Third POV "Saan natin ngayon hahanapin si Kekek?" tanong ni Hendrick nang makalabas sila ng mansion. Tanaw mula sa kanilang kinaroroonan ang venue. Dito siya hinila ng bata sa labas. "Alam ko po nandito lang po si kekek ko. Mahilig kasi siya sa damo at mahilig din siyang lumangoy." nakangusong sabi nito habang siya naman ay nalilito. "Kung mahilig siya sa damo ibig sabihin mahilig din siya sa mga bulaklak. Kung mahilig naman siyang mag-swimming ibig sabihin nasa pool siya ng mga oras na 'to." iyon kaagad ang pumasok sa isip niya. Hindi niya alam kung sino o ano nga ba ang hinahanap nito. Basta't ang alam niya sasamahan niya muna ang bata para hanapin ang nawawalang kekek nito. Dinala niya ito sa pool area. "We're here." anito. Ibinaba niya ito. Nang makita ang pool ay bumilog ang

