Hannah's POV
I'm on my way to Froxtine University to meet Axel ibabalik ko lang yung panyo niya and I have a favor to ask him.
" Hi, Do you know Axel Fernandez? Where is he? " tanong ko sa lalaking nakasalubong ko.
I searched his whole name on twitter @froxtinehearthtrob.
" Si Captain? Nasa gym ata sila nagti-training "
" uhm........ where is the gym? " nagaalinlangan kong tanong.
" diretsuhin mo lang yung dalawang building na yan, tapos kanan ka may makikita kang malaking sign na Froxtine Gymnasium. Pasok ka dun makikita mo na si Captain nakikipagharutan " I thanked him before following the direction he said.
Good thing hindi ako nawala kahit na malaki ang Froxtine University marami namang signs na nakasulat same lang sa Auxtin.
Before ako makapasok sa Gymnasium nakasalubong ko Kuya Christian fudge out of all people na pwedeng makita si Christian pa nakasuot lang siya ng red shirt and black jeans.
When he saw me tumakbo agad siya papunta sakin I was supposed to act na hindi ko siya nakita at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Three days na simula nung gabi na yun at lagi niya akong minimessage at tinatawagan pero hindi ko siya sinasagot I don't nasasaktan pari. Ako tuwing naaalala ko yung mga nakita ko sa bar nayun.
" Hannah! What are you doing here? " gulat niyang tanong na halata sa mukha ang pagtataka kasi naman I'm not that type of person na magvivisit sa isang school kasi wala naman akong ibang friends.
" uhm.......napadaan lang " pagsisinungaling ko.
" Huh? Paano? Eh ang layo ng Auxtin dito " taka niyang tanong.
Fudge oo nga, pala kasi naman eh!
" may binibisita lang " pagsisinungaling ko ulit fudge nagiging liar nako dito.
" Do you have any friends here? As far as I know, you are not close to anyone except me. "
" I'm visiting my boyfriend " hindi ko din alam bakit ko nasabi yun ewan ko wala nakong ibang madahilan.
" boyfriend? Who? And since when did you had one? " sunod sunod niyang tanong halata sa maya niya ang pagiging worried nakita ko rin na napawi ang mga ngiti niya at napakagat ng labi.
" Axel Fernandez, " sagot ko I saw some disappointment in his eyes ewan ko kung may meaning ba yung mga yun or sadyang ako lang nagbibigay ng meaning kasi assumera ako.
" ah, he's inside the gymnasium " turo niya sa gymnasium building na nasa harapan namin.
" una na ako " pagpapalam ko tango lang naman ang sagot ni binigay niya.
Nawala lang ang kabog ng dibdib ko ng papalayo nako sakanya.
" Hi miss ganda "
" sino hanap natin miss? "
" Taga Auxtin ka sigurado jowa mo hanap mo no miss? "
Rinig ko sa mga basketall player na nagpapahinga kapasok ko ng gym nakasuot kasi ako ngayon ng Auxtin uniform at nakaponytail lang.
" Do you know where is Axel? " nagaalinlangan kong tanong I'm not used to interacting with so many people lalo na puro lalaki sila.
" ah si Captain ba hanap mo? " tanong nung isa sakanila.
" ayun siya " sagot naman nung isa.
" jowa ka ba ni captain? "
" di naman nagseseryoso si captain sa babae eh "
" ganda mo naman miss nakachamba si Captain sayo "
" pag iniwan ka ni captain miss lapitan mo lang ako "
Rinig kong pagbibiro nila.
" CAPTAIN!!!! Jowa mo hanap ka!! " tawag ng isa kay Axel na nakatalikod ngayon habang may kausap na lalaki parang coach ata nila yun.
Nakita ko naman siyang lumingon at gulat na gulat sa sinigaw ng teammate niya.
Halata sa mukha nito ang pagkalito habang papalapit sakin.
" Hala miss mo na ako agad, ano ginagawa mo dito? " tanong niya at pinupunasan pa ang pawis.
" wanna grab some coffee? " tanong ko sakanya.
" captain payag na gandang babae ng nagaaya sayo. "
" ulol akin to! " nakikiride na sagot ni Axel sa mga jokes nila.
" sure, maliligo lang ako. You can wait right? " tumango naman ako sakanya bilang sagot.
"I'll have blueberry cheese and choco mallow drink. " order ko sa isang crew.
" how about you? " I asked him.
" same ng order mo. "
" I'll order 2 of the same order "
" so namiss mo ata ako? Bilis mo naman maka move on nakakatakot. "
" No, I'll just give this back to you " nilabas ko yung handkerchief na pinahirap niya sakin last time at binigay iyon sakanya.
" para sa handkerchief dumayo ka pa mula Auxtin hannggang Froxtine. lakas tama mo soy. " He chuckled I just rolled my eyes at him. nakakairritate talaga siya!
" and one more thing earlier I saw Kuya Christian " pagsisimula ko fudge I don't know how to ask him.
" ah, oo nga galing din gymnasium e "
" and-- " naputol ang sasabihin ko ng biglang dumating ang isang crew.
" thank u " nakangiting sabi ni Axel.
" magpa thank you ka " rinig kong bulong niya kaya napasabi ako ng thanks ng wala sa oras.
" good, galing mo naman doggy masunurin na aso " muntik ko na maihagis sakanya yung phone ko dahil sa inis na tinawag niya akong aso.
" wag yan! Mahal yan " turo niya sa phone ko at kinuha ang wallet ko para palitan ang phone na hawak ko " yan mas okay yan hindi mamasira, hampas mo na sakin " nag ok () sign pa siya at pinakita ang braso niya at sumisenhas na paluin ko na.
Napailing nalang ako sakanya.
" You are far different from my first impression to you "
" ano ba first impression mo sakin? " nakangiti niyang tanong at lumapit pa ng konti halatang naghihintay ng maganda impression.
" bad boy na serious na walang puso. "
" ampotaa!! May puso ako at nasasaktan din ako " umarte pa siya at hinawakan ang dibdib niya at nagheart sign .
" pero you are kind, joker and malandi pala. "
" luh? Malandi? Ako? Di pa nga kita nilalandi tapos sinasabihan mo na akong malandi what more kapag nilandi talaga kita. "
" di ako pumapatol sa chic boy. "
" di din ako pumapatol sa maganda na cute sa maganda na sexy lang. "
" tsk " I rolled my eyes.
" hindi kaya sumasakit mata mo sa kakaikot mo ng mata na yan? " pangaasar niya sinamaan ko lang siya ng tingin at nagdrama na parang babarilin at tinaas ang kamay niya na sign para sabihing suko na siya.
" so what am I talking about earlier? " tanong ko sakanya nakalimutan ko kasi.
" nilandi mo muna kasi ako bago nagkwento yan tuloy " natatawa niya sabi at kinamot ang ulo niya.
" yung sa crush mong hindi ka naman crush " he chuckled inismiran ko lang siya at nagpatuloy sa pagkukwento.
" I can't think of anything kasi para ireason out sakanya bakit ako nasa school niyo I mean if sinabi kong because of handkerchief for sure 'di naman maniniwala yun kaya sabi ko pinupuntahan ko boyfriend ko "
" ohh, tapos sinong boyfriend sinabi mo? " inosente niya tanong at ininom ang choco mallows na inorder ko for him.
" ikaw, " nakayuko kong sabi muntik naman niya mabuga yung choco drink na iniinom niya dahil sa gulat.
" hoy gago bakit ako?! Tangina nadadamay ako sainyo eh di ko naman kayo ganun kakilala "
" I know pero kasi nasabi ko na sakanya na ganun eh and I saw his reaction I know he got jealous "
" tangina naman! Ayoko ng ganyan sabihin mo sakanya nagbreak tayo kanina, comfortfling lang nangyari wala totohanan kamo "
" help me nalang kasi " pagmamakaawa ko sakanya.
" tangina! tapos masasaktan pwede ding masaktan si Sophia, di kami close nun pero blockmate ko parin yun "
" pls, Axel just help me! "
" pukinangina ano yun gagamitin moko potcha naman! "
" I'll pay you any amount you want "
" Gago hindi ako nakukuha sa pera bahala ka sa buhay mo babae ka! "
Lumabas siya at iniwan ako mag isa sa cafe naiiyak nako kasi naman first time in my life someone treated me like that na puro curse yung mga words na sinasabi. I do say curse but only in my mind.