Third POV Nang makabalik si Hendrick sa venue ay kaagad hinanap ng kaniyang mga mata si Jhonalyn. Ngunit hindi niya ito mahagilap. Bumalik siya sa kanilang table ngunit wala pa rin ito. "Akala ko ba umuwi ka na." sinalubong siya ni Mike. "Napansin mo ba si Jhonalyn?" bulong niya dito. Umiling-iling naman ito. "Akala ko ba sinundan mo siya? Hindi mo ba nakita?" "Wala siya sa rest room. Umalis ka ba dito kanina?" "Nandito lang ako sa table natin. Hindi ako umalis. Akala ko nga umuwi na kayo." Hindi na ulit siya nagsalita. Tinalikuran niya si Mike para hanapin muli si Jhonalyn. "Damn it, Jhonalyn! Where the hell are you?" Parang gusto niyang sabunutan ang sariling buhok dahil sa inis. Saan pa ba niya hahanapin ito? "Hendrick!" Natigilan siya nang marinig ang boses ni Dan

