[Pamela] NAPAKAGAT-LABI siya. Ang aga-aga tapos ganito ang nasa isip niya. Pagkatapos niya magluto ay naghain siya. Sakto na pagbaba ni Alaric ay nakapaghanda na siya ng pagkain nito. Naka-puti na sando ito kaya kita ang matipuno na braso at isang under-knee shorts ito na kulay itim, kaya kita rin ang mahabang binti. Kahit magulo ang buhok dahil kagigising lang ay hindi man lang nabawasan ang lakas ng dating! "Good morning, Alaric." Nakangiti na bati niya. "Upo ka na, nagluto ako ng-" "Morning, Pam." Nakangiti na bati nito matapos siyang halikan. Shocks! Bakit may pahalik agad?! Ang aga pa kaya! Mabuti nalang pala at nag-toothbrush siya bago nagluto! Habang kumakain ay hindi niya maiwasan ang kiligin. Nilagyan kasi nito ng pagkain ng plato siya at panay din ang tingin nito sa kanya.

