Kahit na isang damit lang ang nilabhan ko ay nakaramdam ako ng pagod sapagkat mas nakakapagod pa ring isipin na ang ama niyong matagal na kayong tinalikuran ay mag papakasaya ngayon sa piling ng iba.
Pagkatapos kong maglaba ay sinampay ko na ang damit ko. Napakahaba nito at napakaitim kaya kahit sinong makakita nito ay mapapatingin sa akin. Hindi magiging kumpleto ang palabas ko kinabukasan kung walang belo na ipapareha ko sa gown ko.
Nakangiti akong bumalik sa kwarto ko para ipag patuloy ang pagpipinta ng mukha ko.
Nakapag guhit na ako ng kilay ko gamit ang mapurol kong lapis at kasalukuyan ako ngayong nag lalagay ng lipstick sa aking labi ng biglang may sumigaw ng malakas mula sa labas ng silid ko.
Agad akong lumabas ng kwarto ko at nakita ko si Ada na nag sisisigaw sa labas habang nanginginig sa takot.
Madali ko siyang nilapitan ng nakita ko siyang nanginginig sa takot at tinanong ko siya.
"Anong meron? Bakit takot na takot ka diyan?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
"May mu-multo sa labahan ate!" takot na takot na sambit niya sa akin habang nakatingin sa labahan.
"Anong multo?" natatawang tanong ko sa kanya.
Napahawak sa akin si Ada ng mahigpit at biglang napatingin sa akin sabay sigaw muli ng malakas.
"Multong panget!" sigaw niya sa akin sabay takbo paakyat sa kwarto niya.
"Aay? Tang ina netong animal na babaeng 'to! Mukang mas natakot pa sa akin kaysa sa blusa kong itim!" inis kong sambit.
Patakbo akong pumasok sa kwarto ko at bigla akong napatingin sa salamin. Napasigaw ako ng malakas at napamura na lang dahil sa gulat.
"Tang ina ang panget nga! Manang-mana sayo Fernando!" inis na sigaw ko.
Inis na inis ako dahil naka-ilang palit ako ng ayos sa mukha ko ngunit hindi pa din ako nag mumukhang tao kaya padabog akong pumunta sa lababo para mag hilamos ng mukha ko dahil sa kapangitan na nakita ko sa salamin.
Ngayon ko lang nalaman na confident lang ako sa mukha ko pero hindi ako kagandahan pero sabi ko nga sa inyo maganda naman talaga ako period na yun.
"Urrrggghhh!" inis kong sambit habang tinitingnan ang mukha ko sa salamin. "Dahil sa kagagahan ng magaling kong ama kaya nag kakaroon ako ng kulubot sa mukha ko ngayon." inis na sambit ko.
Kahit ilang oras na ang lumipas mula ng malaman ko ang balita hanggang ngayon galit na galit pa rin ako. Hindi ko masabi sa mga kapatid ko ang nangyayari ngayon dahil alam kong magugulat sila kapag nalaman nilang ikakasal na sa ibang babae ang ama namin.
"Fernando, Fernando, Fernandooo!" inis kong sambit habang dinuduro ang litrato niya. "Nakakainis ka! Bakit kailangan mong iparamdam sa aming magkakapatid na kayang-kaya mo kaming ipagpalit sa iba!" inis kong sambit sabay padabog na humiga sa kama ko.
Pagkahiga ko sa kama ko ay ipinikit ko ang mata ko upang makapag isip ng maayos ngunit sa pag pikit ng mga mata ko ay dali-dali din akong nakatulog nang mahimbing.
Kinabukasan.
Pagkagising na pagkagising ko ay napatingin ako sa cellphone ko at laking gulat ko ng nakita ko na alas sinco na ng umaga.
"Shocks! Sobrang late na ako!" inis na sambit ko sabay balikwas sa kama.
Nag alarm ako ng alas tres ng umaga ngunit narinig ko lang ang alarm nito ng mga alas sinco dise sais. Dahil sa sobrang male-late na ako ay agad kong kinuha ang twalya ko at tumakbo ako papunta sa banyo.
Madali kong binuksan ang poso at hinawakan ko ang tubig na umaagos.
"Woooohhh! ang lamig ng tubig!" napasigaw kong sambit habang hinahawakan ang tubig sa timba.
Parang may yelo ang tubig na umaagos sa poso kaya bago ako nag buhos ng tubig ay nag bilang muna ako ng tatlo upang preperasyon para sa isang malamig na laban.
"Isa, dalawa, tatlo." bilang ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko habang tumatabo ako ng tubig sa balde sabay buhos sa katawan ko.
"Wooh!" sigaw ko habang tatalon-talon ako sa lamig ng tubig.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tuluyang natapos na maligo. Tumingin ako muli sa orasan at nakita ko na alas sinco bente sinco palang ng umaga.
"Aba! Sabi ko na may lahi akong pato!" tumatawa kong sambit habang nagpupunas ng katawan ko.
Kinuha ko ang nakasampay kong blusa sa labadahan at sinuot ito.
Inilagay ko sa bag ko ang itim na belo ko para kabog ang costume ko mamaya.
Humarap ako sa salamin at sinimulan kong tapalan ng foundation ang mukha ko. Kunti lang ang lagay ko para hindi ako mag mukhang pastilyas mamaya doon at hindi ako mag mukhang katawa-tawa doon tapos kunting pakilay at putok na lipstick.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ko ay sumilip ako sa muli sa orasan at nakita ko na mag aalas sais na!
"Shete! Ang bilis kong naligo tapos dito lang ako tumagal sa pag me-make up?" inis na sambit ko habang nag mamadaling lumabas ng bahay.
"Ayyy tae yung susi ng kotse!" takbo ko pabalik sa loob.
Hingal na hingal ako at pagod na pagod ng pumasok ako sa kotse ko. Pagkaupo ko sa kotse ko agad kong binuhay ang makina at pinaandar ko ng mabilis ang kotse.
"Alas otso trenta ang simula ng kasal so sabihin na natin na alas otso kwartenta'y sinco o alas nueve ng umaga ang palitan ng bows." sambit ko habang nag mamaneho.
Itinaas ko ang bilang ng kwph ko para mas mapabilis ang dating ko sa Maynila. Lumipas ang dalawang oras ng biyahe ay nakarating na ako sa simbahan.
"Woooh! Sakto ako ang dating ko may oras pa ako para mag retouch at ayusin ang speech ko." nakangising sambit ko.
Tumingin ako sa salamin at sinilip ko ang mukha ko.
Mukha pa naman akong tao kaya kinuha ko ang liquid eyeliner ko at nilagyan ko ng dot ang gilid ng kanang mata ko.
"Bagay pala sa akin yung may nunal sa tabi ng mata. Nakakaakit ka Andeng!" sambit ko habang tumatawa.
Bumaba ako sa kotse ko at sumilip ako sa simbahan kung nagsisimula na ang seremonya.
Sobrang daming tao sa loob at halos mapuno na ang upuan dahil sa dami ng bisita nila.
"Mukang mayaman yung mapapangasawa ni gurang aah sobrang daming budget sa pakain." inis na sambit ko.
Kumuha ako ng isang kapirasong papel sa gilid upang magbasa ng mga nakasaad doon at ayun na nga mali ang simbahang napuntahan ko.
Agad kong kinausap yung aleng katabi ko at nakumpirma kong hindi ito yung simbahan na pag kakasalan ni gurang kaya agad akong lumabas ng simbahan at sumakay sa kotse ko.
"Punyeta ka waze! Mali naman yung simbahan mo!" galit kong sambit habang nag wawala sa loob ng simbahan.
Pinaandar ko agad ang kotse ko at binuksan muli ang waze para sa lugar at ito na. Tama na ang lugar.
Sa bungad ng simbahan ay may nakalagay na pangalan. "FERNANDO AND CAROL NUPTIAL."
"Dito na yun!" nakangising sambit ko habang binabasa ang pangalan sa labas.
Agad akong nag park sa parking lot at tumakbo papunta sa harap ng simbahan. Saktong-sakto ang pagdating ko para sa palitan ng bows.
Sa labas ay rinig na rinig mo ang sinasabi ng pari kaya inantay ko na lang ang tamang tiempo para umeksena ako.
"May tumututol ba sa kasalang Fernando at Carol?" tanong ng Pari. , "Kung wala na..." putol na sambit niya.
"Itigil ang kasal!" sigaw ko mula sa labas.
Pumasok ako sa loob ng simbahan at dahan-dahan akong naglakad sa aisle.
Habang naglalakad ako papalapit sa kanila ay agaran ko silang pinag sasalitaan ng masama.
"Ang kapal ng mukha mong mag pakasal dito sa Maynila! Hindi mo man lang inisip ang mga anak mo sa Batangas! Nag kandakuba-kuba na ako para may maipakain sa mga kapatid ko at para makapag aral sila tapos ikaw mag aasawa ka lang?" galit na sigaw ko sa kanya.
Lumingon ang babaeng papakasal sa kanya at sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas. Pagkatapos sampalin ng babae si Papa ay agad tumakbo sa harap ko papunta sa labas ng simbahan habang umiiyak. Humarap na ngayon ang tatay ko ngunit bigla akong natorete at napanganga dahil sa maling kasalan na naman pala ako napunta.
