GUSTO sanang iwasan ni Yvonne si Antonette ngunit hindi na niya nagawa. Nahawakan agad nito ang braso niya. Katatapos lang ng huling klase nila sa umaga. Kanina pa siya tensiyonada dahil patingin-tingin ito sa kanya habang nagkaklase. Base sa ekspresyon ng mukha nito, alam niyang hindi maganda ang mood nito. Hindi siya nginingitian nito kaya kinabahan siya nang husto. Nitong mga nakaraang araw ay nagawa niyang umiwas dito. Sa mga subject na magkaklase sila ay madalas siyang hindi pumapasok. Kapag hindi na siya puwedeng lumiban sa klase ay nagpapa-late siya. Sa malayo siya umuupo. Tumatayo agad siya at lumalabas ng silid bago pa man siya nito malapitan pagkatapos ng klase. Minalas siya ngayong araw dahil hindi na niya nagawang umiwas. “You’ve been avoiding me,” akusa nito sa kanya. “Wh

