BUMUNTONG-HININGA muna si Yvonne bago umupo sa isang wooden bench sa hardin nina Antonette. Abala ang lahat sa pool area. Nais muna niyang mapag-isa kaya lumayo siya sa lahat. Pinatungan niya ng maikling maong na shorts at manipis na hanging blouse ang bikini niya. Mayamaya lang ay magpapaalam na siya kay Antonette para umuwi. Ayaw niyang malaman ng kanyang ina na wala siya sa bahay.
Inilapag niya sa upuan ang bote ng beer. Naglabas siya ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at sinindihan iyon.
“You should quit.”
Muntik na siyang mapatalon sa kinauupuan niya nang may biglang magsalita mula sa dilim. Pakiramdam niya ay bigla na lang nalaglag ang puso niya mula sa kinalalagyan niyon.
Lumabas mula sa dilim ang taong gumulat sa kanya. He was smiling widely. Kumikinang ang mga mata nito. It was Travis.
Imbes na kumalma ang kanyang sistema, lalo iyong nagulo. Nakatingin lang siya rito at wala siyang maisip sabihin na kahit na ano. Isa ito sa mga dahilan kung bakit siya lumayo sa mga nagkakasiyahang kaibigan niya. Lumayo nga siya ngunit sumunod naman ito sa kanya.
Hindi kasi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya sa lalaking ito. Kahit na dumistansiya siya rito ay nararamdaman pa rin niya ang mga mata nitong nakasunod sa kanya. Kapag lilingunin niya ito ay natatagpuan niya itong nakatingin sa kanya. Namumukhaan nga marahil siya nito.
Ilang na ilang siya dahil alam niyang nasa malapit lang ito. Nako-conscious siya. Hindi na siya makasayaw dahil pakiramdam niya ay pinapanood siya nito kahit na si Antonette ang kausap nito. Pati sa pag-inom ay na-conscious na siya.
Siguro, paranoid lang siya. Mula nang hapong iyon sa Mahiwaga ay hindi na niya ito nakalimutan. May mga pagkakataon na natutulala siya at inaalala niya ang guwapong mukha nito. Sa gabi ay iniisip niya kung ano ang pangalan nito, kung saan ito nakatira, at kung muli ba silang magkikita o hindi na. Kapag naaalala niya ito ay hindi niya maiwasang haplusin ang kanyang mga labi.
Noong una, ayaw sana niyang masyado itong naaalala. Hindi na dapat niya ginagawang big deal ang lahat. Wala naman talagang nangyari kung tutuusin dahil sandali lang naglapat ang kanilang mga labi.
Napapitlag siya nang umupo ito sa tabi niya. “I said you should quit smoking,” anito, saka dinampot ang bote ng beer niya at dinala nito sa bibig ang bote.
Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang magsalita. Ayaw niyang magkaroon ito ng hindi magandang impresyon sa kanya. “Who are you to tell me that?” aniya bago niya sinubukang agawin ang bote ng beer mula rito.
Inilayo nito iyon sa kanya. Inalis nito ang sigarilyong nakaipit sa mga daliri niya. Bago pa man niya ito napigilan ay natapakan na nito iyon. “Who am I? I’m a concerned citizen. Polluted na nga ang lungsod, dadagdagan mo pa?” anito sa magaang tinig. Sa uri ng pagsasalita nito, tila close na close na sila.
Pinigilan niya ang mainis kahit na ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong pinapakialaman siya. Hindi talaga siya smoker. Natuto lang siya sa mga kaibigan ni Antonette. Kahit na ang pag-inom ay natutuhan lang niya sa mga party na dinaluhan nilang magkaibigan. Noong una ay ayaw niya ng usok ng sigarilyo at lasa ng beer, ngunit nalaman niyang nakaka-relax nga ang mga iyon. Kapag tensed siya o stressed sa mga bagay-bagay ay nakakatulong ang sigarilyo at alak.
Alam niyang mali, alam niyang bisyo na ang mga iyon, ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili.
“Gusto ko sanang mapag-isa, Travis,” taboy niya rito sa malamig na tinig.
Tila wala itong narinig. Kaswal itong uminom sa beer niya. “Have we met before, Yvonne?”
Natigilan siya sa tanong nito. Hindi ba talaga nito maalala ang nangyari sa kanila nang hapong iyon? Hindi naman ito lasing nang mga panahong iyon. Bakit nadismaya siya sa pagtatanong nito?
“B-bakit mo n-naitanong?” tanong niya imbes na direktang sagutin ang tanong nito.
Nagkibit-balikat ito. “I have this strong feeling that I’ve seen you before. I’m not sure if it was a dream or if I actually kissed you that afternoon, angel.”
