“ARE YOU avoiding me?”
Muntik nang mahulog si Yvonne mula sa kinauupuan niya nang marinig ang isang pamilyar na tinig sa tapat ng tainga niya. Mabuti na lang at natakpan niya ang kanyang bibig kung hindi ay napasigaw na siya sa loob ng library.
Gulat na nilingon niya si Travis. Nanlaki ang mga mata niya nang makumpirmang ito nga ang gumulat sa kanya. Ano ang ginagawa nito roon? Hindi ba dapat ay kasama nito si Antonette sa labas para kumain ng donuts?
Hindi na niya namalayan kung gaano na siya katagal sa loob ng library ngunit sigurado siya na masyadong maikli ang oras upang makabalik agad si Travis sa university. At isa pa, hindi siya naniniwalang pinakawalan ito nang ganoon kaaga ni Antonette. Inaasahan pa nga niya na bukas na bukas din ay magnobyo na ang dalawa.
Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi niya. He was grinning.
Halos matulala siya sa kaguwapuhan nito. Wala yata itong anggulo na hindi maganda. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil kung ano-ano ang naiisip niya.
“Ano ang ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong niya.
“To see you,” simpleng tugon nito.
“Si Antonette? Hindi ba dapat ay may date kayo?”
“You call that a ‘date’? She had an emergency. May tumawag sa kanya hindi pa man kami nakakalayo. She had to go home ASAP. Bumalik na lang ako para hanapin ka dito sa library. Ang sipag, ah. Tapos ka na ba sa mga ginagawa mo? Gusto mo, tayo na lang ang mag-date? My treat. Anywhere you want.”
Laglag ang kanyang mga panga na napamata siya rito. Was he serious? “How can you even say that to me?” namamanghang tanong niya rito.
“What did I say wrong?” naguguluhang tanong din nito. “I’m just being honest. I just want to be with you. I like you, Yvonne. I like you very much.”
Nanlaki ang mga mata niya. Totoo ba ang narinig niya mula rito? He was so blunt. Muling sumagi sa isip niya si Antonette.
Ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit walang kahit na anong salita ang lumabas mula roon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ni hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Napailing na lang siya. Isinara niya ang mga librong binabasa niya pati na rin ang notebook niya.
“I have to go,” aniya, saka isinukbit ang bag sa balikat niya. Tumayo siya at binitbit na ang mga libro niya. Tumayo rin ito sa kinauupuan nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa mga shelf ng libro.
“Ano ka ba?” mahinang saway niya habang pilit na hinihila ang kamay niya na hawak nito. Ngunit wala siyang panama sa lakas nito. Hindi nito hinayaan na makawala siya. Hindi rin niya malakasan ang tinig niya dahil nasa library sila. Iilan na lang ang mga tao roon ngunit nakakahiya pa rin kung mag-iingay siya. May mga ilan na ngang nakasunod ang tingin sa kanila.
Hinila siya ni Travis sa bahagi ng library na hindi gaanong pinupuntahan ng mga estudyante dahil mga lumang libro ang nakalagay. Isinandal siya nito sa isang shelf. Sinubukan niyang makawala ngunit pumaikot sa kanya ang mga braso nito.
“Let me go,” utos niya sa mariing tinig.
Bumilis ang t***k ng puso niya. Wala na sa ayos ang buong sistema niya. Pati ang pag-iisip niya ay nanlalabo na. Ang lapit-lapit nila sa isa’t isa. Naamoy niya ang bangong nanggagaling dito. Natatakam siya sa mapulang mga labi nito na kaunting galaw lang niya ay maaabot na niya.
“Why are you acting like nothing happened between us that night?” tanong nito sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin. “What happened, really?” nagmamaang-maangang tanong niya.
Mas mabuti nang isipin nito na bale-wala sa kanya ang nangyari sa hardin sa pool party ni Antonette. Hindi na baleng isipin nito na basta-basta siyang babae. Basta ayaw niyang mapalapit dito nang husto. Nais niyang makadistansiya na siya rito sa lalong madaling panahon.
Hindi lang dahil kay Antonette, dahil na rin sa hindi niya maintindihan ang epekto nito sa kanya, ang nararamdaman niya para dito. Ayaw niyang maguluhan. Hindi niya gusto ang pakiramdam na tila heightened ang lahat ng senses niya kapag nasa malapit lang ito. Hindi niya gusto ang uneasiness na hatid ng presensiya nito. Hindi rin niya gusto na tila nasa bingit siya palagi ng alanganin.
“Hah. You don’t remember the wonderful kisses we shared?” tanong nito sa nanunudyong tinig. Inilapit pa nito ang bibig nito sa tainga niya habang nagsasalita. Muntik na niyang maiangat ang balikat niya dahil sa kiliting sumalakay sa kanya.
“What kiss?” Hindi pa rin niya magawang tumingin nang deretso sa mga mata nito. Bakit hindi na lang siya nito hayaan?
Ipinaharap siya nito rito. “I’ll refresh your memory.” Bago pa man siya makabuo ng protesta ay nailapat na nito ang mga labi sa mga labi niya.
Imbes na itulak ito palayo, nangunyapit agad siya sa leeg nito. Pumikit siya at tinugon ang halik nito. She had missed those lips. He had no idea how much she yearned to taste them again.
Nababaliw na siya. Aayaw-ayaw pa siya kunwari, bibigay din pala siya.
It felt so great to kiss him again. Kahit na walang alkohol sa kanyang sistema, pakiramdam niya ay nakalutang pa rin siya. Tila siya idinuduyan sa mga ulap. Lalo pa niyang inilapit ang katawan niya sa katawan nito. Tila ayaw na niyang malayo rito. She wanted them to kiss forever.
She had really gone mad.
NASA library uli si Yvonne. Naroon siya sa bahagi na pinagdalhan sa kanya ni Travis at kunwari ay nagbabasa. Nakaupo siya sa lapag at nakasandal sa isang shelf. She was waiting for someone. She was crazy indeed.
Marahas siyang nagbuga ng hangin. Hindi niya mapaniwalaan ang nangyayari sa kanya. Ibang-iba na siya. Hindi na niya makilala ang kanyang sarili.
Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na niya kailangang lumingon upang malaman kung sino ito. Nanuot na sa ilong niya ang mabangong amoy nito. Ang puso niya ay hindi na naman mapakali sa kinalalagyan niyon. Excitement and giddiness were fast invading her whole being.
Pinipigilan lang niya ang kanyang sarili ngunit ang totoo ay nais na niyang yumakap dito. Her lips wanted to feel his soft lips, wanted to taste their sweetness.
She mentally shook her head. Kailangan niyang palisin ang lahat ng agiw sa utak niya. Kailangang maging malinaw ang pag-iisip niya ngayon. Hindi na maaaring magpatuloy ang kahibangan niya. Baka tuluyan na siyang mabaliw kay Travis at hindi na siya kumawala.
Huminga siya nang malalim bago puno ng determinasyon na nilingon ito. Magsasalita na sana siya ngunit natigilan siya. Napatitig siya sa mukha nito at tila nawalan na siya ng kakayahang mag-isip. Nanlabo na naman ang lahat ng matinong kaisipan niya.
Bakit ba hindi kumukupas ang kaguwapuhan nito? Bakit nahihigit pa rin niya ang kanyang hininga kapag nakikita niya ito? Kailan magbabago ang epekto nito sa kanya?
“Hi, darling angel,” nakangiting bati nito. “I’ve missed you.”
Bago pa man siya makaproseso ng tugon, nasakop na nito ang mga labi niya. Tuluyan na siyang hindi nakapag-isip. Tuluyan nang naglaho ang lahat ng nais sana niyang sabihin. Nagpatangay uli siya sa kabaliwan niya. Wala na siyang nagawa kundi pumikit at tumugon sa halik nito. Wala siyang pakialam kahit na may makakita sa kanila roon.
Ganoon palagi ang nangyayari sa kanila tuwing magkikita sila. Ni hindi sila nakakapag-usap nang matino. Kaunting batian lang at ang sunod niyang namamalayan ay hindi na mapaghiwalay ang mga labi nila. Madalas, pakiramdam niya ay high siya sa drugs. Alam niyang mali pero hindi niya mapigilan ang umulit. Iba ang hatak nito sa kanya, masyadong malakas at hindi siya makatanggi. At kahit na ano ang gawin niya, kahit gaano katindi ang effort niya, tumitikim pa rin siya ng “drugs.”
His lips were so addictive. Tila hindi siya mapakali kapag hindi niya natitikman ang mga labi nito sa isang araw. Hindi siya mapakali kapag hindi niya ito nakikita. Malala na siya.
Napaungol siya nang pakawalan nito ang kanyang mga labi. Tila nais niyang magreklamo.
Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanyang mga mata. “I see you’ve missed me, too,” anito sa nanunudyong tinig. Hinagkan nito ang sulok ng kanyang mga labi. Tila ito tumitikim ng ice cream.
Bahagya niyang naalala ang mga dapat niyang sabihin dito, ngunit mas pinili niyang burahin ang mga iyon sa kanyang isip. Lango pa siya sa epekto ng halik nito. She wanted even more. Tumaas ang kamay niya sa batok nito at mas hinila ito patungo sa kanya. Siya na ang naglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.
She felt him smile against her lips. Ngunit sandaling-sandali lang. Nawala rin ang ngiti nito dahil abala na ito sa pagtugon sa halik niya.
Nagdesisyon siyang ayaw muna niyang mag-usap sila. Sa ibang araw na lang...