10

1763 Words
“`WAG MO nga akong tingnan nang ganyan,” naiilang na sita ni Yvonne kay Travis. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant at kumakain ng hapunan. Kanina pa ito patingin-tingin sa kanya. Nakakailang ang uri ng tingin nito. Tila kasi sinasabi ng mga mata nito na siya na ang pinakamagandang babae na nasilayan ng mga iyon. Ang ganda pa ng pagkakangiti nito. He looked like an adorable boyfriend who loved his girlfriend very much. Ilang na ilang talaga siya. Ayaw man niyang aminin, kilig na kilig din siya.  Lalong lumapad at mas tumamis ang ngiti nito. “Why? I love staring at you. You’re so beautiful. You look like an angel.” Kahit paano ay natawa siya. “Angel? Ang layo ko sa pagiging anghel, Travis.” “Ang sabi ko, mukha ka lang anghel. Hindi ko sinabing para kang anghel. No angel can kiss like you—so fiery and full of passion. Kaagad kang ipapatapon sa langit,” anito sa nagbibirong tinig. Uminit ang magkabilang pisngi niya.  “You’re even lovelier when you blush like that.” “Tumigil ka na,” saway niya rito. Baka magmukha na siyang hinog na kamatis kapag nagpatuloy ito. “Hindi na ako natutuwa sa `yo. Bukod sa pakialamero ka, napakabolero mo pa.” “I’m telling the truth. I’ve always been honest.” Pinandilatan niya ito. He softly chuckled. “Okay, let’s change the topic. What do you want to talk about?” “Nothing.” “Let’s just kiss, then?” tudyo nito. “Tara sa comfort room?” Umakma pa itong tatayo. “Travis!” Natawa ito. Inabot nito ang kamay niya at hinalik-halikan iyon. “I was just kidding, darling angel. I just wanted to tease you.” “Finish your food para makauwi na tayo.” Dinala uli nito sa mga labi nito ang kamay niya. “Masyado namang seryoso ang girlfriend ko.” Natigilan siya. Girlfriend? Seryoso ba ito? Para dito ay magnobyo na sila? Ganoon na lang ba iyon kadali? Nabahala siya nang husto. Paano siya makakawala sa sitwasyong iyon? Ang pinakamalaking tanong, nais ba talaga niyang kumawala? Kaibigan niya si Antonette. Paano niya magagawang saktan ang isang taong mahalaga sa kanya?  Nabura ang ngiti nito nang makita ang ekspresyon niya. Tila bigla itong kinabahan na hindi niya masabi.  “What’s wrong?” tanong nito sa kanya. “What’s wrong?” sarkastikong gagad niya. “You’re asking me what’s wrong?” bahagya nang tumaas ang tinig niya. “You have no idea what’s wrong?” “Hey, chill.” Marahas na napabuga siya ng hangin. Hinila niya ang kamay niyang hawak pa rin nito. Hindi siya nito sineseryoso. Ano pa nga ba ang dapat niyang asahan? Sino ang lalaking seseryoso sa kanya kapag ganoon ang inaakto niya? “Everything is wrong, Travis.” She suddenly wanted to cry. Everything in her life was wrong—ruined, even. At pakiramdam niya ay lalo iyong nagiging mali. Muli nitong inabot ang kamay niya at hindi nito hinayaan na makawala siya. Sinalubong nito ang kanyang tingin. May kung ano sa titig nito na nagpaparalisa sa buong katawan niya. Hindi niya maibaling sa ibang direksiyon ang kanyang paningin. Napatitig din siya rito. “Meeting you was one of the right things that happened in my life. Being with you feels so right. Nothing is wrong with this—with us.” His voice sounded serious. His eyes burned with sincerity. May kung anong mainit na bagay na humaplos sa kanyang puso. She believed him instantly. Kahit na iba ang sinasabi ng kanyang isip, mas pinili niyang maniwala sa kanyang puso.  