Napasinghap siya. Inakala lang nitong panaginip iyon? Hindi ito sigurado kung hinagkan talaga siya nito? Hindi pala ito gising nang nakawin nito ang unang halik niya. Tila nais niyang mainsulto na hindi niya mawari. Hindi niya alam kung makakaramdam siya ng relief o inis.
Sinalubong nito ang kanyang tingin. “So, have we met before?” tanong uli nito.
“No,” naiinis na sagot niya. “Ngayon lang tayo nagkakilala at pakialamero ka na agad.” Inirapan niya ito. “Leave me alone.”
Sumandal ito sa bench imbes na sundin ang sinabi niya. “I want to be with you, angel.”
“Don’t call me that!” she hissed. She was not an angel—she was no longer an angel. Bata pa lang siya, madalas nang sabihin ng mga tao na tila sa isang anghel ang maamong mukha niya. Napakabait din daw niya sa kanyang ina. Isa raw siyang huwarang anak na dapat tularan ng mga kabataan. Pero nagbago na siya. Hindi na siya si Yvonne, ang anghel ng lahat. Tuluyan na rin kasing nagbago ang mundo niya, ang buong buhay niya. Wala na ang dating buhay niya.
“You look like an angel,” anito na tila hindi naapektuhan sa tono niya. “You’re so beautiful.”
“I have a name. Call me ‘Yvonne.’”
“If you say so, angel.” He was grinning with delight.
Tumayo siya upang iwan na sana ito ngunit naagapan nito ang kanyang braso. Banayad siya nitong hinila pabalik sa bench.
“Don’t go,” pakiusap nito. “Gusto pa kitang makausap. And please don’t frown and pout. You’re still pretty but I prefer to have you smile. I haven’t seen you smile since I arrived here.”
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nais niyang manatiling naiinis dito ngunit hindi niya iyon magagawa kung hindi naman talaga nakakainis ito. Naguguluhan siya nang labis sa mga emosyong gumugulo sa kalooban niya. Bakit hindi makalma ang kanyang puso? Hindi iyon mapakali. Hindi maipaliwanag ang uneasiness na nararamdaman niya sa kasalukuyan. Hindi niya iyon naramdaman sa iba. Ngayon lang siya nailang nang ganito katindi.
“Bakit ngayon lang kita nakilala?”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Huh?”
Tumaas ang kamay nito sa kanyang mukha. Hinawi nito ang ilang hibla ng namamasang buhok niya na tumatabing sa kanyang mukha at iniipit nito ang mga iyon sa likod ng tainga niya. Hindi nito inilayo agad ang kamay nito. Naglaro ang mga daliri nito sa namamasa niyang buhok.
Nanigas ang buong katawan niya. Nais niyang palisin ang kamay nito at lumayo. Ayaw namang sumunod ng kanyang katawan sa sinasabi ng kanyang isip. Halos sigurado na siya na sasabog anumang sandali ang kanyang dibdib sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
“You’re so beautiful,” masuyong sabi nito sa kanya habang nakatingin sa mukha niya. Malinaw niyang nabasa ang paghanga sa magandang mga mata nito na nakatunghay sa kanya.
Nakatingin din lang siya sa mukha nito. Tila siya nababatubalani na hindi niya masabi. Hindi niya maiiwas ang kanyang tingin dito kahit na ano ang gawin niyang utos sa sarili niya.
He was beautiful. He had a perfect male beauty.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang epekto nito sa kanya mula nang una pa lang silang magkatagpo. Hindi dapat ganoon dahil hindi niya ito kilala. Kahit na nakumpirma niya na isa ito sa mga apo ni Doña Ancia Castañeda, hindi pa rin niya kilala ito. Kilala niya ang pamilyang pinanggalingan nito ngunit hindi ito mismo. Iyon pa lang ang pangalawang pagkakataon na nagkatagpo silang dalawa. Bakit masyado na yatang malapit ang mga mukha nila sa isa’t isa?
“I’ve seen you before,” he said in a husky voice. “I’ve seen you in a dream. I kissed an angel in my dream.”
Hindi niya magawang sumagot. Nakatingin lang siya rito.
“Boyfriend mo ba `yong lalaking nakabuntot sa `yo?”
Hindi niya maunawaan ang tanong nito. “H-ha?”
“`Yong lalaking humaklit sa baywang mo kanina at nagpatihulog sa pool, was that your boyfriend?” Tila hindi nito nagustuhan ang nakita nito kanina.
Noon lang niya napagtanto na si Troy ang tinutukoy nito.
“Answer me, angel,” malambing na utos nito.
Nakiliti ang mukha niya sa hininga nito dahil malapit ang mukha nito sa mukha niya. They were dangerously close to each other and she couldn’t think straight.
“N-no,” tugon niya. “He’s not my boyfriend.” Hindi niya kailangang sumagot ngunit kusang bumuka ang mga labi niya. Maaari niyang sabihin na nobyo niya si Troy upang lumayo ito sa kanya, ngunit tila hindi iyon maatim ng kanyang puso. Ayaw niyang isipin nito na may commitment na siya sa ibang lalaki.
