Jhonalyn's POV "Rose, magtatago ako. Hindi ako puwedeng makita ni Hendrick." habang hindi pa kami napapansin ni Hendrick ay tumakbo na kaagad ako para magtago. Mabuti na lang malapit lang kami sa mga halaman kaya nakapagtago kaagad ako. Hindi ko na hinintay pa na magsalita si Rose. Muntikan pa nga akong madapa dahil sa taas ng takong ng sandals ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko akalaing si Hendrick pa pala ang nakakita kay Hailey. Nawala sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina. Kamukha ni Hailey ang kumuha sa kaniya, hindi ko man lang naisip si Hendrick. Mabuti na lang at si Hendrick ang nakakita sa anak ko. Dahil kung ibang tao, baka kinuha na ito. Jusko! Hindi ko makakayang mawala ang anak ko. Baka ikamamatay ko. Hanggang ngayon hinihingal pa rin ako. "Rose, huwa

