“NARITO ka na naman, hija?” Nag-angat ng tingin si Yvonne nang marinig ang tinig ng isang ginang. Pinahid niya ang kanyang mga luha nang makita ang pamilyar na mukha ng janitress na nakatoka sa floor na iyon. Papagabi na at nasa bakanteng chemistry laboratory sa seventh floor na naman siya. Nakaupo siya sa ilalim ng long table kung saan siya tahimik na umiiyak. “S-sorry po,” aniya sa mahinang tinig. Hindi naman naninita ang tinig nito. Tila kaswal lang itong nagtanong sa kanya. Maamo ang mukha nito at tila mabait ito. “Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?” kaswal na tanong uli nito habang nagsisimula nang linisin ang silid. “`Yong lalaki bang kasama mo dito dati ang dahilan ng mga luha mo?” Umiling siya. “Hindi po. Hindi nga po niya alam na narito ako ngayon. Baka po nagtatampo na `yon sa

