Jhonalyn's POV "Jhonalyn...baby." sambit ni Hendrick sa pangalan ko habang magkalapit ang aming mga mukha. Tumatama sa aking mukha ang kaniyang hininga at alam kong ganoon din sa akin. "Hmm?" munting ungol ang sinagot ko sa kaniya. "Mahal pa rin kita." napapaos nitong bulong sa akin. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalasingan kaya niya nasabi ito sa akin ngayon. Alam kong dala ito ng aming mga damdamin. "Do you still love me?" hinaplos niya ang aking mukha. Nakatitig lamang siya sa akin habang hinihintay ang mga sagot ko. Unti-unti akong tumango tsaka ipinikit ang aking mga mata. Oo, mahal ko pa din siya. "Wala naman nagbago. Mahal pa rin kita." malambing na sagot ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ay naramdaman ko ang paglapat n

