Chapter One - News Speed

2127 Words
Marami ang order sa amin ng lechon ngayon sapagkat nalalapit na ang araw ng pasko. Malakas ang lechonan rine sa Batangas lalo na kapag may mga mahahalagang okasyon at hindi lang sa mga magagarang selebrasyon makikita ang lechon ko sapagkat kami ang kauna-unahang lechonan dito na nagbibigay ng maliit na parte sa murang halaga lang para makatikim ang mga simpleng mamamayan ng Batangas ng lechon kahit pa walang okasyon sa kanila. Sa kasalan ang lechon ang pinaka star sapagkat magagara at magagarbo mag pakasal ang mga taga Batangas. Hindi lang kasi imbitadong mga kamag anak at mga kaibigan ang pupunta dito dahil kahit ikaw ay hindi kilala ay imbitado ka. Kahit naman siguro saang kasalan sa probinsya madaming gate crasher kaya ganun. Seryoso ako sa pag aayos at magagayat ng aking rekado para sa gagawin kong sarsa para sa lechon ko. Tahimik at tanging ingay lang ng mga makinarya ang maririnig mo dito. Nasa kalagitnaan ako ng paghahalo ko ng sarsa ng lechong paninda namin ng bigla akong nilapitan ng kababata kong si Hugo. Pawis na pawis at madaling-madali si Hugo na lumapit sa akin para ibalita ang isang nakakagulat na balita mula sa pamilya namin. "Andeng! Andeng!" sigaw ni Hugo mula sa labas. Napatayo ako sa kinauupuan ko at sinalubong ko agad si Hugo sa labas na pawis na pawis. "Anong meron? Bakit parang tuliro ka?" kinabakabang tanong ko sa kanya. "Yung tatay niyo kasi!" sigaw niya sa akin. "Ooh anong meron sa tatay ko?" tanong ko sa kanya. "Ika," habang habol-habol ang hininga. "Teka nga lang huminga ka muna ng malalim baka maunan mo pang pumanaw ang lolo kong 120 years old na," asar na sambit ko sa kanya. "Yung tatay mo kasi! Ikakasal na!" sigaw niya sa akin. "Ano!" sigaw ko. "Teka! Ano? Huh? Wait! Paano mo nalaman na ikakasal na siya?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Ganito kasi yun habang naglalakad ako kanina papunta dito narinig ko si Aling Bebang at si Aling Marites na nag chi-chismisan sa kanto tapos syempre naki-chismis na ako sa kanila tapos ayun biglang nadulas si Aling Bebang na ikakasal na daw ang tatay mo sa Maynila!" saad niya sa akin. "Ayyy... Akala ko naman totoo! Naniniwala ka kay Aling Bebang at Aling Marites? Eeh mga dakilang chismosa sa lugar natin yan. Naalala mo ba kung paano nila ako siniraan sa maraming tao?" pailing-iling na tanong ko sa kanya. "Ooh?" tanong niya pabalik sa akin. "Diba nga kinalat nila na buntis ako sa buong baryo pero hanggang ngayon wala pa rin akong jowa? Tang ina Hugo trenta na ako mawawala na ako sa kalendaryo pero hanggang ngayon wala pa rin akong nasusubong nota!" inis kong sambit sa kanya. "Ang baboy mo naman sa part na 'yan! Ang chika totoo ang kasal ng tatay mo! Binigyan ng tatay mo ang mga chismosa mong kapitbahay ng wedding invitation!" sambit ni Hugo sa akin. "Siguraduhin mong totoo 'yang sinasabi mo Hugo dahil kung hindi ako ang mag lelechon sayo!" inis na sambit ko sa kanya. "Oo nga! Hindi din ako makapaniwala nung una pero nung pinakita ni Aling Bebang sa akin 'yung invitation naniwala na ako." paliwanag niya sa akin. Inihagis ko sa la mesa ang gloves na suot-suot ko at kumaripas ako ng takbo papunta kila Aling Bebang. Mainit ang ulo ko at gigil na gigil ako sa balitang narinig ko mula kay Hugo. Pinipilit akong pigilan ni Hugo pero kahit pa si Thorn o si Hulk ang pumigil sa akin ay hindi nila magagawa. "Aling Bebang!" sigaw ko mula sa labas ng pinto nila. "Aling Bebang!" "Aling Bebang!" "Aling Bebang!" patuloy kong sigaw mula sa labas. Paulit-ulit akong tumatawag kay Aling Bebang ngunit hindi siya lumalabas ng bahay niya kaya kumuha ako ng bato at binato ko ng bato ang kanyang gate. Pagkatapos kong batuhin ng bato ang gate ni Aling Bebang ay lumabas siya nang naka pameywang habang magkasalubong ang dalawang makapal na kilay niya at naka pout ang labi niya na nakatingin sa akin. "Aling Bebang! Ayusin mo naman yung mukha mo. Nakakasura!" inis kong sabi sa kanya. "Aba! Ano bagang pakelam mo sa mukha ko? Teka! Bakit mo binato ang gate ko? Gusto mo ba ika ay tawagin ko ang mga tanod ng magka baranggayan tayong dalawa?" galit na tanong niya sa akin. "Parine ka dito sa labas Aling Bebang ng magkatamaan tayong dalawa!" galit na sigaw ko sa kanya. Lumabas sa gate si Aling Bebang at galit na lumapit sa akin. "Ano bang pinuputok ng butchi mo at nag sisisigaw ka sa labas ng malamansyon kong tirahan?" pang yayabang niya sa akin. "Mansion ng mga chismosa! Balita ko may natanggap ka daw na invitation mula sa malandi kong ama? Totoo ba yun?" maangas kong sambit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Aling Bebang sa akin at bigla akong binawian ng pag-susungit. "Away ba pinunta mo dito o hahanapin mo sa akin ang magaling mong tatay? Sabihin mo nga sa tatay mo hindi kami interesado sa kasal niya! Nandon sa Maynila ang tatay mo may kinakasamang batang babae!" sigaw niya sa akin. "Hindi ba't kaibigan mo siya bakit hinayaan mong bata ang mapangasawa niya!" galit na sambit ko sa kanya. "Ano bang pake ko sa kanya! Bakit hindi ikaw ang mag sabi sa tatay mo kung sino ang papakasalan niya? Chismosa lang ako pero hindi ako pakelamera nang buhay ng may buhay!" galit na tugon niya sa akin. "Talaga ba Aling Bebang? Baka nakakalimutan mo lang kung paano mo ako siniraan sa mga manliligaw ko noon? Kinalat mo na buntis ako sa buong baryo pero yung anak mo naman pala ang buntis!" sigaw ko sa kanya. "Bakit mo na naman pinapasok sa usapan 'yan?" tanong niya sa akin. "Ang sabi mo kasi hindi ka pakelamera pero ang totoo pakelamera kang matandang hukluban ka! Sabihin mo sa tatay ko na wag na siyang mag papakita pa sa aming mag kakapatid dahil pinuputol na namin ang ugnayan namin sa kanya!" galit na sambit ko sa kanya. "Paano namin sasabihin 'yan kung hindi kami pupunta sa kasal niya bukas?" nakataray na tanong niya sa akin. "Bukas? Bukas na pala ang kasal ng animal na lalaking 'yun? Kung hindi pa nakipag chismisan sa inyo si Hugo hindi ko pa malalaman!" inis na sambit ko. "Wala naman akong balak na sabihin sa inyo pero nadulas lang ako," tugon niya sa akin. "Pag ako nagkaasawa hindi kita iimbitahan! Anong address ng simbahan at ako ang aattend sa kasal niya kung ayaw niyong pumunta! Mga hindi supportive na kaibigan! Pwee!" inis na sambit ko sa kanya. "Hindi kana ikakasal Andeng! Magiging matandang dalaga ka." pang aasar niya sa akin. Inambahan ko nang suntok si Aling Bebang at napa-atras siya sa akin. "Sige! paano kita tutulungan sa gusto mo kung napakatabil ng bunganga mo at napaka biolente mong babae ka! Umayos ka Andeng kung ayaw mong i-report kita sa baranggay!" sigaw niya sa akin. "Grabe naman 'to baranggay agad? Joke lang naman 'yun eeh. So? Ano na nga? Saang simbahan nga sa Maynila ang kasal ni Fernando?" tanong ko sa kanya. "Napaka bastos talaga ng bunganga nito pati ama niya binabastos na niya," asar na sambit niya sa akin. "Ang dami namang satsat Aling Bebang. Saang simbahan nga para matapos na tayo," sambit ko habang kinakalikot ang tenga ko. "Ooh ito!" habang inaabot ang kapiraso ng papel. "Dahil sa masyadong pasmado ang bibig mo ibibigay ko na ang pangalan ng simbahan siguraduhin mo lang Andeng na hindi madadawit ang pangalan ko," babala niya sa akin. "Ok! Ok! Ok!" nakangiting tugon ko sa kanya. "Basilica Minore De San Sebastian? Saan 'yun?" tanong ko sa kanya. "Aba malay ko! Hanapin mo para malaman mo!" sambit niya sa akin. "Salamat napakaganda at sexy mo!" pambobola ko kay Aling Bebang. "Teka? Anong oras ang kasal?" tanong ko sa kanya. "Bukas alas otso ng umaga. Ok na? Sige na alis na at nilalangaw na ang tapat ng bahay ko sayo," asar na sambit niya sa akin. "Salamat! Sa susunod ipaayos mo kilay mo huh? Nag mu-mukha ka kasing gorilya dahil sobrang kapal!" pang aasar ko sa kanya habang patakbong umalis sa harap niya. "Ay napaka! Leche!" sigaw ni Aling Bebang. Nag madali akong pumasok sa tindahan ko para sabihan si Hugo na aalis ako pa Manila kinabukasan ng madaling araw para hadlangan ang kasal ng napaka galing kong ama sa kanyang nobya. Pangiti-ngiti pa ako kay Aling Bebang kanina habang kinu-kumpirma ko ang kasal ni Fernando pero sa loob-loob ko ay nang gagalaiti ako sa galit dahil sa walang kwentang balitang ito. "Ang kapal ng mukha mong magpakasal ulit! Ako nga hindi pa ikinakasal tapos ikaw pa-pangalawa ka pa? Tigas naman pala ng mukha mo Fernando!" inis kong sambit habang china-chopchop ko ang lechon. Ayaw mahiwa ng lechong baboy kaya kinuha ko ang itak sa harapan ko at tinitigan ito habang hawak-hawak ko. Matalim ang tingin ko dito habang nag ngingitngit ang mga ngipin ko. "Andeng!" biglang sigaw ni Hugo sa akin. Nagulat ako sa sigaw niyang 'yun kaya bigla kong nabitawan ang itak sa harapan ko. "Anong ginagawa mo? Bakit tinititigan mo ng masama yung itak?" nag aalalang tanong ni Hugo sa akin. "Ito? Itong itak ba na ito ang tinutukoy mo?" galit kong sambit sa kanya habang pinupulot ang itak, "Oo ayan nga. Wag mong ituloy ang nasa isip mo baka makulong ka!" nag aalalang sambit niya sa akin. Napatingin ako kay Hugo at napailing nalang habang nakatingin sa kanya. "Huh? Bakit ano bang nasa isip mo? Wag mong sabihin na papatayin ko ang malandi kong ama?" natatawang tanong ko sa kanya. "Oo? Parang ganun na nga ang naiisip ko," nahihiyang tugon niya sa akin. "Hindi pa ako nadidiligan Hugo! Jusko naman! Bakit ko naman papatayin yung Homo Sapien na yun? Sisirain ko lang kasal niya para magdusa naman siya ng kaunti sa buhay. Ilang taon akong nagpakasubsob sa trabaho para may maipakain ako sa mga kapatid ko tapos siya papakasal lang? Hindi naman pwede 'yun! Ako dapat ang nasa simbahan ngayon para ikasal hindi siya!" inis na sambit ko habang lumuluha. "I get your point Deng pero bakit hindi ka nalang maging masaya para sa tatay mo?" tanong niya sa akin. "Kung ikaw kaya katayin ko ngayon? Sino ba ang kakampi mo? Yung magandang nasa harap mo ngayon o yung malanding walang silbing ama-amahan na yun?" galit na tanong ko sa kanya. "Syempre ikaw! Boss kita eeh," nakangiting tugon niya sa akin. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayong dalawa. Sige na ikaw na muna ang mamahala dito habang nasa misyon ako," utos ko sa kanya. "Sige ako ng bahala sa business mo at sa mga kapatid mo. Basta pag dating mo dito ikaw ang nagwagi huh," tugon niya sa akin. "Oo! Ako pa ba? Baka ako na 'to!" nakangising sambit ko sa kanya. Itinuon ko na ang atensyon ko sa pag gawa ng sarsa ng lechon ko kaya medyo naging abala na ako. Chop-chop dito, tadtad doon, halo dito, halo doon. Pagkatapos kong mag pakalibang sa trabaho ay umuwi na ako sa bahay para mag pahinga. Habang nag papahinga ako ay naalala ko yung damit kong binili noong panahon pa ng hapon. Keme lang! Siguro inagiw na yun dahil sa kalumaan. Pinangako ko kasi sa sarili ko na susuotin ko lang ito sa isang pinaka espesyal na pangyayari ngunit mauubos ko na ang numero sa kalendaryo ay hindi ko pa nakikilala ang mag papatibok ng inaamag kong puso. Titingin-tingin ako sa salamin habang hinahapo ang mukha ko. "Maganda ka naman Andeng pero bakit wala ka pa ring jowa?" habang kinakausap ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang make up kit ko at sinumulan kong pintahan ang mukha ko. Lumipas ang ilang oras ng pag pipinta ay natapos na ako. "Tang ina! Ang ganda-ganda mo Andeng!" nakangiting sambit ko habang nakatingin sa salamin. , "Pero bakit kamukha ko si Emily ng corpse bride na palabas?" sambit ko habang pinupunasan ang mukha ko. Kalat-kalat ang make up sa mukha ko ng binuksan ko ang cabinet ko at kinalkal ang matagal-tagal ko ng tinatagong damit. Pagkakita ko dito ay agad ko itong kinuha at pinagpag sa labas ng kwarto ko. "Amoy ipis!" inis na sambit ko sabay hagis ko nito. Agad akong pumunta sa labahan namin at nilabhan ko ito. "Bwisit! Bakit kasi ikakasal agad bukas? Aporado naman masyado! Nauubusan kana ba ng petchay?" galit na tanong ko sa sarili ko. Pagkatapos umikot ng damit sa washing machine ay binanlawan ko na ito sabay balik sa dryer. "Bagay na bagay ang black dress ko para bukas! Humanda ka bukas sa pa-surpresa ko sayo Papa dahil sisiguraduhin kong iiyak ka sa inis pag sinigaw ko na ang 'ITIGIL ANG KASAL' na magic word ko." sambit ko habang tumatawa. Pagkatapos kong i-dry ang damit ko ay sinampay ko na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD