CHAPTER ONE

2818 Words
Theryza Elein Valencia "KAPOY, GIATAY!" Naibulalas ko kasabay ng paghubad ko sa mga heels ko. Lupasay akong napasandal sa bench na naroon sa aming Locker Room. Katatapos lang ng shift ko, babalik ako mamaya pagkatapos kung mag-lunch at papalitan ko naman ang katrabaho ko para siya naman ang magla-lunch. "Wala tayong magagawa.." Sabi ni Jen. "Mao na ni atong kinabuhi." Katulad ko ay naghubad rin siya ng sapatos. Hinubad niya ang kanyang gray na vest at inilagay iyon sa kanyang locker. Napabuntong hininga ako. "Kailangan ko din naman to, wala naman akong ibang trabahong mapag-aaplayan. Pero nakakapagod din kasi tong trabaho natin, kahit nakatayo lang naman tayo at nag-aassist ng mga customers." Hinilot hilot ko pa ang mga paa kong kanina pa nananakit kakatayo. "Sus, anim na taon kana ritong nagtatrabaho, 'di ka parin nasanay?" "Isa't kalahating taon din naman akong nagpahinga bago nakabalik dito." Natawa naman siya. "Pahinga ba ang tawag mo dun? Halos ikamatay mo na nga yong mga panahong iyon." Napabuntong hininga nalang uli ako saka tumayo at hinubad din ang suot na vest. Pareho kaming blue short sleeve polo at black skirt nalang ang suot. Inilagay ko sa locker ko ang vest at kinuha naman ang sandals at isinuot. "Tara na." Yaya niya sakin palabas. "San mo gustong kumain?" Umikot ang mata ko. "San pa ba? Syempre kila Aling Puring." Nakalabas na kami sa Clothing Department at naglakad. Nagmaktol naman siya. "Psh! Puro nalang dun, unsa ka ba oy! Hindi ka ba nagsasawa sa mga ulam dun?" "Alam mo namang nagtitipid ako at nag-iipon.." "Isang beses lang naman. Tara sa Chowking. Miss na raba nako ang ilang Chowpan." "Didto nalang lagi. Mura kila Aling Puring. Lami man pagkaon didto ba." "Pastilan ka! Ayuko, sawa na ako sa luto ng matandang yon." Nasapo ko ang noo ko sa kakulitan niya. Palibhasa mas bata sakin ng tatlong taon. Tumigil pa kami sa tabi dahil di namin alam kong lalabas ba kami ng mall o pupunta sa gusto niya. "Ambot sa imo oy! Bahala ka, ikaw kumain do'n. Ako nalang kakain sa labas." Sabi ko na akmang maglalakad palabas pero agad niya akong pinigilan. "Hoy! Yawa ka. Sige na, libre na kita." Napangisi naman ako. "Ing-ana ba, alokin mo ko kung libre mo." "Oo na, kuripot kaayo ning bayhana oy!" Hinila niya ako papunta sa Chowking restaurant. Nasa taas kami kaya bumaba pa kami ng escalator. "Basta ikaw sa halo halo ha." Napakunot noo naman ako. "Pila man to?" "Psh! Singkwenta lang! Ayaw pagreklamo ha. Kahit isang beses hindi mo man lang ako nalibre." Umirap ako. "Banhaa ba nimo oy!" singhal ko nang may mga tumingin na samin dahil sa ingay niya. SA ILANG saglit lang ay narating namin ang Chowking. Agad kaming umorder sa counter. "Anong kini-kwenta mo diyan?" kunot noo niyang tanong nang makaupo kami. Sumimangot ako. "Isandaan din yon, pang dalawang kainan ko na yon sa karinderya." tukoy ko sa binili kong dalawang halo halo. Umikot ang mata niya. "Ang kuripot mo talaga. Kumain ka na nga lang." Napanguso ako at nagsimulang kumain. Pagkatapos naming kumain ay naghintay muna kami ng ilang minuto bago mapagpasyahang bumalik sa trabaho. Ako si Theryza Elein Valencia. Patay na ang mga magulang ko at ang tiyahin ko ang nag-iisa kong kapamilya. Kinupkop niya ako at itinuring na anak. Wala siyang anak at asawa kaya kami ang tanging magkasama. Hanggang first year lang ako sa