Lumipas ang mga oras ay nagising na lang ako dahil nakaramdam ako ng pagkulo sa tiyan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at nasilaw na lang ako dahil nakabukas ang mga ilaw ng kwarto ko kaya agad kong tinakpan ang mga mata ko ng kamay ko. "Anong oras na kaya?" tanong ko na lang sa sarili ko. Nag unat-unat ako ng katawan ko at pagkatapos ay bumangon na ako sa kama ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa drawer malapit sa kama ko at tiningnan ito. "Alas nueve pa lang ng gabi?" tanong ko na lang habang tinitingnan ito. Bago ako lumabas ng silid ko ay tumingin muna ako sa salamin at nakita kong mugtong-mugto ang mga mata ko. "Anong gagawin ko dito! Nakakainis naman!" galit na sambit ko habang papaupo sa kama ko. Gustuhin ko mang wag muna lumabas ng silid ko ngunit nagugutom na ako at sakt

