15

1701 Words

“WHY? BAKIT hindi natin puwedeng sabihin sa iba ang relasyon natin? Bakit hindi ko puwedeng ipagmalaki sa lahat na girlfriend na kita? Ikinahihiya mo ba ako, Yvonne?” “Hinaan mo ang boses mo, nasa library tayo,” saway ni Yvonne kay Travis habang nakalapat sa mga labi nito ang hintuturo niya. Nagkita sila nang araw na iyon sa library ng building nito. Naitanong niya rito kung may napagsabihan na itong mga kaibigan tungkol sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag nang sabihin nito na sa malalapit na pinsan at kapatid pa lang nito naikuwento ang tungkol sa kanya. Hiniling niya na sana ay huwag muna nitong sabihin sa iba partikular na sa mga taga-university ang tungkol sa relasyon nila. Oo, may relasyon na sila. Pagkatapos siya nitong sabihan ng “I love you,” tinanggap na niyang wala na siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD