
Dahil sa kagagahan ko makikila ko ang mag papatibok ng egg cell ko.
Sino ba namang tanga ang papasok sa loob ng simbahan tapos sisigaw ng ITIGIL ANG KASAL! habang inaalala ko itong pangyayari na 'to kinikilabutan ako.
Kasalanan ito ng mga chismosang matatandang gurang na kapitbahay ko! Binigyan nila ako ng maling address!
~ ~
Patakbo akong pumunta sa loob ng simbahan kung saan ikakasal ang napaka galing kong Tatay. Ito kasi ang tip sa akin ng mga CCTV namin sa baryo ngunit sa sobrang galit ko ay hindi ko na inisip ang kakahitnan ng gagawin kong aksyon.
"ITIGIL ANG KASAL!" sigaw ko mula sa b****a ng simbahan.
Nagtinginan ang mga tao sa akin na gulat na gulat.
Taas noo akong naglakad sa aisle papalapit sa Tatay ko na ikakasal sa kanyang nobya ngunit ng makalapit ako sa harapan ay ibang lalaki ang nakita ko.
Isang matipuno at napaka gwapong lalaki na naka black suit ang nakita ko katabi ang isang babaeng naka belo.
Galit na tinanggal ng babae ang belo niya at sinampal ang lalaki ng sobrang lakas! Tumakbo ito ng mabilis palabas ng simbahan habang umiiyak.
Nakatulala lang ako doon sa lalaki habang kumaripas din ng takbo papunta sa bride niya parang na love at first sight ako sa kanya.
"What you've done, Andeng! Sinira mo ang kasal ng ibang tao!" habang pinupukpok ang ulo ko gamit ang kamay ko.
Unti-unti ng dumadami ang mga tao na nakatingin sa akin at lahat sila ay galit na galit!
Kumaripas din ako ng takbo palabas ng simbahan hindi na muli akong lumingon pa sa simbahan ng tumakbo ako.
Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at umalis ng simbahan.
Akala ko pagkatapos ng kaguluhang ito ay mag babago na ang kapalaran ko at mababalik na ito sa dati ngunit sa hindi inaasahan ay mas gugulo pa ito dahil sa kakatihan kong taglay.

