Coming home'
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ko sa mga kaibigan ko na busy sa mga phones nila.
"Yep, tayo na lang ang iniintay." Tumango ako kay Deina at pumunta sa kwarto ko.
"Babie's, we need to go." Pag kuha ko ng atensyon ng dalawa.
Nilapitan ko sila at binuhat parehas bago bumaba ng hagdan ay kinuha ko ang last baggage namin sa loob at isinara ang pinto.
"Let's go, the private plane is waiting for us." Tumango lang kami kay mang Ramir na kanang kamay ng Lolo ko.
Lumabas na kami at sumakay na sa van na mag hahatid sa amin sa airport.
"Mommy."
"Why baby?" Nakatulog na sa kandungan ko si Millier dahil na din sa aga ng gising kanina.
"I want namnam."
"Sa akin na muna si Millier, padedein mo muna si Kenjiro. He looks sleepy and hungry too."
Tinanguan ko si Deina at dahan dahan naman niyang kinuha sa kandungan ko si Millier, binalingan ko ng tingin ang isa ko pang anak atsaka siya dinala sa kandungan ko at pinadede, ilang minuto pa lang ay nakatulog na kaagad siya habang dumedede.
Nabitawan na niya ang dede kaya itinago ko na at dahan dahan siyang binuhat dahil nasa airport na kami, kasalukuyan na kaming nasa private plane at natutulog ang dalawa kong anak sa kama na prinovide nila para kung sakaling gusto namin matulog ay pu-p'wede.
Dahil na din mahaba haba pa ang byahe namin ay nilibang ko na lang ang sarili sa pakikipag usap sa mga kaibigan ko o kaya pakikipag laro sa mga anak ko.
Nag iisip na din ako kung ano ang uunahin kong gawin sa oras na makarating na kaming pilipinas, it's been 2 and a half years since i got here. Simula ng pumunta akong U.S ay hindi na ako muling bumalik o dumalaw sa pilipinas, nakikibalita ako pero i already cut my communications with my family in the philippines.
Sila ang dumadalaw sa akin sa loob ng mahigit tatlong taong nakalipas na nasa U.S kami. Kaya suma total ay ngayon na lang ulit ako uuwi ng pilipinas, ang mga kaibigan ko naman ay dumadalaw pero hindi sila nag babalita sa akin ng kahit ano basta't hindi importante.
Sa mahigit tatlong taon kong nasa U.S ay marami akong natutunan at ginawa. Nung nag bubuntis din ako ay tumigil ako sa pag-aaral gayun rin ang mga kaibigan ko.
Nung una'y sabi ko na hindi naman kailangan na huminto dahil kaya ko naman ang sarili ko at ang mga anak ko, pero dahil mapilit sila tumigil din sila sa pag-aaral kagaya ko.
Wala na akong nagawa kung hindi sumang ayon dahil kung pag tatalunan pa namin ang bagay na iyon ay baka mag sumbong sila sa Lolo ko kung nasaan ako.
Hindi din naman nag tagal ay nalaman rin ng Lolo ko na buntis ako kaya ako nasa ibang bansa, in first they were so mad at me for not telling them the truth, but later on they already accepts it and they just supports me from my financial needs.
Some times ay dumadalaw sila sa amin para naman makita nila ang mga apo nila sa tuhod, ika nga ng Lolo ay wala ng magagawa dahil nandiyan na.
Nung nagalit sila ay todo paliwanag ako at tinatanggap ang mga pangaral nila sa akin, besides it's my fault too. Kahit sino naman ay magagalit dahil sa pag bubuntis ko ng maaga at ang mas nakakagalit pa doon ay hindi ko kilala o kakilala man lang ang nakabuntis sa akin, i know na ipinapahanap na ni Lolo kung sino ang nakabuntis sa akin pero sa ngayon ang alam ko ay wala pa din silang lead or clue man lang kung sino 'yon.
Even me doesn't have a clue who's the father of my twins. I was in a hurry that time that i forgot to see his face even in just a second. He's a totally stranger because i don't really know him, and the alchohol didn't really helped because i didn't even remember his face nor the things we did after we got into a room.
I just remember us dancing and kissing and then we got into a room and then boom! I can't remember any thing aside from that.
Now that i am already here in the philippines i think i need to find him too, along side of finding my Mom.
Pagkalabas ko ng private plane ay napapikit ako at napasinghap sa hanging sumalobong sa akin, i miss philippines!
"Napakasarap ng hangin!" Sigaw ni Shuera na akala mo hindi nakakalanghap ng hangin.
"Anong lasa?" Tanong ko na sinagot naman niya ng masamang tingin kaya tinawanan ko siya.
"Pilosopo mo naman, Misdly!" Inis nitong sagot at inirapan ako.
"I'm sorry, babe." Maarte kong tugon at siya naman ay nanginig na akala mo diring diri.
"Kadiri ka, Misdly!" Tapos umakto pa siyang nasusuka kaya mas lalo akong natawa.
"But babe we already do that 'thing' remember?" Natatawa naman ang mga kaibigan namin dahil sa mga pang aasar ko.
"Yuck, kung gagawin ko man iyon hindi sa iyo dzuh." Inirapan niya ako at nag walk out na kaya humagalpak na kami ng tawa habang nag lalakad papasok sa limo na nag-iintay sa amin.
Walang nakakaalam na dadating kami ngayon dahil it's a surprise. Noon pa lang ay pinipilit na nila ako na umuwi ng pilipinas, but i always refuse to go back.
Kaya ngayon alam ko talagang magugulantang sila sa biglaang pag uwi namin, last week ko pa kase pinapag isipan na umuwi besides almost 3 years naman na din ako hindi umuuwi kaya i decided to go back now.
5 hours ang byahe pauwing mansyon nila Lolo kaya natulog muna kami sa byahe, ganoon din ang ginawa ng mga anak ko. Nung malapit na kami sa mansyon ay pinahinto ko muna ang limo sa 'di kalayuan ng mansyon nila Lolo para tumawag sa mansyon.
"Hello, manang Precy?"
'Oh iha, malapit na ba kayo?'
"Opo, manang. Actually nasa malapit na kami ng gate ng mansyon. I just wanna ask po if nandyan na silang lahat?"
Si manang ang kakuntyaba ko sa loob ng mansyon ni Lolo, siya din ang yaya ko nung maliit pa ako kaya mapag kakatiwalaan siya.
'Oo iha, kumpleto na sila. Nasa dinning area sila at kumakain na ng hapunan.'
"Sige po manang, tawagan niyo po ako kung may lalabas sa kanila or what. Salamat po."
Tsaka ko pinatay ang tawag at sinabi sa driver na pumasok na, dahil kilala nila ang limo at ang driver ay pinapasok nila kami agad.
Tulog pa ang mga bruha kaya wala silang alam, ang mga anak ko naman ay gising na at dumedede na sa bote nila na nag lalaman ng milk ko.
"Hoy, Deina." Umungot lang siya kaya kiniliti ko, na nakapag patalon sa kaniya kaya tinawanan ko siya.
"Bakit ba, Misdly?" Inis nitong tanong habang umaayos ng upo.
"Nandito na tayo, gisingin mo na 'yang mga 'yan."
Nakahinto na ang limo sa likod bahay dahil doon kami papasok at tatakutin ng kaonti ang pamilya kong masayang nag di-dinner. Ipinahawak ko ang dalawa kong anak sa kanila at nag labas ng fake gun na ang bala ay paint balls, nag suot ako ng mask at cap para mas kapani paniwala.
Pumasok na ako kasama ang dalawa ko pang kaibigan na si Shuera at Eliora na kapareho ko din ng suot, wala pa man ay natatawa na ako dahil epic ang mukha nila panigurado.
Pumunta ako sa likod ni kuya Marty at tinutukan siya ng fake gun ganon din ang ginawa nung dalawa sa dalawa ko pang kapatid, nagulat sila at hindi makagalaw.
Napangisi na lang ako sa likod ng mask ko. Tatayo sana si Lolo pero sa kaniya ko itinutok ang fake gun, nag aalala si Lolang nakatingin kila kuya kaya binaril ko si Lolo ng paint balls.
"Lolo!" Tsaka siya nilapitan ni Midern na nag aalala.
Hirap na hirap ako mag pigil ng tawa dahil sa mga kalokohan ko kaya lumayo na ako ganon din ang dalawa ko pang kaibigan at isa isa namin silang binaril ng paint balls na galing sa fake guns namin, 'di ko namalayan na nasa likod ko pala si kuya Marty kaya ayon nasakal niya ako at inihiga sa sahig at ipinalipit ang kamay ko, napasigaw naman ako sa sakit.
"Aray! Kuya masakit!" Sigaw ko habang humahampas hampas sa sahig.
Nabitawan naman ako ni kuya dahil sa sigaw ko kaya napatihayaya ako at tinanggal ang mask at cap ko habang hinihilot ang kamay ko, ang higpit niya humawak tingin ko nabali ata ang buto ko.
Gulat siyang nakatingin sa akin habang kinukusot pa ang mata, tinitignan kung totoo ba talagang ako ang nasa harap niya.
"Hi, kuya." Bati ko habang nakangisi.
Hindi siya nakapag salita at nakatulala lang sa akin, umupo naman ako at tinignan sila lahat dahil nakatulala lang sila sa akin. Si Midern ang nakabawi kaagad sa pag kakatulala sa akin.
"Ateeeee!" Madrama niyang sigaw at dinamba ako kaya napahiga na naman ako at s**t, ang sakit ng likod ko. "Na miss kita ate!" Mangiyak ngiyak niyang sabi habang nakadagan pa din sa akin.
"Na m-miss din kita." Hirap kong sagot dahil sa bigat niya. "Umalis ka na nga sa akin, ang b-bigat mo!" Bulyaw ko kaya napaalis tuloy siya sa akin at napakamot na lang sa batok.
"Sorry ate, hehe." Tsaka siya nag peace sign, kinurot ko naman ang pisnge niya tsaka siya hinalikan sa noo.
Tumayo siya at tinulungan niya din ako tumayo pero sa pag tayo ko ay siyang pag lagapak na naman ng katawan ko sa sahig, because this time sila kuya Marty, kuya Marky, kuya Marzen, kuya Morzein naman ang dumamba sa akin.
"A-aray!" Nahihirapan kong daing dahil sa bigat nilang apat.
"Boys tumayo na nga kayo diyan, look at Misdly! Hindi na siya makahinga at paniguradong masakit na ang katawan sa bigat ninyo." Saway ni Lolo kaya agad-agad silang tumayo at tinulungan din nila ako.
Nilagpasan ko sila at nahihirapang lumapit kay Lolo at Lola.
"Lolo, nabugbog po ang katawan ko dahil sa kanila!" Parang bata kong sumbong habang nag papaawa pa.
"Kawawa naman ang apo ko." Saad ni Lolo at niyakap ako, akala ko kakampi ko si Lolo pero yun pala mas malala siya kila kuya.
Pinitik niya ng malakas ang noo ko at sa lakas n'on ay napaatras ako at mangiyak ngiyak na hinawakan ang noo ko, tinawanan naman nila akong lahat kaya tinignan ko sila ng masama.
"I thought you were in my side, Lolo!" Matigas na ingles kong sumbat.
"After what you did?" Sumbat din niya kaya napanguso na lang ako. "You scared us! We were just having a happy dinner, and there you are wearing that and pointing us a fake gun!" Mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi ni Lolo.
"I just wanna scare you guys a little bit," Sagot ko pa at isinenyas pa ang 'a little bit' ko. "And also surprise you all. And i think my plan succeed." Kibit balikat ko habang nakangisi.
"And it really did surprise the hell out of us!" Sarcastic na sagot ni kuya Marty kaya nag peace nalang ako sa kaniya habang tumatawa.
"Sorry for my surprise, fam!" Napailing na lang sila at hinanap ang iba ko pang kasama kaya inutusan ko ang isang kasambahay na papasukin na sila.
Pumasok naman ang mga anak ko na nangunguna sa pag pasok kasunod nila sila Deina, Azivice at Rizhia. Excited na nag tatakbo ang mga anak ko na sinalubong naman nila Lolo at Lola ng yakap, tinugunan naman nila ito.
Ipinapasok na din ni Lolo ang mga gamit namin at ipinahatid sa mga kwarto namin dito sa mansyon, nasa harap kami ng mahabang lamesa nila Lolo kaya nag kasya kaming lahat doon.
"Kailan pa kayo nakabalik?" Tanong ni kuya Marky habang umiinom ng wine.
"Ngayon lang." Sagot ko at sinubuan si Kenjiro.
"Are you staying for good?"
"I guess." Sagot ko kay kuya Marty.
"Mag-aaral ka na ba ulit this year?" Sinubuan ko muna si Millier bago tignan si kuya Marzen.
"Yes, we already enrolled. I think last week lang."
"Saan mo napiling mag enroll?" Tanong ni kuya Morzein na kakatapos lang kumain.
"Our school." Sagot ko at sinubuan ulit si Kenji.
"Hindi ka ba kukuha ng exam para naman maging second year collage ka na?" Biglang tanong ni Lola.
"Mag e-exam po kami La. Pero hindi po second year agad. First year collage lang po."
Dahil sabi ko nga na nag hinto din sila ng pag-aaral dahil gusto daw nila na kahit anong gawin ko ay kasama nila ako, lalo na sa pag-aaral.
"Why, apo?" Tanong ni Lolo.
"I want to experience how to be a first year collage student, ganon din naman po ang mga kaibigan ko." Tumango tango si Lolo bago sumimsim sa baso niya na may lamang wine.
Tapos na kaming kumain kaya umakyat na kami sa kaniya kaniyang mga kwarto at ako naman ay nilinisan ko muna ang mga anak ko bago sila patulugin, nung tulog na sila ay pumunta ako sa banyo para mag pump ng gatas sa akin para mailagay sa mga bote nila at mailagay sa ref.
Sa ngayon ay sa akin pa sila dumedede at minsan sa bote pero gatas ko pa rin naman 'yon kaya ayos lang.
Siguro by this week ay uunti-untiin ko na silang sanayin na hindi sa akin dumedede, ilang weeks na lang ay mag sisimula na ang pasok ko kaya kailangan na din yun besides two years old na naman na sila kaya siguro ayos na din 'yon.
Natapos na ako at nilinis muna ang mga bote bago isalin ang nakuha kong gatas sa akin, at lumabas ng kwarto para ilagay sa ref ang mga iyon para hindi mapanis.
Nailagay ko na ang mga boteng may gatas na iyon, uminom muna ako ng tubig bago sana umakyat ulit pero nakasalubong ko si kuya Marty kaya napahinto ako.
"Usap tayo?" Tanong niya na tinanguan ko lang naman.
Sa garden kami ng mansyon pumunta na kaharap ang pool umupo kami sa edge ng pool habang may hawak-hawak na mug ng gatas at ang kay kuya naman ay beer. Inilublob ko ang paa ko doon at sumimsim sa gatas na hawak.
"So how's life?" Panimula niya, tumingala muna ako sa langit bago sumagot.
"Good, but not totally." Nakatingala pa rin ako at pinapag masdan ang langit na puno ng mga kumikislap na bituwin.
"Is it good to have kids?" Curious niyang tanong kaya napatingin naman ako sa kaniya na nakatingin lang sa pool.
"I guess, but of course in first it's hard because you'll be having responsibilities and stuffs," Tumango tango siya habang umiinom sa in can beer niya. "Why you're asking, kuya?" Curious ko ding tanong.
"Nothing, i'm just curious." Safe niyang sagot.
"Don't tell me you're planning to have kids?!" Gulantang kong tanong ng masagi sa isip ko 'yon.
"What? No!" Agad niyang tanggi habang natatawa pa sa reaksiyon ko.
"Weh?" Inirapan niya ako kaya natawa ako. "Sabagay, wala ka ngang girlfriend tapos gusto mo pa mag anak? Malabo!" Pikon 'to tamo.
"Makasabi ka na ala akong girlfriend, bakit ikaw may boyfriend ka ba?" Balik tanong nito kaya natigil ako sa pag tawa.
"Wala din." Sagot ko at pareho kaming natawa.
"Kita mo! But it's okay any way." Natahimik kami, uminom naman ako sa tasang hawak ko at tumulala sa pool.
"Pero wala ka bang pinopormahan ngayon, Kuya?" Biglang tanong ko.
Uminom muna siya sa beer niya bago sumagot.
"Nope, wala pa sa plano ko." Tumango tango ako.
Ang alam ko ay NGSB itong kuya ko na ito eh, as in NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH! I mean ako din naman pero wala pa naman iyon sa plano ko for now.
"Kamusta yung imbestigasyon?" Tanong ko ulit at uminom sa gatas ko.
"Wala pa ding lead, hay." Tsaka siya nag buntong hininga.
"It's been what? Almost 3 years since she's gone without a body?"
Tumango si kuya at pagod na ibinagsak ang ulo sa balikat ko habang pareho kaming nakatingin sa langit.
"Bakit ba nagka ganito ang buhay natin? Hahaha." Mapait akong napatawa sa tanong ko, what a stupid question.
"I don't know either. But let's just pray that this problem will be resolve as soon as possible." Mapait akong napangiti habang nakatulala sa langit.
Tumayo na si kuya kaya napatingala ako sa kaniya, nilahad niya ang kamay niya at marahan ko naman iyon tinanggap at tumayo na din kaharap siya.
"Let's sleep, masyado ng lumalalim ang gabi." Tumango ako at inubos ang gatas ko.
"I'm happy because for the first time you came back here without any hesitation......" Ngumiti ako ng matamis at niyakap siya. "Without us telling you to come back." Niyakap niya ako pabalik at hinalikan niya ang ulo ko.
This is my home.
"Ayos na yung ilang taon kong pag takas sa mga problema ko, natin." Atsaka ako kumawala sa yakap niya at tinignan siya sa mata.
Ngumiti siya at hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok kong nakapag papikit sa akin.
"I am so proud of you, Misdly. You already grown up as a brave and strong woman." Ngumiti ako at for the last time ay niyakap ko siya.
That night ay hindi ako kaagad nakatulog dahil namamahay ako at nag aadjust pa sa oras ng tulog ko, nung mga madaling araw ay nagutom si Millier kaya pinadede ko siya at nung nakatulog naman siya ay si Kenji naman ang umiyak kaya ayos lang din na gising pa ako that time.
Nung nakatulog na din si Kenji ay nag dasal lang ako sandali at 'di ko na namalayan na nakatulog na rin pala ako.