5

1142 Words
NOON ay hindi nagtutungo sa mga ganoong uri ng party si Yvonne. Palaging tahimik lang siya sa isang tabi. She was Miss Prim and Proper. Mas nais niyang manatili na lang sa bahay upang manood ng telebisyon o magbasa ng mga libro. Hindi rin siya naging gala. Hindi rin siya umiinom. Madalas tuloy siyang masabihan na killjoy o spoilsport dahil palagi niyang tinatanggihan ang mga paanyaya sa kanya. Kahit sa pananamit ay konserbatibo siya. Simple lang ang gayak niya. Kontento na siya sa simpleng T-shirt at maong na pantalon. Bihira siyang magsuot ng mga maiikling shorts. Kaya kung may makakakita sa kanya na mga dating kaibigan niya, malamang na magugulat. Kapag nakita ng kanyang ina ang ayos niya ay malamang na himatayin ito. But who cares? She was having fun! Nasa malapit siya sa pool habang kasayaw ang mga kaibigan niya. She was wearing a black string bikini. May hawak siyang bote ng beer sa isang kamay at isang stick ng sigarilyo naman ang nakaipit sa mga daliri niya sa kabilang kamay. Malakas ang maharot na musika. Pumaikot sa baywang niya ang isang braso ni Troy. Hindi niya ito dati pinagtutuunan ng pansin ngunit mula nang maging kabarkada niya ito ay palagi nang nakadikit sa kanya. Pumaikot din ang braso niya sa leeg nito habang patuloy na umiindak. Bumaba ang mukha nito sa kanya ngunit binugahan niya ito ng usok ng sigarilyo. “Behave, Troy,” aniya. Hindi por que nakakalapit na ito sa kanya ay maaari na nitong tawirin ang hindi dapat. Nakangiti at napailing na lang ito. “You know I like you very much,” bulong nito sa tainga niya. Nginitian niya ito nang matamis. “I like you, too, Troy. You know I like you as a friend.” Dinala niya ang bote ng beer sa bibig niya at lumagok. Bago pa man ito makatugon ay may humila na sa kanya palayo rito. Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang ngiting-ngiti na si Antonette. Her eyes were sparkling with joy. She seemed very excited, but was trying her best not to show it. Sa nakikita kasi niya, nais na nitong magtatalon sa sobrang kaligayahan at excitement. “He’s already here, Yvonne!” impit na tili nito. “God, he’s really here. I can’t believe it!” Hindi niya maiwasang maitirik ang kanyang mga mata. “Ano ka ba?” natatawang sabi niya. “Hindi ba sabi mo naman, darating siya? Bakit ganyan ka pa rin ka-excited? Parang hindi mo naman inasahan ang pagdating niya.” “He told me he was coming but I wasn’t really sure. He really came, Yvonne. I’m so happy.” Napangiti siya. “Nakikita ko nga. Ano pa ang ginagawa mo rito? Bakit hindi mo siya estimahin?” Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kung saan. “Samahan mo ako. I can’t believe how nervous I am now. I’m acting like a virgin having her first crush.” Napabungisngis ito. Hindi niya maiwasan ang matawa. Tila nais na nga niyang maniwala na tinamaan nga ito sa Travis na sinasabi nito. Dinala siya nito sa compact bar na nasa pool area. Iilan lang ang mga naroon dahil ang karamihan ay abala na sa paglulunoy sa pool o pakikipagsayaw sa poolside. “That’s him,” bulong ni Antonette sa kanya habang pasimpleng itinuturo ang isang lalaking nasa bar na kausap ang isa pa nilang kaibigang lalaki.  Muntik na niyang mabitiwan ang hawak niyang bote ng beer nang makita ang mukha ng lalaking kinahuhumalingan ng kaibigan niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. Halos wala sa loob na nagpahila siya kay Antonette palapit sa lalaki. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya. Tila nawala sa ayos ang lahat sa sistema niya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. Bumalik sa kanyang alaala ang una nilang pagkikita. Hindi niya inakala na makikita niya itong muli. “Hi, Travis,” nakangiting bati rito ni Antonette. Nakangiting napatingin ito sa kanila. “There’s someone I’d like you to meet.” Antonette’s voice was extra sweet. Napansin niya na natigilan ito nang mapatingin sa kanya. Kagat ang ibabang labi na tumingin siya sa ibang direksiyon. Namukhaan kaya siya nito? “This is my best friend Yvonne,” pagpapakilala ni Antonette sa kanya. Bahagya siyang nagulat sa sinabi nitong best friend siya nito. Hindi kasi niya alam na iyon na ang turing nito sa kanya. Noong nakaraang semestre lang sila nagkakilala at naging malapit sa isa’t isa. Antonette was there when she really needed someone. Kahit na hindi nito alam ang kuwento ng buhay niya, ito ang umaliw sa kanya. Ipinakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Dinala siya nito sa mga masasayang party kung saan niya nakakalimutan ang lahat. “Yvonne, si Travis Castañeda.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “‘Castañeda’? Castañeda as in Villa Cattleya?” Bago pa man siya makapag-isip ay nasabi na niya ang mga iyon. Huli na upang bawiin niya. Nais niyang tampalin ang kanyang bibig. Tila ipinagkanulo niya ang kanyang sarili. Kaya pala nasa lupain ito ng mga Castañeda nang hapong nakawin nito ang unang halik niya. Isa marahil ito sa mga apo ni Doña Ancia. Kumunot ang noo nito. “How did you know?” nagtatakang tanong nito. Pasimpleng pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya kaya nailang siya nang todo rito. Iba kasi ang nabasa niya sa mga mata nito. Ilang lalaki na rin ang nagsabi na maganda ang hubog ng katawan niya, ngunit iba ang tingin na ibinigay nito sa kanya. Sandali lang naman nitong tiningnan ang katawan niya, mas nagtagal ang mga mata nito sa kanyang mukha. Tila kinikilala siya na hindi niya malaman. “Yeah, how did you know?” tanong din ni Antonette sa kanya. Sigurado marahil ito na hindi pa nito iyon nasasabi sa kanya. Nagkibit-balikat siya. Pinilit niyang magmukhang kaswal. “I always associate Castañedas with Cattleya. Villa Cattleya, Hacienda Cattleya, Cattleya Medical Group, Cattleya Group of Companies, et cetera.” Ang hiling niya ay sana lumabas na kaswal ang tinig niya. “I mean, the Castañedas are famous.” Napatango si Antonette. “Of course, Yvonne knows those things. She used to be a nerd, a know-it-all,” anito sa nagbibirong tinig. Napangiti rin si Travis. “It’s nice to meet you, Yvonne,” anito, saka inilahad ang kamay sa kanya. Nag-aatubili man, tinanggap niya ang pakiki-pagkamay nito. “A-ako rin.” Marahang pinisil nito ang palad niya bago nito iyon pinakawalan. Kakaiba ang nadama niya sa sandaling pagdadaiti ng mga balat nila. Tila may nanulay na kuryente sa braso niya patungo sa katawan niya. Nang mapatingin siya sa mga mata nito ay natagpuan niyang nakatingin din ito sa kanya. Tila hindi nito maialis ang tingin sa kanya. Kakaiba ang nakalarawan sa mga mata nito. Hindi niya iyon mabasa. O sadyang ayaw niyang aminin na matinding paghanga iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD