[Pamela] DUMIRETSO siya sa kwarto niya at naligo para mabawasan ang pagkalasing. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng nakaroba. "Ano ang ginagawa mo rito? Gabi na saka matutulog na ako. Doon kana sa kwarto mo." Pagtataboy niya kay Alaric. Nakatayo ito sa pinto at nakasandal do'n. Simula ng dalhin siya nito sa bahay nito ay nakiusap siya rito na dapat ay hiwalay sila ng kwarto. "Bakit nagpupunta ka sa ganoong lugar? May asawa ka na, kaya dapat alam mo ang bawal sa hindi na dapat gawin ng may asawa na tulad mo." Hindi niya ito sinagot. Antok na siya at gusto na niya matulog. Nahihilo pa siya at nanghihina dala ng alak na nainom niya. "I want to rest. Bukas na tayo mag-usap." Humikab siya. "No, let's talk now, Pam." Inis na tumingin siya rito. "Ano ba ang problema mo, Alaric? Bakit ba

