9

1226 Words
BIGLANG naitulak ni Yvonne palayo si Travis nang makarinig siya ng malakas na pagsinghap na nasundan kaagad ng “Diyos ko po.” Uminit nang husto ang buong mukha niya nang makita ang isang ginang na nakauniporme ng pang-janitor sa kanilang unibersidad. Lilinisin yata nito ang silid dahil may dala-dala itong mga gamit sa paglilinis. Umiiling pa ito habang nakatingin sa kanila ni Travis na nakayakap pa rin sa kanya. Tila nais niyang bumuka ang lupa at lamunin siya nang buo. Nakakahiya siya. Paano na lang kung magsumbong ang ginang na ito? “Hello po,” nakangiting bati ni Travis dito. Nahampas niya ang dibdib nito. Hindi man lang ba ito nahiya? Nadatnan sila nito na naghahalikan sa isang hindi ginagamit na chemistry laboratory.  Gabi na at kakaunti na lang ang klase sa university. Medyo ginabi siya dahil kinausap pa siya ng isang professor niya sa isang subject na malapit na niyang maibagsak. Nababagot na pinakinggan niya ito at wala siyang pakialam kahit na bumagsak siya sa lahat ng subject niya ngayong semestre.  Pababa na siya ng building nang makasalubong niya si Travis. Hindi na niya naitanong kung ano na naman ang ginagawa nito sa building niya. Ang sunod niyang namalayan ay hila-hila na siya nito patungo sa seventh floor ng building kung saan naroon ang chemistry laboratories. Pumasok sila sa isang silid na hindi ginagamit, and they kissed like there was no tomorrow. Umiling uli ang ginang bago nito inihanda ang mga gagamitin nito sa paglilinis ng silid. Tila sila ang pinakamalaking disappointment nito sa buhay base sa ekspresyon ng mukha nito. Hiyang-hiya talaga siya. Hihilahin na sana niya si Travis palabas nang magsalita ang ginang.  “Mga anak, hinay-hinay lang. Alam kong iba ang bugso ng damdamin sa inyong mga kabataan, ngunit sana ay dahan-dahanin n’yo. Isipin n’yo kung handa na ba kayo sa mga konsekwensiya ng mga aksiyon n’yo. Hindi masamang umibig pero hindi rin masama ang maghinay-hinay, ang maghintay. Palaging nasa huli ang pagsisisi. Sige na, umuwi na kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang n’yo. Kunwari ay wala akong nakita pero sana ay ito na ang huling pagkakataon na mahuhuli ko kayo. Ako’y maglilinis na kaya lumabas na kayo.” Malumanay naman ang tinig nito at hindi naninita. Tila may bahid pa nga iyon ng amusement. Hinila na niya nang tuluyan si Travis.  “Maraming salamat po,” sabi pa nito bago sila tuluyang lumabas ng silid. Nagpatiuna siya sa paglalakad. Halos tumakbo na siya upang mabilis na makalayo kay Travis. Ngayong malinaw na uli ang isip niya, bahagya siyang nagi-guilty. Pinagalitan niya ang kanyang sarili kahit na alam niyang wala iyong silbi. Sabi nga ng ginang kanina, nasa huli palagi ang pagsisisi. Kahit gaano niya pagalitan ang kanyang sarili, nagawa na naman niya. At tila patuloy niyang gagawin, patuloy siyang magpapakahibang kay Travis. Kailan siya makokontento? Kailan niya magagawang umiwas? Kailan niya mapipigilan ang kanyang sarili? Kapag galit na galit na sa kanya si Antonette? Umagapay sa kanya si Travis. Inakbayan siya nito ngunit kaagad siyang kumawala. Mawawala na naman siya sa kanyang sarili kung hahayaan niya na mapalapit siya rito. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Mas pinili niyang maghagdan kaysa gumamit ng elevator dahil ayaw na niyang makulong sa isang makipot na silid kasama ito. Nais niyang i-maintain ang distansiya nila sa isa’t isa. Madali siya nitong nasasabayan kahit lakad-takbo na ang ginagawa niya dahil sa haba ng mga binti nito. Muli siya nitong inakbayan at sinigurong hindi na siya makakawala sa pagkakataong iyon. “Ano ba, Travis?” naiinis na sabi niya. Naiinis siya dahil gusto niya ang pakiramdam na malapit siya rito. Tila nagdiriwang ang kanyang puso. Tila buhay na buhay ang lahat ng fiber sa katawan niya. Imbes na itulak niya ito ay tila mas nais niyang ihilig ang kanyang ulo sa balikat nito. Lalo siya nitong hinapit palapit. Hinagkan nito ang sentido niya. Hindi na siya gaanong nagprotesta dahil pababa sila ng hagdan. Baka mahulog sila kapag nagpumilit siya.  “Dinner tayo?” yaya nito sa kanya. Umiling siya. “Uuwi na ako,” aniya kahit na ang totoo ay wala siyang ganang umuwi.  “Lagi ka na lang ganyan,” anito habang bahagyang nakalabi. “Palagi mo na lang tinatanggihan ang alok kong kumain sa labas o simpleng lumabas. Mas gusto mo yatang nakatago tayo sa lahat. Ikinahihiya mo ba akong kasama? Guwapo naman ako para ikahiya mo.” Napabuntong-hininga siya. Nais niyang sabihin na hindi niya ito nais makasama ngunit alam niya na nagsisinungaling lang siya sa kanyang sarili. Walang saysay kung magsisinungaling siya. Halata naman sa pagtugon niya sa mga halik nito na nais niya itong makasama. “I need a smoke,” nasabi na lang niya. Kailangan talaga niyang manigarilyo dahil natetensiyon siya. Hindi na niya alam ang iisipin at gagawin niya. Kapag ganoon na hindi siya nawawala sa kanyang sarili, sabay-sabay niyang naiisip ang lahat. Bumabalik ang mga suliranin niya sa pamilya niya, ang guilt feeling niya kay Antonette, at ang kakaibang damdamin niya para kay Travis Castañeda. There were too many things she needed to think about and she couldn’t handle all of them. Kaya marahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili tuwing kasama niya si Travis. Kapag nawawala siya sa kanyang sarili ay nawawala rin ang mga suliranin at alalahanin niya. A part of her was calm when she was with him. Her mind could forget everything except him. Ang buong kamalayan at isip niya ay ito lang ang laman. It felt so great to forget about the rest. With him, she felt truly wonderful. Hindi iyon katulad ng epekto sa kanya ng sigarilyo, alak, o parties. Kapag kasama niya si Travis, talagang nagiging masaya siya. Tila wala siyang dinadalang problema. Tila maayos ang lahat sa buhay niya. Kung maaari lang ay makasama niya ito sa lahat ng panahon. Paglabas nila ng gusali ay naglabas agad siya ng sigarilyo. Bawal manigarilyo sa school premises ngunit wala na siyang pakialam. Wala na sigurong huhuli sa kanya nang mga oras na iyon. She just hated it when she had to come back to reality. She hated remembering all the things she wanted to forget. Inagaw agad ni Travis ang stick ng sigarilyo bago pa man niya iyon masindihan. Ganoon ito palagi. Nakakainis na sinusubukan nitong baguhin siya samantalang wala ito ni katiting na karapatan. Hindi niya ito pinansin at naglabas na lang ng panibagong stick na sisindihan. Ang ginawa nito ay inagaw nito sa kanya ang bag niya. Inilabas nito mula roon ang isang kaha ng sigarilyo at inilagay sa bag nito. Imbes na ibalik sa kanya ang bag niya ay isinukbit nito iyon sa balikat nito. Muli siya nitong inakbayan at mariing hinagkan ang kanyang mga labi. “I’ll kiss you again later and I don’t want to taste the nicotine. I told you to quit already.” “Wala kang karapatang utusan ako,” aniya sa naiinis na tinig. “Sino ka ba?” “Your man,” walang kagatol-gatol na sabi nito. “N-no—” Sinakop na naman ng mga labi nito ang mga labi niya. He gave her such a sweet kiss that she almost melted.  “Let’s have dinner at a nice restaurant, then I’ll take you home, okay?” malambing na sabi nito pagkatapos siyang hagkan. Dahil lango sa epekto ng halik nito, wala na siyang nagawa kundi ang tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD