7

1415 Words
NATIGILAN si Yvonne paglabas niya ng gate nina Antonette. Hindi niya inaasahang makikita ang isang pamilyar na kotse sa labas niyon. Nakasandal doon si Lucieno. Mababakas sa mukha nito ang pagkabagot at iritasyon. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na naroon siya, ngunit naglakad na siya patungo rito. Mabuti na ring naroon ito upang hindi na siya mahirapang maghanap ng masasakyan pauwi. “Lucien,” tawag niya rito sa malamig na tinig. Napatingin ito sa gawi niya. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Lalong gumuhit ang galit sa mukha nito. Hindi na niya nagawang magpalit ng damit. Hinubad nito ang suot nitong hooded sweater at inihagis sa kanya. “Get in. Do it silently. I don’t want to argue with you right now, babe.” Mababakas ang inis sa tinig nito. Nagtagis ang mga bagang niya. Naiinis siya rito ngunit mas minabuti niyang sumakay sa kotse. Pinaharurot nito ang sasakyan paalis sa lugar na iyon. He was looking straight ahead. His face was set. Halos mamuti na ang knuckles nito sa higpit ng pagkakahawak nito sa steering wheel. “I didn’t ask you to come and get me,” hindi napigilang sabi niya. “Shut up,” anito sa mahina ngunit galit na tinig. “Don’t say a word.” Sumandal siya at hindi na nagsalita pa. Hindi dahil natatakot siya sa galit nito, kundi dahil occupied ni Travis ang buong kamalayan niya. Kung naiba-iba marahil ang mood niya, lalo pa niya itong iinisin at gagalitin. Tahimik sila hanggang sa makauwi. Bumaba siya ng sasakyan nito hindi pa man nito napapatay ang makina. Nagmamadaling umakyat siya sa hagdan upang hindi na siya maabutan nito. Baka nagbago ang isip nito at sermunan uli siya na animo tunay na tunay ito. Minalas siya dahil hindi pa man siya nakakaakyat sa taas ay nakapasok na rin ito.  “Yvonne,” tawag ni Lucieno sa kanya. “What?” naiiritang tugon niya. “Next time, ask your mom if you can go out. Hindi naman mahirap humingi ng permiso, hindi ba? Wala naman—” “Cut the bullshit, Lucien,” naiiritang saway niya rito. “I’m not listening to any of it.” Ang sama rin nito. Pagkatapos siya nitong patahimikin ay ito ang aariba ng sermon sa kanya. Ang galing din nito. Inaasahan marahil nito na baka magising ang mga magulang nila at pagalitan siya. Marahas itong napabuntong-hininga. “I’m not gonna tell Tita Angeli that you sneaked out tonight. I don’t want to upset her further. But please, try to make an effort to be the kind of daughter she raised again. `Wag mong gawin ito sa sarili mo, sa pamilya mo. Ayokong sirain mo ang sarili mo dahil lang masama ang loob mo sa mga magulang natin. Don’t be like this, Yvonne. You’re better than this.” “You don’t know me, Lucien,” she said through gritted teeth. “You’ve no right to say that to me. You don’t understand what I feel, and you never will. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko at wala kang magagawa.” Bago pa man ito makapagsalita uli ay nagtuloy-tuloy na siya sa pag-akyat. Naiinis na pumasok siya sa loob ng silid niya. Ibinato niya ang kanyang bag sa kama. Hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha sa pagpatak. She hated Lucieno and their father. She hated her life. She hated everyone! NATIGILAN si Yvonne nang makitang hindi nag-iisa sa cafeteria si Antonette nang hapong iyon. Nag-text ito sa kanya at niyaya siyang magkita sila sa cafeteria pagkatapos ng klase niya. Hindi nito sinabi sa kanya na kasama nito si Travis. Hindi na sana niya itutuloy ang paglapit sa mga ito ngunit nakita na siya ni Antonette. Nginitian at kinawayan siya nito. Napatingin na rin sa gawi niya si Travis. Isang matamis at mapanuksong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Nag-aalangang gumanti siya ng ngiti. Wala na siyang nagawa kundi ang maglakad palapit sa mga ito. Iniiwas na lang niya ang kanyang paningin kay Travis.  Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito doon? Dati naman ay hindi niya ito nakikita sa cafeteria na iyon. Malayo ang building ng college department nito sa cafeteria. “Hi,” bati ni Travis sa kanya paglapit niya. Masigla ang tinig nito. Pakiramdam niya ay hindi na nito inalis ang paningin nito sa kanya mula nang makita siya nito. “H-hello,” naiilang na bati rin niya rito. Malikot ang mga mata niya at hindi makatingin nang deretso dito. Alam niya na hindi dapat maging ganoon ang pagkilos niya. Ayaw niyang mahalata ni Antonette na may kakaibang namamagitan sa kanila ng lalaking ito. Ngunit hindi niya maalis ang pagkailang niya. Ilang araw na siyang napupuyat sa kakaisip dito. Madalas niyang naaalala at napapanaginipan ang halik na pinagsaluhan nila. Hindi mawaglit sa isip niya ang guwapong mukha nito at ang matamis at malambot na mga labi nito. Ilang araw rin niyang pinagalitan ang kanyang sarili sa paghahangad at pagpapantasya rito dahil gusto ito ni Antonette. Hindi niya maaaring agawin sa kaibigan niya ang lalaking gusto nito, kahit wala pang masasabing relasyon ang dalawa. Kaunting respeto lang ang kailangan ni Antonette galing sa kanya. Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang gawin kung ano ang tama. Kailangan niyang magising sa kahibangan niya. Hindi siya nagkakagusto kay Travis. Nagkataon lang na ito ang unang halik niya. Masyado lang siyang nadadala roon. The first kiss was not everything. “Pagka-text ko sa `yo, nakita ko dito si Travis,” ani Antonette nang umupo na siya. Tila kaswal ang kilos at pagsasalita nito ngunit alam niya kinikilig ito. “Mahaba raw ang vacant period niya kaya nagtungo siya rito.” “The donuts here are good. Walang donuts sa malapit na cafeteria sa building ko kaya dumayo pa ako dito,” sabi ni Travis sa magaang tinig. Nakatingin pa rin ito sa kanya kaya lalo siyang nailang. “Sana lumabas ka na lang para maghanap ng donuts,” mataray na sabi niya. Sinadya niya iyon upang huwag na siya nitong tingnan. “Mas masarap ang donuts sa labas.” “Yvonne!” saway sa kanya ni Antonette. Naka-ngiting binalingan nito si Travis. “What my mad friend means is, we can go out and get some honest-to-goodness donuts. May alam akong lugar na nagse-serve ng masarap na donuts.” Ang tamis-tamis ng pagkakangiti ng kaibigan niya. Her eyes were full of hope. Kahit paano ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Ang husay talaga ng kaibigan niya pagdating sa mga ganoong bagay. Alam niya na hindi makakatanggi si Travis sa paanyaya ni Antonette. Tumayo na siya. “I have to go,” sabi niya bago pa man makapagsalita si Travis. Sa palagay niya ay hindi siya kailangan ni Antonette. Nagkataon lang marahil na hindi na siya nito mapadalhan ng mensahe na nagsasabing huwag na siyang magtungo roon dahil kausap na nito si Travis. “May gagawin akong research paper sa library.” Tumaas ang isang kilay ni Antonette. May naglalarong amused na ngiti sa mga labi nito. Alam nitong matagal na siyang hindi nag-aaral o tumatambay sa library. Noon ay madalas siya roon dahil seryoso siya sa pag-aaral. Alam nitong nagdahilan lang siya. Naroon din ang pasasalamat sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. She smiled back.  “Why don’t you join us? It’ll be fun,” sabi ni Travis sa kanya. “The more, the merrier.” “Yeah,” tila napipilitang sabi ni Antonette. “Kailangan ko talagang magpunta sa library, eh. Marami na akong assignments at projects na hindi nagagawa.” Totoo ang bagay na iyon ngunit wala siyang balak na gawin ang mga iyon ngayon. Mas gusto niyang makatakas kay Travis. “Have fun na lang.” Hinagkan niya sa pisngi si Antonette. “You owe me,” bulong niya rito. “Thanks,” ganting-bulong nito. Humiwalay na siya rito. “`Bye!” Bago pa man may pumigil sa kanya ay nakatalikod na siya. Mabilis niyang nilisan ang cafeteria at tinahak ang daan patungo sa library. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya roon. Pilit niyang sinikil ang naramdaman niyang dismaya at lungkot. Tila sinasabi ng kanyang puso na nais nitong makasama si Travis. Labag na labag sa kalooban niya ang kanyang ginawa. Gaga! Dapat ngayon pa lang ay alam mo na kung saan ka lulugar! kastigo niya sa sarili. Nanlulumo na pumasok siya sa library. Upang hindi na niya gaanong maisip sina Travis at Antonette, inabala na lang niya ang kanyang sarili sa paggawa ng mga assignment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD