Humiga ako sa kama habang pinapahinga ko ang mga paa ko ng bigla na lang akong nakatulog.
Lumipas ang ilang oras ay nagising na ako. Madilim ang kapaligiran ng mga oras na ito at sa pag gising ko ay si Fernando ang nasa isip ko.
Hindi ko alam bakit parang ang lakas agad ng tama ko sa kanya kahit pa kakakita ko palang sa kanya.
"Ito na ba ang tinatawag na love at first sight? Parang gusto ko mag pa anak ng trenta sa kanya! Ok lang po kahit mapudpod matress ko basta maganda ang lahi ng mga anak ko." nakangiting sambit ko habang nakatingin sa itaas.
Pangiti-ngiti ako ng mga oras na ito habang inaalala ang mukha ni Fernando. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako tumayo sa kinahihigaan ko para buksan ang ilaw ng kwarto dahil nababalot na ng kadiliman ang buong kapaligiran.
Binuksan ko rin ng bahagya ang bintana at sumilip ako sa labas kaya nalaman kong nag aagaw dilim na pala. Nakatingin lang ako sa labas ng mga oras na ito habang nakabusangot akong nakatingin sa mga taong nagdadaan sa tapat ng silid ko.
Panguso-nguso ako habang malalim ang iniisip dahil sa mga bagay na naglalaro sa isipan ko ng mga oras na iyon. Nag aalangan pa talaga akong umuwi ngayon sa bahay dahil malaki ang pagkakataon na sasayangin ko kapag hindi ko nagawa ang gusto ko kaya inilabas ko agad sa bag ko ang isa ko pang alas na damit.
"Bahala na! Basta mag papaka pokpok ako ngayong gabi!" nakangiting sambit ko sa sarili ko.
Bago pa man ako sasabak sa gera ay minabuti kong maayos at malinis ang bawat kasuluksulukan ko kaya pumasok na ako sa loob ng banyo para maligo ako dahil naniniwala ako na kapag mabango ka at malinis ay makakarami ka.
Patawa-tawa ako na naliligo ng mga oras na ito habang nag iisip ng kung ano-anong kalokohan sa utak ko. Hindi naman ako ganitong tao ngunit dahil sa mga nangyayari ngayon ay nag iba ang ihip ng hangin at naging madumi ang utak ko.
Pagkatapos kong maligo ay lumapit na ako sa harap ng salamin para mag pinta ng mukha ko.
"Ang ganda mo talaga Andeng! Artistahin ang mukha mo!" nakangisi kong sambit.
Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng mukha ay bumaba na ako sa reception upang mag tanong sa isang receptionist sa hotel kung saan may mayayaman at gwapong lalaki na nag ba-bar dito.
"Miss!" nakangiting bati ko sa babae sa front desk.
"Yes po Ma'am?" tanong niya sa akin.
"Saan ba dito ang malapit at kilalang bar na may maraming pogi at mayayaman?" tanong ko sa kanya.
Napangiti sa akin yung babae at agad naman niyang itinuro ang mga lugar na pwede kong puntahan kung saan ay may mga madadaming mababango at masasarap na lalaki na bar.
Pagkatapos naming mag usap na dalaw ay pumunta agad ako doon sa lugar na 'yun at tinahak ako ng kalandian ko sa isang malaking bar sa Maynila. Sa labas palang ng bar ay madami ng tao. May mahabang pila ng mga tao sa labas ng bar ngunit dumiretso ako sa pinto kung saan nakapwesto yung mga lalaking malalaki ang mga muscle.
Papasok na sana ako sa loob ng bar ng mga oras na ito ngunit pinag bawalan ako ng mga lalaki na 'to.
"Miss! Misss!" sigaw ng isang lalaki.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin ito ng masama sa akin.
"Bawal menor de edad dito," seryosong sambit niya.
"Compliment ba yan?" natatawang tanong ko sa kanya.
"Patingin ng ID." sambit niya sa akin sabay lapat ng kamay niya. "Akala mo mauutakan mo kami huh?" pang aasar niya sa akin.
Kinuha ko ang ID ko sa wallet ko at ibinigay ko sa kanya.
"Aah..." sambit niya habang pakamot-kamot na ulo na nakatingin sa akin. "Akala ko menor de edad ka. Sige pila ka dun!" sabay turo sa mahabang pila.
"Huh? Sigurado ka kuya?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo! VIP'S lang ang nakakapasok ng mabilis dito," paliwanag niya sa akin.
"My gad Kuya! Seryoso talaga 'to?" inis na tanong ko sa kanya.
"Oo! Kung ayaw mo pumila pwede ka naman sa ibang bar pumunta," sambit niya sa akin. "Miss tabi ka muna at may dadaan." sabay hawi niya sa akin pagilid.
Tumabi ako sa gilid at bigla akong nasangga ng isang lalaki kaya bigla akong nawalan ng balanse.
