"BRYCE, COME TO MY OFFICE NOW."
My mom said on the phone.
"Why?" My brows furrowed. "I'm very busy right now mom."
"Just do what I said. Andito na ang kapatid mo."
"At ano namang ginagawa ng isang 'yan diyan?"
"Basta, may sasabihin ako. We'll wait for you here."
"Mom, why can't you just tell me what's going on. Ang dami kong ginagawa dito---." napatingin nalang ako sa phone ko nang maputol iyon. She ended the call.
Marahas akong napabuntong hininga. Wala akong ideya sa kung anong dahilan ng pagpapatawag ni Mommy. Hindi ko rin alam kung bakit naandon si Brent, kapatid kong walang alam kundi ang mag-party. We are totally opposite, hindi ko alam kong bakit ganyan siya.
So here I am, doing my very best as the COO to help Mom operate our company at nagagawa ko naman iyon ng tama dahil maganda ang takbo niyon.
I want to become a CEO, that was my goal in the first place. And I think it will happen soon.
My Dad died a year ago from a serious lung cancer.
But he was happy leaving this planet. My Mom moved on just few months ago. She's okay now...I guess.
Hinayaan lang naming bakante ang posisyon ng CEO dahil si Mommy ang namamahala niyon maliban sa pagiging chairman niya.
Naghihintay lang siguro siya ng pagkakataon.
By the way, I'm Bryce Kent Monreal Nishimura, yeah you read it right, I'm half-Japanese because my father is pure Japanese but my Mom is half-American and half-Filipino, so I'm only 1/4 Filipino.
I'm the COO, not Child of Owner, but the Chief Operaton Officer, of our company which is NISHIMURA INC., a clothing company that is one of the highest selling brand in the Philippines and also for exports.
I have only one brother, and that is Lucas Brent, I'm the eldest so I automatically do my part in this company.
Si Brent? I don't know. I don't even know what's really his plan for his life. He's just busy partying and f*****g random girls.
Dahil din sa kanya, nalagay ako sa alanganin. Isang beses akong nalasing ng husto. Sa puntong hindi ko na alam ang ginagawa ko. I just found out that I had s*x with a stranger.
I squeezed my nape when I remembered what happened that night.
Ipinilig ko ang aking ulo para mawala iyon.
"I have to go, ikaw na muna ang bahala dito." Utos ko sa assistant kong si Lilith. "Ihatid mo nalang sa office ko ang mga papers."
Iniwanan ko na siya at lumabas ng factory. I often go there and all the other factory to monitor the operations and also to make sure the quality of our products.
Ganoon ako ka-dedicated sa aking trabaho. Kahit na pwede ko naman iyong iutos sa assistant ko ay pinupuntahan ko parin upang masigurong hindi kami magkakaproblema.
Nang makalabas ay agad akong nagdrive patungo sa building ng kompanya.
Mabuti nalang at hindi ganoon ka-traffic. I took 20 minutes before I arrived.
"Ang tagal mo kuya." Ang nakasimangot na si Brent ang agad bumungad sakin.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at inambahan ng suntok. He chuckled.
Umupo ako sa harap ni Brent. Nakaupo lang si Mommy sa kanyang swivel chair habang tila nagpi-piano sa mesa.
"What is it Mom? I have a lot of work left to do." Naiinip kong sabi.
"Me too, may kailangan pa akong gawin."
I just rolled my eyes after hearing what my brother said.
"Oh really? Ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon ha?" I smile sarcastically at him. "Ang magliwaliw sa kung saan, magparty at mangbabae?"
He just made a face kaya naman tumayo ako para hablutin siya.
"Enough.!." Saway ni Mommy saka napahilot sa sintido.
I pursed my lips. Bumalik ako sa aking upuan nang masama parin ang tingin sa aking kapatid. He just stuck out his tongue to annoys me. He's always acting like a kid and I hate it. He isn't normal.
"Mom! Si kuya, ang sama ng tingin sakin." Nakangusong sumbong niya.
"Tumigil nga kayo!"
"Mom, just tell us what you're about to discuss para makaalis na ako dito. I don't wanna see that f*****g asshole."
He mimicked me, making me pissed even more.
Marahas nalang akong napabuntong hininga at hindi nalang siya pinansin.
"Listen. Prepare yourself." Mom said. "I'll now give you all of my shares."
"What?" Gulat kong tanong. "All of your shares?"
Tumango si Mommy. "Including your father's share."
"But why? Parang masyado naman yatang maaga Mom. Aalis ka na sa kompanya?"
"Yeah, for good. I want to rest. Gusto kong nasa bahay lang ako at binabantayan ang mga apo ko sa inyo. Matanda na ako at napapagod narin. So I want the two of you to take over this company."
"Are you sure, mom?"
"Hmm. At iniisip ko pa kung sino ang gagawin kong CEO.."
"What? Kailangan mo pa bang pag-isipan yan Mom?" Inis na tanong ko. "Alam nating parehong ako lang ang may kakayahang patakbuhin ang kompanyang ito. If you choose Brent to be the CEO, then you are putting our company at risk."
Inismiran lang ako ni Brent. "Ang sakit mo namang magsalita kuya. Hindi porke wala akong nagawa para sa kompanya, hindi ko na deserve maging CEO. I just let you helped mom in managing our company kaya hindi na ako nangingialam pa. Pero kung kinakailangan kong tumulong sa kompanya, then I'll do my best para maging proud sakin si Mommy, diba Mom." Nakangisi pa nitong turan kay Mommy.
"Your brother is right, Bryce. Give him a chance to prove himself."
"But Mom, alam niyong noon ko pa gusto ang posisyong yan."
Napabuntong hininga si Mommy. "If you really want that position, then win the battle."
"A battle??" Sabay naming naibulalas ni Brent.
"Yes, you heard it right. A battle."
"Ano bang klaseng battle yan? Suntukan? Talo na ako diyan kay kuya, mas malaki katawan niyan eh."
I smirked. "Buti alam mo!"
"Ssshh!!" Mom hissed. "Ano bang suntukan pinagsasabi niyo? Hindi kayo magsasakitan."
"So ano ba talaga ang gusto mong gawin namin Mom?" I scratched my forehead out of frustration.
"Ang kailangan niyo lang gawin ay ang magpaunahang....bigyan ako ng apo."
"What??!!" Sabay naming sigaw ni Brent. Nagkatinginan pa kaming magkapatid. Agad na lumubo ang pisngi ni Brent.
He's trying to stifle a chuckle. Pero hindi iyon nagtagal kaya natawa siya ng malakas habang hawak ang kanyang tiyan.
Nainis naman si Mommy kaya dinampot niya ang kanyang folder at hinampas dito.
"Hahahah---Aww!!" Tumigil ito sa pagtawa at umayos ng upo.
"Mom, are you serious?"
"I'm dead serious." She anwered.
Napakamot ako sa aking ulo. "Mom, you know me. Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay."
"Lol, same here." Brent chuckled.
"At kelan niyo ko balak bigyan ng apo? Pag wala na ako? Mga anak, ang tatanda niyo na. Kailangan niyong maghanap ng inyong mapapangasawa. I want to see my grandchildren and be with them before I die."
"Mommy ang OA."
"Hindi ako nagbibiro Lucas Brent. Kung gusto niyong makuha ang parte niyo, bigyan niyo muna ako ng apo. Ang unang makakapagbigay, sa kanya ko ita-transfer ang 70 percent ng shares ko, siya rin ang itatalaga kong CEO. Tapos ang usapan."
"Ang daya mo naman Mommy." Nakasimangot na usal ni Brent. "Alam mo namang hindi ko siniseryoso ang mga babae."
"Pwes magseryoso kana simula ngayon. Lalo kana Bryce. Kung gusto mong makuha ang posisyong nais mo, then go find a wife and give me grandchildren."
"Hindi na kailangan." I said after letting out a heavy sigh. "Ako ang magiging CEO..."
"What?"
"H-Hindi ko na kailangang maghanap."
"Why? What do you mean?" Naguguluhang tanong ni Mommy.
I swallowed hard. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong ipagtapat sa kanila. Matagal ko na itong iniwasan at ibinaon sa limot.
At hindi ko akalaing babalikan ko pa iyon.
"I-I have a child."