Chapter 99 Aether's POV Tulad nga ng sinabi ni Batuk ay mahihirapan na nga kami na makausad dahil nga sa zero visibility na kami rito sa ilalim ng dagat. Pero hindi naman ako nangangamba na mangyari ang iniisip nila baka nga sugurin na kami rito ng halimaw nang hindi man lang namin namamalayan. Dahil iyon nga ang dahilan kung bakit pinatay ko ang exterior lights ng sasakyan namin. Kung patay ang ilaw namin ay hindi naman namin makukuha ang atensyon nito. Hindi ko nga lamang alam kung paano siya makakaalis sa dinaraanan namin. Kung malilingat lang sana siya kahit na kaunti ay pwede kong buksan nang mahina ang ilaw namin para kahit na papaano ay may maaaninag pa rin kami. Pero hindi lang ang halimaw ang kailangan mapunta sa ibang lugar ang atensyon kundi maging ang iba pang lamang dagat n