TILA biglang tumalon palabas ang puso ni Yvonne nang makita niya si Travis sa dulo ng corridor. Hindi pa siya nito nakikita dahil may kausap pa ito. Tumatawa ito habang nakikipag-high-five sa isang lalaki. Naligaw siya sa building nito sa pagkakataong iyon. Nagtungo siya roon dahil hinanap niya ang isang professor niya upang kausapin tungkol sa research paper na ipinasa raw niya. Doon ang faculty nito kaya sinadya niya ito roon. Nang mapatingin ito sa direksiyon niya ay nagtama ang kanilang mga paningin. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Nagningning ang mga mata nito. Bumakas ang katuwaan sa mukha nito. Kahit paano ay gumanda ang pakiramdam niya nang makita niya ito. Ang sarap titigan ng guwapong mukha nito. He was the most gorgeous man alive. Naglakad ito patungo sa kanya. Napansin niya na napapatingin dito ang ilang kababaihang nasa malapit lang.  Hindi niya ginantihan ang ngiti nito. Nagyuko siya ng ulo at kaagad na lumiko. Tumakbo siya palabas ng building. Alam niyang magtataka ito sa iniakto niya, baka nga masaktan at magtampo pa ito. Ngunit wala siya sa mood upang kausapin ito. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Kahit na nabawasan ang galit sa dibdib niya dahil nakita niya ito, naroon pa rin ang galit at hindi tuluyang naglaho. Hindi niya magagawang makasama o makausap si Travis. Kumaripas siya ng takbo upang hindi siya nito maabutan. May-kakulitan din itong taglay at ayaw niyang mapikon dito kung saka-sakali. Pumasok siya sa building kung saan alam niyang naglalagi si Lucieno—na dahilan ng matinding galit na nararamdaman niya. Masuwerte siya nang makita niya ito sa lobby. Nakaharap ito sa isang bulletin board habang kausap ang isang lalaki na sa palagay niya ay kaibigan nito. Huminga siya nang malalim bago niya ito nilapitan. “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya sa malamig na tinig. Hindi niya masabi kung mababakas sa kanya ang matinding galit.  Tila hindi na ito nagtaka nang makita siya. Tumango lang ito at naglakad patungo sa exit. Nagpupuyos sa galit na sumunod siya rito. Tumigil ito sa maliit na hardin na malapit doon.  “How dare you,” she said through gritted teeth. “Pakialamero ka talaga, `no? Wala ka bang magawang iba sa buhay mo? Masyado ka bang matalino para gumawa ng research paper para sa `kin? Ipinasa mo pa talaga para sa `kin. Masyado kang mayabang, ‘Kuya.’”  Kulang na lang yata ay umusok ang ilong niya sa sobrang galit. Wala itong karapatang makialam sa buhay niya. Wala itong karapatang ipagsabi sa iba—sa mga professor niya—ang totoong relasyon nilang dalawa. Hindi niya kailangan ng tulong nito, lalo na ang concern nito. Masyado itong mayabang. Masyado rin itong mapapel at pasikat. “Nagagalit ka dahil tinutulungan kita? Puwes, ayusin mo ang sarili mong pag-aaral para hindi ako ang umaayos. Sa palagay mo ba ay gusto ko ang ginagawa ko? Sa palagay mo, hindi ako lubos na nahihiya sa pagkausap sa mga professor para bigyan ka ng tsansa para hindi tuluyang bumagsak? Hindi pa man tapos ang semestre, sigurado nang hindi ka papasa. Wala kang naipapasang kahit na ano. Masuwerte ka nga na pinagbigyan ang pakiusap ko na bigyan ka na lang ng projects. Sa palagay mo, madali para sa akin na ako ang gumagawa ng mga project na `yon? Imbes na nag-aaral ako, ang mga project mo ang inaatupag ko dahil alam ko namang hindi mo gagawin ang mga `yon kahit na sabihin ko. Wala kang karapatang