, Nikka. Bihira lang ang pagkakataon na 'to, kaya sunggaban mo na. Hindi na kasi ako sigurado kung maipapakilala kita sa Miguel na iyan. Alam mo na... hindi kami good terms ngayon ni Alaric." Mangiyak-ngiyak na yumakap sa kanya ni Nikka. "Thank you, Pamela!" LAHAT ay nakatingin sa kanila, partikular sa kanya. Nakasuot kasi siya ng rubber s

