Jhonalyn's POV "Nakahanda na ba ang pagkain?" tanong kaagad ni Hendrick nang makapasok sila sa dining area. Kaagad ito napatingin sa dining table na nakaayos na. "Mukhang masarap magluto ang cook mo, babe. Hindi ka talaga nagkamali ng kinuha." sambit ni Kanny nang maibaba siya ni Hendrick. Ipinaghila pa ito ng upuan "Iwan niyo na kami." maawtoridad na utos ni Hendrick nang balingan niya kami. "Wait!" pigil ni Kanny. Natigilan kaming tatlo. "Maiwan ka." turo nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya akong ipaiwan. "We don't need her as an audience, babe." sambit ni Hendrick. "Gusto ko lang siyang pasalamatan kapag natikman ko na ang luto niya." Natigilan na lamang ako at hinintay na tikman ni Kanny ang inihain namin na pagkain. Una niyang tinikman ang gina