magalit sa mga bagay na ginawa ko para sa `yo dahil ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay makabubuti kay Tita Angeli. Ayokong ma-upset na naman siya nang dahil sa `yo. Kung hindi ka naaawa sa mama mo, ako ay awang-awa na. Give her a break. Give me a break. Grow up, Yvonne!” Bahagya itong hiningal pagkatapos nitong maglitanya. Masama ang tingin nito sa kanya. Tila handang-handa na itong tirisin siya. Namasa ang kanyang mga mata sa sobrang galit niya. Hindi niya matanggap na napagsabihan siya nito nang ganoon. Hindi niya matanggap na tila naapektuhan siya sa mga sinabi nito. Tila may kung anong matalas na bagay na tumarak sa dibdib niya. “Wala kang karapatang gawin ang lahat ng ito! Bakit hindi mo ako hayaan? Eh, ano kung ibagsak ko ang lahat ng subject ko ngayong sem? Ano’ng pakialam mo? Wala! Kung manunumbat ka rin lang, sana hindi ka na nag-effort!” singhal niya rito.  Wala siyang pakialam kahit na makita sila ng ibang mga estudyanteng dumadaan. Ang mahalaga lang para sa kanya nang mga sandaling iyon ay mas manaig ang galit niya. Ayaw niyang makaramdam ng guilt. Ayaw niyang makaramdam ng kahit na ano bukod sa galit dito at sa mga magulang nito. Mariing hinawakan nito ang braso niya. Bahagya siyang nasaktan ngunit hindi siya dumaing. Hindi niya ito bibigyan ng satisfaction. “Hindi ko ginawa `yon para sa `yo. Ginawa ko `yon para kay Tita Angeli, para kay Papa. Patuloy akong makikiusap sa mga prof mo at patuloy ko ring gagawin ang mga project na ibibigay nila para lang pumasa ka. Kung kailangang ako ang kumuha ng exams mo para sa `yo, gagawin ko para sa mama mo.” “Bakit mo gagawin `yon, hindi mo naman mama ang mama ko? Ang mama mo, sinira ang buhay ng mama ko! Nang dahil sa inyong mag-ina, wala akong nakagisnang ama. Inagawan n’yo si Mama! Kaya wala kang karapatang magsalita nang ganyan sa `kin ngayon! Lalong wala kang karapatang umakto na concerned na concerned sa mama ko dahil pareho nating alam na guilt lang `yan. Hindi mo na maibabalik ang lahat ng nawala sa `ming mag-ina.” Nag-apoy sa galit ang mga mata nito. Sinalubong niya ang nagbabagang tingin nito. Gumuhit din ang kirot sa mga mata nito. Dapat lang na masaktan ito sa mga sinasabi niya dahil hindi nito alam ang nararamdaman niyang sakit sa kasalukuyan. “Ano ang mapapala mo sa lahat ng ginagawa mong ito? Ano ang magbabago? Ano ang gusto mong mangyari? Pagkatapos mong saktan nang paulit-ulit sina Tita Angeli at Papa, ano ang makukuha mo sa bandang huli? Kaninong buhay ang sinisira mo? Matalino ka naman, nagpapakatanga lang. Pag-isipan mong maigi kung ito ba talaga ang nais mong gawin sa buhay mo. Baka kapag nakaramdam ka na ng pagsisisi ay huli na ang lahat.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito. He walked out on her again. She hated him so much. She hated what Lucieno represented. She hated how her mother had accepted everything in an instant. Hindi ba ito nasasaktan tuwing nakikita si Lucieno? Ito ang dahilan kung bakit mas pinili nitong mamuhay malayo sa siyudad. Ito ang dahilan kung bakit ang tagal nitong nasaktan. Ganoon na lang ba kadali ang lahat para dito at para sa kanyang ama? Tila nasayang lang ang ilang taon na tiniis ng kanyang ina ang pag-iisa. Marahas na pinahid niya ang mga luha niya.  Ano nga ba ang nais niyang mangyari? Para saan ang lahat ng pagrerebelde niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD