Jhonalyn's POV Wala akong nagawa kundi ang isuot ang bikining itim. May doble naman na mahabang lace at abot sa tuhod ang haba nito kaya naging komportable na rin ako kahit papaano. Katulad nga ng sinabi ni Hendrick. Kami lang dalawa dito at ang dalawang staff. Habang palabas ako ng room. Hindi ko mapigilan na kabahan. Naghihintay kasi si Hendrick sakin sa labas. Pinalabas ko kasi siya ng room bago ako nagbihis. Mabuti nga lumabas din naman. Sumunod din naman sa utos ko. Napapangiti na lamang ako kapag nakikita sa isip ko ang mga ngiti niya kanina. Pagdating ko sa lobby, sinalubong ako ng isang staff. "Ma'am, nandoon po si sir naghihintay po sa inyo." turo nito sa hindi naman gaanong kalayuan. Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko ito. Nakasandal habang nakapamulsa ang mga kam