"Good catch!" nakangiting sambit niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at hindi ko alam bakit parang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Hindi ko alam kung bakit nakakatagpo ako ng mga gwapo ngayon. Parang malalaglag na yung panty ko sa ngiti niya sa akin may dalawang mamamalim na dimples tapos ang puti ng ngipin basta nakaka in love din.
"Ganito ba sa Maynila? Madami talagang gwapo?" bigla ko na lang na tanong sa kanya.
Napailing yung lalaki sa akin at napakunot ang noo.
Nakasandal lang ako sa kanya nito at hindi ako gumagalaw ng bigla na lang akong bumalik sa ulirat ko.
Mas nanlambot ang mga buto ko kaya mas lalo akong napalaglag ngunit dahil sa malakas ang pangangatawan nung lalaki ay nasalo pa rin niya ako at nag lapat ang mga mukha namin sa isa't-isa.
Hindi ko na alam ang gagawin ko nito kaya bigla ko na lang siyang nabati.
"Hi?" nahihiyang bati ko sa kanya.
Ngumiti ng pagkalaki-laki yung lalaki sa akin at inaya niya ako na sumama sa kanya.
"Do you want to come with me?" nakangiting tanong niya sa akin.
Walang patumpik-tumpik ay agad akong sumama sa kanya sa loob.
"Kuya. Kasama ko." nakangiting sambit ko kay kuyang ma-muscle.
Hinawakan ako ni Baby este ni Kuyang gwapo sa beywang ko.
"Ooooohhh myyy gooodd!" kinikilig kong sambit sa sarili ko.
Namumula ang pisngi ko habang tumitirik sa tuwa ang mga mata ko at para akong maiihi sa kilig nito.
Binuksan na ng mga lalaki ang pinto at pagpasok namin sa loob ay sobrang daming tao as in crowded na siya tapos paiksihan ng palda yung mga babae at paliitan ng damit kulang nalang siguro mag hubad sila.
Pinaupo ako nung lalaki sa isang malaking couch.
"Take a seat," nakangiting sambit niya sa akin.
"May mga kasama ka ba kaya sobrang laki ng upuan na kinuha mo?" tanong ko sa kanya.
"Oo pero mamaya pa naman ang dating nila," nakangiting sambit niya sa akin.
"Nako! Pasensya na! Alis na ako dito baka magalit mga kasama mo kapag nakita nila akong kasama ka." nahihiyang sambit ko sa kanya habang papatayo sa upuan ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo niya muli ako sa tabi niya.
"No! Please! Dito ka muna ok lang ba sayo? Wala pa naman sila tsaka you got my attention, Baby?" malanding sambit niya sa akin habang nakangiti.
"Baby?" tanong ko sa kanya. , "Siguro akala mo easy girl ako noh?" natatawang tanong ko sa kanya.
"That's not what I meant. Hmmm... May I know your name please?" nahihiyang tanong niya sa akin.
"Pwede bang tagalog nalang besh? Malapit na akong duguin sa kaka-english mo eeh! 'Di ba Pilipino ka naman?" tanong ko sa kanya.
Bigla siyang natawa sa sinabi ko.
"Alam mo I like you," sambit niya sa akin habang papalapit sa mukha ko.
"Agad-agad?" tanong ko sa kanya. "Hoy! Wala pa ngang alak malandi kana! Easy lang muna tayo hindi naman ako masyadong malandi pero malandi ako I mean basta mamaya na yan. Ok lang ba?" pautal-utal na sambit ko sa kanya.
"Ok sige mamaya na kita lalandiin," nakangising sambit niya sabay kuha ng cellphone niya.
"Andrea. My name is Andrea pero you can call me Andeng," bigla ko nalang sambit sa kanya.
"Franco Iglesias." sambit niya ng pangalan niya sabay lapat ng kamay niya sa akin.
Kinuha ko ang kamay niya at nakipag shake hands ako at pagkatapos ay tumalikod ako sa kanya dahil punong-puno na ang salop ko at sobrang kilig na kilig na ako sa kanya.
"Franco, Pangalan palang pang kama na! Pang malakasan na ganun!" nakangisi kong sambit habang kinikilig ako.
Pagkatapos naming mag pakilala sa isa't-isa ay biglang tumahimik ang paligid. Kinuha niya muli ang cellphone niya at sinagot ang kanina pang tumatawag sa kanya.
"Wait lang Andrea aah sagutin ko lang yung tawag sa akin," paalam niya sa akin.
"Ok lang. Take your time." tugon ko sa kanya.
Tumayo si Franco sa kinauupuan niya at sinagot niya yung tawag sa kanya at ako naman ay kungwaring nag pipipindot ng cellphone ko.
Ilang minuto ang lumipas at biglang binaba na ni Franco ang tawag sa kanya at kumaway mula sa malayo.
Napatingin ako sa direksyon ng mata niya at kung saan siya kumakaway ng bigla kong nakita ang apat na lalaking nag gugwapuhan na papalapit sa amin.
"Amen!" bigla ko nalang na sigaw.
Napatingin sa akin si Franco sabay ngumiti.
"Narinig niya ata ang sinabi kong amen." nahihiyang sambit ko sa sarili ko.
Nasa harapan ko na ang iba't-ibang masasarap na putahe at tila ba'y lumulutang sa langit ang pakiramdam ko ngayon.
"Sila ang mga kasama ko," sambit ni Franco sa akin.
"Hi?" pabebe kong bati sa kanila habang iwiniwagasway ang kamay ko sa kanila.
"Hi!" nakangiting sambit nila sa akin.
"Sina Angelo at Lucio nga pala mga pinsan ko," pakilala niya sa akin. "At ito naman ang mga kababata naming sina Marco at Henry," nakangiting sambit niya sa akin.
Napapanganga ako ng di oras sa kanila parang ang sarap nilang ka-bonding na lima. Hindi ko na alam kung paano ako ngayon dahil pakiramram ko para akong nasa langit ng mga oras na ito. Nag gwagwapuhang nilalang ang nasa harap ko at ang babango pa.
"Answered prayer na 'to!" nakangisi kong sambit sa sarili ko.
Puro sila lalaki kaya parang nahihiya na ako na tumabi sa kanila kahit pa malandi ako may natitira pa naman akong kahihiyan sa sarili ko. Magaganda ang porma nilang lahat parang mayayaman talaga.
"Sabagay si Franco nga vip paano pa kaya 'tong mga 'to." sambit ko sa sarili ko.
Habang kumikinang sa tuwa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanilang lima ay biglang nag tanong ni Franco sa mga kaibigan niya.
"Wait? Asan na si Fernando?" nagtatakang tanong ni Franco sa kanila.
Bigla akong naistatwa sa narinig ko.
"Fernando? May kasama silang Fernando?" kinakabahang sambit ko sa sarili ko.
Naka crossed fingers na ako nito at nag dadasal na sana yung Fernando na nasa simbahan at itong Fernando na 'to ay magkaiba.
"Ooh! Ayan na pala siya!" sambit ni Franco.
Lumingon ako sa malayo at mas lalong kumaba ang pakiramdam ko.
Nakakapanglaway dahil lakad palang niya nakakalaglag panty na para akong unti-unting nalalaglag sa upuan ko dahil sa kabang nararamdaman ko sa kanya.
"Si Fernando at si Fernando ay iisa!" kinakabahang sambit ko sa sarili ko.
"Meet And--" putol na sambit ni Franco kay Fernando.
Hindi na natuloy ni Franco ang pag papakilala niya sa akin dahil bigla akong tumakay sa pwesto ko ng hindi nila namamalayan.
"s**t!" sigaw ko mula sa banyo.
Kinakabahan pa ako nito. Excited na kabado ako parang malalaglag yung puso ko sa kaba.
"Nagkita muli kami! Destiny na ba 'to?" tanong ko bigla.
Pagkatapos kong sa banyo mag emote ay sumilip ako sa labas kung nandoon si Franco o kahit sino sa kanila ngunit wala kaya lumipat ako ng pwesto.
Naka vip room naman sila at hindi nila ako mapapansin sa labas dahil madaming tao dito.
Puwesto ako sa harap ng bartender at bumili ako agad ng maiinom ko pagkatapos ng limang shot ay tumapang na ako.
"Yes!" sigaw ko habang nakangiti sa bartender.
Sobrang tapang at ang lakas ng loob ko kaya pumunta ako sa umupukan ng mga tao para sumayaw.
Habang sumasayaw ako sa gitna ay may biglang pumalibot sa akin na mga lalaki.
"Hey! What's your name?" tanong ng isang lalaki.
"Andrea. Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Sander," nakangiting tugon niya sa akin.
"Wow! Ang cute ng name mo! Age?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Thank you! And I'm nineteen!" tugon niya sa akin.
"Ok! Pass!" sambit ko sabay alis sa kanila.
"Ano? Apo lang?" inis na sambit ko.
Kakatubo palang ata ng balahibo neto sa kili-kili lumalandi na agad.
Umalis ako sa pwesto ko at bumalik na lang ako sa harap ng bartender.
Umorder na lang ulit ako ng alak kasi parang walang mangyayaring maganda ngayong gabi sa akin.
"Kuya. Bigyan mo ako ng matapang na alak yung kaya akong ipaglaban at pabukain!" inis na sambit ko sa kanya habang naka-kalumbaba.
Agad na kumuha yung bartender ng baso at inabutan ako ng isang buong alak.
"Ma'am. Ikaw na bahalang uminom diyan basta siguraduhin niyo lang na may maalala pa kayo pag gising niyo," nakangiting sambit niya sa akin.
"Pananakot ba yan?" pang aasar ko sa kanya.
"Halos lahat kasi ng uminom niyang alak na yan may magandang alaala na nakalimutan." nakangiting sambit niya sa akin.
Natawa na lang ako sa sinabi niya at binuksan ko nalang yung bote sabay inom ng laman nito.