Tumingin ng masama sa akin yung lalaki at napatitig ako sa kanya na para bang na starstruck ako sa kanya dahil sa angkin niyang kwa-gwapuhab at sobrang laki ng mga muscles niya sa braso.
Para akong na love at first sight sa kanya at bigla nalang tumigil ang mundo ko ng nakita ko ang pagmumukha niya.
Dumaan siya sa harap ko na masama ang tingin at pagkatapos ay bigla nalang akong bumalik sa ulirat ko. Pag tingin ko sa paligid ay napansin kong masama ang tingin ng mga tao sa akin. Papalapit sila sa akin na parang may gagawing masaya kaya bago pa man nila ako malapitan ay kumaripas na din ako ng takbo pa labas ng simbahan.
Mainam na lang pala at nakabelo ako ng itim ngayon para hindi makita ang pagmumukha ko.
Dahil sa bilis ng pagtakbo ko ay bigla akong natapilok at nalaglag ang isang pares ng heels ko.
Modern Cinderella na ba ako neto? Kukunin ko pa sana yung pares ng heels ko ngunit hindi ko na ito nagawa dahil hinahabol na ako ng mga tao.
"Kakabili ko palang nung heels na yun! Inis!" sambit ko habang mabilis na tumatakbo.
Paglayo ko sa mga tao ay dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at umupo sa upuan ng kotse ko. Agad kong pinaandar yung kotse ko at nag pakalayo-layo na ako sa simbahan.
"Sobrang nakakahiya yung ginawa mo Andeng! Puro ka na lang talaga kapalpakan!" inis na sambit ko sa sarili ko habang pinupukpok ang ulo ko.
"May araw ka rin sa akin Aling Bebang! Inilihis mo ako!" galit kong sambit.
Bago pa man ako tuluyang lumuwas ng Maynila ay naghanap muna ako ng isang hotel para makapag pahinga ako.
Pumasok ako sa isang hindi kamahalan na hotel sa Maynila. Sige na nga nag check in ako sa showgo para mas makatipid ako ng kaunti sa pera.
Pumasok ako sa binigay na room sa akin #416 at agad na nagpatirapa sa kama.
Pagkatapos kong humiga sa kama ay tumayo ako sa kama at nag palakad-lakad ako sa kwarto habang kinakabahan sa nangyari kanina.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya pumasok na ako sa banyo para maligo at mag palamig ng ulo.
"Yare ako nito! Nanira ako ng kasal ng may kasal!" sambit ko habang natotorete.
Lakad ako ng lakad pabalik-balik tapos nginangatngat ko yung kuko ko.
"Paano kung mafia yung lalaki?"
"Paano kung patayin nila ako dahil sa pagsira ng kasal nila?"
"Paano na lang kung bigla akong repin?"
"Ok lang naman sa akin yun makatikim man lang ng hotdog! Joke! Paano nga kung repin niya ako? Syempre baka ako pa mang rape sa kanya?"
Ang daming mga tanong ang nasa utak ko ngayon para akong mababaliw sa ginawa ko. Ang dami ko na ngang pinoproblema tapos nadagdagan pa nito. Hindi ko na alam kung anong magiging solusyon ko ngayon sa mga problema ko lalo na't hindi ito nababawasan bagkus ay mas nadadagdagan pa ito.
"Bakit kasi mag kapangalan pa kayo ng Tatay ko?" inis kong sambit. "Pwede namang iba nalang pangalan mo bakit sa dami-dami ng pangalan Fernando pa!" inis na sambit ko.
Ang malas ko talaga sa lovelife and everything wala naman akong balat sa pwet pero bakit ganito ang kapalaran ko. Bakit puro nalang kapalpakan sa buhay ang nararanasan ko.
Mangilid-ngilid ang luha sa mata ko habang inaalala ko ang mga panahong iniwan kami ng tatay namin kapalit ng mga babae niya.
Namuhay kaming ako na ang ama't ina ng mga kapatid ko hindi ko na nasubukang umibig at ibigin dahil sa nangyayari sa buhay ko.
"Pa-expire na ako Lord! Kailan mo ba ako bibigyan ng kapareha ko!" maluha-luhang sambit ko sa sarili ko.
Pinunasan ko ang mata ko at bigla ko na lang naalala yung groom kanina.
"Fernando." nakangiting takot na sambit ko sa sarili ko. "Kung pwede lang sana ako na lang ang pakasalan mo wag na yung babae na 'yun kasi nararamdaman ko na hindi ka mahal nun pero ako unang tingin ko palang sayo alam ko ng mahal kita." malandi kong sambit habang inaalala yung lalaki kanina.
Napapaisip na lang kayo bakit ganito akong babae. Oo aminado naman akong malandi ako ngunit desperada na ako magkanobyo dahil malapit na nga magsara ang bahay bata ko.