Jhonalyn's POV "Simula ngayon, ikaw na ang mamimili ng groceries at ng kung ano-ano pang pagkain at gamit dito sa kusina." anunsyo ni Hendrick nang makapasok ito sa kusina. Kanina lang ay lumabas kaagad ako sa kwarto niya ng biglang dumating ang nobya niyang si Kanny. Habang nag-uusap kami ay bigla na lamang dumating si Kanny. Hindi na kami nakapag-usap ng matagal pa ni Hendrick sa balcony. Sinulyapan ko si Kanny na nakahalukipkip sa tabi ni Hendrick. "Gawain mo 'yon 'di ba? Dapat lang ikaw ang gumawa ng lahat ng 'yon. Hindi ka pinapa-sweldo ng boyfriend ko para lang mag-buhay prinsesa dito sa bahay niya. Dapat alam mo kung ano ka sa bahay na ito." "Alam ko." tipid na sagot ko. Napansin ko ang pagsalubong ng mga kilay ni Kanny. "Kung wala na kayong sasabihin puwede na ba akong