He smiled. His eyes glittered in satisfaction. “Very good.”
Napalunok siya nang mapansin na halos wala nang distansiya ang mga labi nila. Hindi niya ito maaaring hayaan sa nais nitong gawin. Wala itong karapatang hagkan siya—noon at ngayon. Inisip nito na parte lang siya ng panaginip nito noon, ano ang iniisip nito ngayon habang akma na siya nitong hahagkan? Idadahilan ba nito ang alak? Lasing na ba silang dalawa?
Dapat ay itinutulak na niya ito palayo. Dapat ay iniiwas na niya ang kanyang mukha. Dapat ay tumatalilis na siya ng takbo.
Ngunit kabaligtaran ang ginawa niya. Nang kaunti na lang ang distansiya ng kanilang mukha ay pumikit siya. She even sighed dreamily when their lips touched. Mas pumaloob ang mga daliri nito sa buhok niya. Hinila pa siya nito palapit. Hinayaan niya ang katawan niyang sumunod. Wala rin naman siyang magagawa. She felt like ice cream melting under the sun. She felt boneless.
Gumalaw ang mga labi nito sa mga labi niya. He urged her to part her lips and she immediately did. Tuluyan na yata siyang nawala sa kanyang sarili. Wala na siyang alam sa nangyayari. Hinayaan na lang niya ang kanyang sarili na tangayin ng agos.
She didn’t know why it felt so great to kiss him. Pakiramdam niya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Sa sobrang gaan, tila siya nakalutang. Hindi niya alam kung dahil iyon sa nasobrahan na siya ng nainom na beer o dahil hinahagkan siya nito.
Matamis at malambot ang mga labi nito. Iba ang ligayang idinudulot nito sa kanya. Gustong-gusto niya ang masarap na pakiramdam na naghahari sa buong pagkatao niya. Unti-unti niyang iginalaw ang kanyang mga labi. Hindi siya marunong humalik ngunit madali naman siyang natuto. Ginaya niya ang galaw at hagod ng mga labi nito sa kanya.
Napaungol ito nang maramdaman ang pagganti niya sa halik. Lalo pa siya nitong hinila patungo rito at diniinan ang mga labi niya. Pumaikot na ang mga braso niya leeg nito. Aware siya na halos nakakandong na siya rito ngunit wala siyang pakialam. Matindi nga ang pagnanais niyang mawala ang lahat ng distansiya sa pagitan nila.
Mas lumalim ang halik nila. Their tongues played together. She felt hot all over. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila sinilaban siya bigla. Tila mas nais pa siyang gawin o abutin ngunit hindi naman niya malaman kung ano.
Tila mauubusan na siya ng hininga ngunit ayaw pa rin niyang humiwalay rito. She wanted to kiss him forever. Ayaw na niyang matapos ang kaiga-igayang pakiramdam na idinudulot nito sa kanya. She wanted this wonderful blissful feeling to go on and on.
Nagsimulang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napahawak siya sa ulo nito at pumaloob ang mga daliri niya sa buhok nito. Hindi pa rin niya maimulat ang kanyang mga mata. She loved the feel of his wonderful sucking lips on her sensitive skin.
Umangat uli ang mga labi nito patungo sa pisngi niya. “I’m so glad I attended Antonette’s party,” bulong nito habang hinahagkan ang pisngi niya patungo sa mga labi niya.
Bigla siyang nagmulat ng mga mata. Sinakop uli ng mga labi nito ang mga labi niya. Natulala siya habang hinahagkan siya nito.
Antonette...
Paano niya nagawang kalimutan na si Travis ay ang lalaking nakapukaw sa atensiyon at interes ni Antonette? Her friend was in love with this man. Ano ang ginagawa niya roon at nakikipaghalikan sa lalaking ito?
Travis was not hers for the taking. Kay Antonette na ito. He was untouchable.
Paano niya nagawa iyon sa kaibigan niya? Nakakahiya siya. Umakto siya na tila walang-kuwentang babae, walang-kuwentang kaibigan.
Marahas na itinulak niya palayo si Travis. Bago pa man ito makahuma ay tumakbo na siya palayo. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang bag sa loob ng bahay nina Antonette at hindi na siya nagpaalam pa sa kaibigan. Lumabas na siya sa bahay ng mga ito.
She had behaved like a common slut, making out with a guy she had just met. A guy her friend loved. A guy she didn’t know. She had let him kiss her and feel her up like she was a cheap girl.
Hindi na siya nahiya sa sarili niya. Ganoon na ba talaga siya? Hindi na rin ba niya pinapahalagahan ang kanyang sarili? Had she gone mad, totally?
Namasa ang kanyang mga mata. Ano ang gagawin niya sa buhay niya? She was getting worse.