kolehiyo. Tumigil ako noon sa pag-aaral at nagtrabaho nalang dahil nagkasakit noon si tita Judith at kinailangan namin ng pera para mapagamot siya. Kami nalang dalawa ang pamilya kaya wala ng ibang magtutulungan kundi kami nalang. Anim na taon na akong nagtatrabaho dito sa SM Cebu bilang sales lady. Hindi ko na naisipang maghanap pa ng ibang trabaho dahil mahirap ngayong maghanap lalo na kung hindi ka naman nakapagtapos ng pag-aaral. Kailangan ko ang trabahong ito upang mabuhay kami. Kaya kahit nakakasawa at nakakapagod, eto parin ako at tinitiis ang araw araw na pagtayo at pananakit ng aking mga paa. Kahit stress ka ay kailangan mong itago iyon sa mukha mo dahil kailangang palagi kang nakangiti sa harap ng mga customers mo. "MISS, do you have smaller size of this?" tanong ng babaeng customer. Turo niya sa isang long sleeve blouse. "Yes, maam." nakangiti kong sabi. "Andito po ang mga stock nila." iginiya ko siya sa pwesto ng mga nakahanger na long sleeve blouse. Maya maya lang ay nakapili na siya at agad na lumapit sa counter upang magbayad. "Thank you for visiting SM Supermarket Cebu. This is a customer announcement. Sales agent no. 034, Ms. Theryza Valencia from Clothing Department, would you please come to the information desk, your friend is waiting for you. Thank you!" Napakunot ang noo ako nang marinig ang pangalan ko. Agad namang lumapit si Jen sakin. "Kelan ka pa nagkaroon ng isa pang kaibigan?" Aniyang salubong ang kilay. "Ako lang naman ang kaibigan mo." "Ambot pa.." Nasabi ko nalang. "Hindi kaya..." aniyang natakpan pa ang bibig. "Yung ex mo yun." Umikot lang ang mata ko. "Imposible yun. Nasa America na yun at wala nang balak umuwi." Naglakad ako at nagtungo sa Information Desk na naroon sa baba. Nang makalapit doon ay nakita ko ang nakatalikod na lalaki na kinakausap ang mga naroong employees. Nilingon naman agad ako ng naroong personnel. "Sir, ayan na po si Theryza." anito nang makalapit ako. Pumihit sakin ang lalaki at ganon nalang ang pagkagulat ko nang makilala siya. Napaatras pa ako sa pagkabigla. "I-Ikaw?" Ngumiti lang siya at lumapit sakin. "Hi." Bigla akong napipi dahil sa muli naming pagkikita. Hindi ko inaasahan iyon dahil limang taon narin ang lumipas simula nung huli naming pag-uusap. Si Bryce Monreal Nishimura. Tila malaki ang ipinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo. Nakasuot siya ng asul na long sleeve na itinupi niya sa braso at tinernuhan ng jeans. Naka-brush up ang kanyang buhok. Pagdating naman sa parte ng kanyang mukha ay ganoon parin iyon, perpekto at walang kapintas pintas sa mga iyon. Sa medyo singkit nitong mata, matangos na ilong at ang labing minsan ko nang natikma---yawa! Agad kong inalis ang paningin ko sa labi niya. "A-Anong kailangan mo?" Hinaluan ko ng galit ang boses ko. Hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya noon. "Can I talk to you?" "No." agad na sagot ko. "Umalis kana at wag kanang magpapakita pa sakin kahit kailan." Sabi ko saka siya tinalikuran. "Hey." Agad niya akong hinawakan sa braso para pigilan. Humarap pa siya sakin upang harangan ang daan. "We need to talk." "Para s'an pa?" Galit na turan ko. "Malinaw parin sakin yung mga sinabi mo sakin para lang itaboy ako." "Look, I'm sorry. Masyado pang sarado ang utak ko sa mga sinabi mo nung oras na yon." "Wala na akong pakialam sayo. Umalis kana at bumalik sa pinanggalingan mo." akma na akong aalis nang higpitan niya ang hawak sakin. "Ano ba!" galit na sigaw ko. "I traveled here from Manila just to see you, tapos hindi mo man lang ba ako kakausapin." "Sinabi nang wala akong pakialam sayo. Galit na galit parin ako sayo hanggang ngayon." "I want to see my child." Natigilan ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Hindi pwede. "Please, kailangan kong makita ang anak ko." Kasabay ng pagtawa ko ang pagbagsak ng mga luha ko. "Anong karapatan mong hanapin ang anak mo gayong itinakwil mo kaming pareho. Pagkatapos mong talikuran ang responsibilidad mo sa ipinagbubuntis ko." Natigilan naman siya. "I-I'm sorry..." "Sorry? Kulang pa yan sa mga hirap na dinanas ko dahil sayo!" "Anong nangyayari dito!?" Awtomatikong napapunas ako sa mga luha ko nang dumating ang aming Manager. "Ms. Valencia! Bakit nagsisigawan kayo? Nakakahiya sa mga customer!" Galit na sabi niya sakin. "Sorry po sir. Babalik na po ako sa trabaho." akma na akong aalis nang hawakan muli ako ni Bryce. Masama ang tingin ko sa kanya. Bumaling siya sa aming manager. "Are you the manager?" "Oo, ako nga." Masungit na sagot nito. Kay bayot man. "Ano bang pakay mo dito sa sales lady namin?" "Can I talk to her for a minute?" Tumaas ang kilay ng manager. "Sorry sir. Oras pa ng kanyang trabaho. Kung gusto niyo ay hintayin niyo nalang siyang matapos." Napabuntong hininga nalang si Bryce saka hinugot ang kanyang wallet. Inilabas niya ang kanyang calling card at iniabot sa manager. Kunot noo namang tiningnan iyon ng aming manager. Maya maya lang ay nanlaki ang mga mata nito at napatutop sa kanyang bibig. "Do you want me to talk to your boss?" nakataas na kilay na sabi ni Bryce. Nataranta naman ang baklang manager. "No need sir. Go ahead." Bumaling siya sakin at pinandilatan ako ng mata. "Ano pang hinintay mo diyan? Sumama ka kay sir Nishimura." "Pero sir---." "Bilisan mo! Wag mong paghihintayin si sir!" Salubong ang kilay kong tumingin kay Bryce. Nagkibit balikat lang siya at naunang maglakad. Napabuntong hininga ako. Saka ko lang napansing maraming nanunuod samin. Napayuko nalang ako saka naglakad at sinundan si Bryce. "Bakit dito?" Sabi ko nang makapasok kami sa Nonki, isang Japanese Restaurant. "Kumain muna tayo." "Busog ako." "Ako gutom.." aniya. Umupo na siya sa bakanteng pwesto at wala akong nagawa kundi ang sumunod. "Hindi ako nakapag-lunch dahil kagagaling ko lang sa biyahe at dumeretso ako dito." Um-order na siya ng kanya saka bumaling sakin. "What's yours?" Umiling ako. May sinabi siya sa waiter na hindi ko maintindihan. "Sabihin mo na kung anong gusto mong pag-usapan natin." "We should eat first." "Hindi nga ako gutom." Inis na sabi ko. "Hindi ako sanay na kumain na may nanunuod lang sakin." "Bakit naman kita papanuorin? Wala akong pakialam sayo okay." "Tsk, lower your voice please." Umirap nalang ako humalukipkip. Naisip ko ang trabaho ko. "Ano nga palang ginawa mo't parang natakot ang manager namin?" Nagkibit balikat naman siya. "I just used my power." "Ha! Oo nga naman." Sarkastiko akong tumawa. "Nakalimutan ko nga palang iyan din ang ginamit mo maitaboy mo lang ako." "Look, I'm really really sorry about what happened to us that day. Nagulat lang kasi ako noon. Saka hindi pa ako handa para sa ganoong sitwasyon. Wala sa isip ko ang magkaanak." "O ngayon, bakit bigla ka nalang naghahabol?" Magsasalita na sana siya nang dumating ang waiter dala ang pagkain. "Ano to?" takang tanong ko sa dessert na inilagay sa harap ko. May juice din doon. "It's Kasutera, it's delicious." "Busog nga ako di ba?" Mataray na sabi ko. "Just eat it." aniya saka nagsimulang kainin ang kanyang pagkain. Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong nagawa kundi ang kainin ang dessert na iyon. Hindi naman ako nagpahalatang sobrang sarap pala ng dessert na yon. Palibhasa hindi pa ako nakakakain sa Japanese Restaurant. SIYEMPRE nauna akong matapos sa kanya. Hindi naman ganoon karami ang dessert. Kaya naman hinintay ko pa siyang matapos. Panay ang buntong hininga ko dahil sa inip. Nang tumingin ako sa aking relo ay agad na nanlaki ang mata ko. "Wala na..." nakasimangot ako. "Ubos na ang oras ko." "Good." Aniyang uminom ng tubig. "Ihahatid na kita sa inyo. Doon tayo mag-uusap." Sumama ang mukha ko. "Kapag natanggal ako sa trabaho dahil sayo malalagot ka talaga sakin." "Hindi mangyayari yon.." Sabi niya lang. Maya maya ay lumabas na kami ng restawran. "Kukunin ko muna ang gamit ko." Sabi ko. "Okay." Umakyat muli ako at nagtungo sa aming locker room. "Hoy, diin ka man gikan?" naabutan ko si Jen na nagaayos na ng kanyang gamit. "Hindi ka na bumalik simula ng ipatawag ka. Ano bang nangyari?" Napabuntong hininga ako saka binuksan ang aking locker. "Wala, may problema lang." kinuha ko ang bag ko doon at agad na sinarado ang locker. "Anong problema ba yon?" "Saka ko na sasabihin. Mauuna na ako sayo." "Ha? Hindi mo ako isasabay?" "Pasensya na nagmamadali ako eh." Agad ko siyang iniwan doon at lumabas. Agad kong hinila si Bryce palabas sa Clothing Department dahil ayukong makita kami ni Jen. Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag sa kanya iyon. "Why?" aniyang lumingon pa sa likuran namin. "Basta bilisan mo nalang." Mabilis naming natagpuan ang labasan. "Asan ang sasakyan mo?" Nagpatiuna siyang maglakad sa parking area. Ilang sandali lang ay nakalapit kami sa kanyang kotse. Sa isang iglap ay nagbibiyahe na kami patungo sa bahay namin. "So how is he?.. Or she?" Aniya habang nagmamaneho. "She." Pagtatama ko. Saglit siyang napatingin sakin at nagtama ang paningin namin. Mabilis naman kaming parehong nag-iwas ng tingin. "A-Ayos lang naman siya. Papasok na siya sa school next year, kinder." tipid akong ngumiti. Tumikhim siya. Hindi ko alam kung bakit ramdam ko sa kanyang kinakabahan siya. "Ano ba talagang rason kung bakit gusto mong makita ang anak ko?" tanong ko. "I-I want to be f-father for her." aniya. "Yun ba talaga?" Hindi siya lumingon. "Y-Yes. And her lola wants to see her." Iiling iling naman akong napabuntong hininga. "Ewan ko. Parang hindi ako kumbinsido sa sinasabi mo." Napatingin naman siya sakin. "What?" "Hindi ako naniniwala sayong nagpakita ka dahil gusto mong magpakaama sa anak ko." "But I'm telling the truth?" aniya. "Hindi ba't sinabi mo noon na hindi mo planong magkaanak." "But it's been 5 years, Theryza. Nagbabago ang mga tao." Hindi nalang ako nagsalita. Ewan, pakiramdam ko hindi siya nagsasabi ng totoo. Kanina ko pa ibinigay sa kanya ang address ng bahay namin. Ginamit niya ang waze para matunton iyon habang ako ay nakahalukipkip sa tabi. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa bahay ko. "Pasok.." sabi ko nang buksan ko ang gate namin. Agad na bumukas ang pinto ng aming bahay at lumabas doon ang aking anak. Si Arya. "Mama!" tuwang tuwa siyang tumakbo palapit sakin at agad naman akong umupo at sinalubong siya ng yakap. "Kumusta naman ang baby ko?" sabi ko matapos siyang halikan sa pisngi. "Okay lang po Mama, nagdrawing po ako oh." iniabot niya ang papel na may drawing na apat na tao. "Wow, ang galing naman ng baby ko. Sino sino ba yang dinrawing mo?" Tinuro niya isa isa ang mga nasa drawing. "Ito po ako, ikaw mama at si lola Judith." "Eh sino naman yan?" turo ko sa korting lalaki sa tabi niya. "Si Papa po..." "Why did I have halo there?" napatayo ako at napatingin kay Bryce. Lihim akong napalunok. Lumapit naman bigla sa kanya si Arya at halata ang pagtataka sa mukha niya. "Sino ka po?" kunot noong tanong niya. Umupo naman si Bryce upang magpantay sila. Ngumiti siya sa bata at hinawakan ang pisngi ni Arya. "Hi, I'm Bryce. I'm your daddy..." "Daddy?" "Mm. Ako ang daddy mo." Mas lalong kumunot ang noo ng anak ko. Nakagat ko nalang ang aking ibabang labi. "Ikaw si papa ko?" Ngumiti muli si Bryce at tumango. "Yes, ako ang papa mo." "Hindi po kita papa. Nasa heaven na po ang totoong papa ko." "What!?" medyo nalaksan ni Bryce ang kanyang boses kaya naman nagulat si Arya. Agad akong lumapit. "Ahm, Arya anak. Pasok ka muna sa loob. Kakausapin ko lang ang...ang bisita natin." Pilit akong ngumiti sa anak ko habang isinisenyas siyang pumasok. Nakanguso siyang bumalik pero nilingon niya muna si Bryce nang salubong ang mga kilay bago pumasok. "What's that?" Salubong ang kilay na tanong ni Bryce. "What did you tell her about me?" Napabuntong hininga naman ako. "Eh kasi..." Napalunok muli ako. "Ang alam niya kasi...patay ka na---." "What!?" Nakagat ko ang labi ko. Agad na rumehistro ang galit sa mukha niya. "Bakit mo ginawa yun?" Nainis naman ako bigla. "Wala na akong choice noon. Apat na taon akong naghintay at nagbakasakali na hanapin mo kami at panagutan mo ang anak ko. Pero ni anino hindi ko nakita sayo!" Galit na sabi ko kaya naman natigilan siya. "Ilang beses niya akong tinatanong kung bakit wala siyang ama katulad ng napapanood niya sa tv." Hindi ko alam kung bakit ako napaluha. "Alam mo bang sobrang hirap ng buhay namin noon. Naisipan ko pa noon na ipalaglag ang bata pero pinigilan ako ni Tita Judith. Natigil ako sa pagtatrabaho dahil sa pagbubuntis ko. Kaya naman doon din nagsimula ang paggapang namin sa hirap dahil wala na akong hanap buhay. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong mabubuti ang puso. Sinuportahan nila ako at ang anak ko na dapat ikaw ang gumagawa!" galit ang mga mata kong tumitig sa kanya. "S-Sorry." Napabuntong hininga ako. "Bigyan mo muna ako ng oras para kausapin si Arya. Ayaw ko siyang biglain na sabihing ikaw ang kanyang ama. Gusto kong siya mismo ang lumapit sayo at tumanggap sayo bilang kanyang ama." "I understand." Tipid akong ngumiti. "Gusto mo bang pumasok?" "Hindi na..." Aniya. "Babalik nalang ako." Tumango ako. "Sige, ingat." "Salamat Theryza." Tumango ako at astang tatalikuran siya nang may maisip ako. "Pano mo nga pala ako nahanap?" May kinuha siya sa kanyang bulsa. Umawang nalang ang labi ko nang iabot niya sakin ang ID ko noon. Kaya pala hindi ko na mahanap hanap. "Naiwan mo sa condo..." Aniya. Napatingin ako sa kanya at nagtagpo ang aming paningin. "...after that night.." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD