BRYCE KENT MONREAL NISHIMURA
Four years ago…
"GO FIND HIM..."
"Why?" salubong ang kilay na tanong ko kay Daddy. Naroon kami sa kanyang opisina. Pinapasundan niya sakin si Brent sa Cebu.
"He's not doing his job. I told him to visit our plant in Cebu but he's not reporting. Tatlong araw nang hindi pa siya pumupunta doon." nahilot niya pa ang kanyang sintido dahil sa galit.
Napabuntong hininga nalang ako at napailing.
"Bakit kasi siya pa ang inutusan niyo? Marami naman diyang pwedeng mag-asikaso. But then, you trusted that jerk as if you don't know him. Alam niyo namang hindi maaasahan yun dito sa kompanya."
"I’m still hoping that he can do it. Hindi naman pwedeng habang buhay na siyang ganyan, walang ginawa kundi ang maglakwatsa."
"Tsk, he's hopeless. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit siya nagkakaganyan." iiling iling na turan ko.
Tumayo na ako. "I'll go ahead, Dad. Ako na ang bahala kay Brent."
"Just be easy with him. Dito mo na siya pagalitan pag-uwi niyo."
Napabuntong hininga akong tumango at lumabas na ng kanyang opisina. Alam niyang magaaway kami ni Brent once magkita kami doon. Ganoon talaga kaming magkapatid, hindi namin kayang magtagal nang magkasama dahil madali kaming magkapikonan.
Agad akong naghanda at nagbiyahe patungo sa Cebu. Nang makarating ako roon ay dumeretso ako sa aking condo unit.
Saglit lang akong nagpahinga doon saka agad na bumiyahe papunta sa planta.
"Where's Brent?" agad na tanong ko sa plant manager doon.
"Sir, hindi pa po siya bumibisita dito."
Marahas akong napabuntong hininga at napatango nalang sa kanya.
"Okay, I'll just take his job." sabi ko at nagmadali naman siyang kumilos kasama ang assistant nito at iginiya ako sa loob ng planta.
In-inspeksiyon ko ang bawat parte ng planta, simula production hanggang sa sorting.
Ilang oras din akong nagtagal sa pag-inspect ng buong planta at pagkatapos niyon ay mayroon pa akong mga pinirmahang papeles. Kaya gabi na akong nakauwi.
Nakaupo ako sa kama habang sinusubukang kontakin si Brent. Napapamura na lang ako nang 'out of coverage area' lang palagi ito.
Ugh! This jerk is getting on my nerves.
He has so many friends pero wala akong mga contact number ni isa man sa kanila. Dahil hindi naman ako interesado lalo na't kaibigan lang naman sila ni Brent pagdating sa inuman at party.
Ilang sandali lang ay nagring ang aking telepono.
Napatayo ako nang si Brent ang nakarehistro doon.
"Where the hell are you?!" galit na tanong ko sa kanya.
"Kuya, I know you're here in Cebu na."
"So what? Nasa'n ka na ba? Dad is so disappointed in you. Kailangan mong magreport sa kanya bukas. Ako na ang gumawa ng dapat na trabaho mo!"
"Tsk, oo na kuya. But I called just to say na nandito ako sa malapit bar."
"Do you expect me to be surprised? Of course alam kong naandyan ka na naman. Ang mabuti pa, umuwi ka na at magpakita ka kay Dad."
"Oo, uuwi ako. Pero kailangan mong pumunta dito."
Nagsalubong ang kilay ko. "Why?"
"Nagkita kami ng mga classmates mo nung college. Kainuman ko sila ngayon."
"And so?" taas kilay na sabi ko.
"Tsk, kuya. Hinahanap ka nila. Pumunta ka na dito please."
"Brent, wala akong panahon para d'yan. Pagod ako dahil galing ako sa trabahong dapat ikaw ang gumawa." inis na sabi ko.
"Ang KJ mo naman kuya. Sige na kuya nakakahiya sa kanila…"
Napabuntong hininga ako. "Saan ba 'yan?"
Agad niyang ibinigay ang adres. "After this, mangako kang babalik sa manila, Brent."
"Oo nga kuya, promise."
Marahas muli akong napabuntong hininga pagkatapos ng tawag.
Nagbihis ako ng simpleng white polo shirt at maong pants.
Agad kong nilisan ang condo at bumiyahe papunta sa bar.
Nang makarating ako ay nakita kong may kalakihan ang bar na iyon. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang mga tao roon. May kanya kanyang table na pinapalibutan ng mga mahahabang couch.
Hinanap ko si Brent at nakita ko siya sa dulo ng espayong iyon. Nakaakbay siya sa isang babae habang kinakausap ang lalaking pamilyar sakin.
Agad akong naglakad palapit sa kanila, saka ko lang nakilala ang iba pang naroon.
Nang makita nila ako ay agad silang tumayo.
"Kuya, mabuti naman at nakarating ka…" nakangising turan ni Brent.
"Tsk." sagot ko lang saka bumaling sa mga dating kaklase ko.
"Bro…" salubong sakin ni Jasper. Nakipagshake-hands ako sa kanya. Ipinakilala niya ang kasama niyang girlfriend. Lumapit na din ang dalawa kong classmate na sina Martin at Samantha na mukhang may relasyon ayon narin sa pagkakahawak ni Martin baywang ni Samantha.
"Kumusta?"
"I'm good." tipid ngiti kong sagot kay Martin.
None of them were my close, introverted akong tao lalo na noong studyante palang ako. Kaya wala akong naging kaibigan. Dahil palaging gusto kong mapag-isa.
"Kuya, si Bea nga pala.."
Napabuntong hininga na lang akong nakipagkamay sa babaeng kasama ni Brent, as usual, ibang babae na naman ang kasama niya.
Umupo ako sa nag-iisang sofa dahil ayukong magmukhang weirdo kasama nila.
Wala naman akong pakialam kung lahat sila ay may kapartner, I don't need one anyway…
Agad akong inabutan ng isang bote ng alak ni Jasper.
Inabot ko naman iyon at ininom. Agad rumagasa sa lalamunan ko ang pait at alcohol na dulot ng alak. Alam kong madali lang akong malasing kaya minsan lang akong umiinom talaga ng alak.
“So, how’s your business, by the way?” biglang tanong sakin ni Martin. “Balita namin, isa ang brand ng kompanya niyo sa best sellers dito sa Cebu.”
Tipid akong akong ngumiti.
“As it should be…” sagot ko nalang. “Kayo, what are you doing here in Cebu? Nasa Manila ang mga business niyo right?” tanong ko naman sa kanila. Tumungga muli ako ng alak. Nang lingonin ko si Brent ay hinahalikan na ito ng babae sa leeg. I sighed and looked away.
Tumango si Jasper.
“We are here just to hangout and relax. Kakagaling lang namin sa beach at nagkita naman kami ni Brent dito nang maghanap kami ng malapit na bar.”
Ilang minute ang lumipas. Nakailang bote narin ako ng alak kaya naman ramdam ko na ang epekto sa katawan ko ng alcohol.
Pakiramdam ko ay nagbabaga ang aking tenga at pisngi pati na ang aking kalamnan dahil sa init na dulot ng alak.
Naisandal ko ang aking likod sa couch habang nakapangde-kwatro. Ipinatong ko ang aking mga braso sa armrest ng couch at inihiga ang ulo. Naipikit ko ang aking mga mata nang makaramdam ng liyo.
“Are you still single right now, Bryce?” nagmulat ako at napatingin kay Samantha. Pati sina Jasper at Martin ay napatingin sa kanya dahil sa tanong niyang iyon.
Salubong ang mga kilay ni Martin na nakatingin ng deretso sa babae.
“What?” inosenteng tanong ni Samantha. “Masama bang magtanong kung single pa siya?”
The side of my lips rose and stared at Samantha.
Well, she’s right. Walang masama kung tanungin niya man ako kung single pa ako. Pero sa kaso naming, alam ko at nina Martin at Jasper na may gusto sakin noon si Samantha. Kaya hindi ko masisi kung nagselos si Martin.
“Yeah, I don’t have a girlfriend…” I said, not taking off my gaze at her. Napatikhim siya at napatingin kay Martin na masama na ang tingin sa kanya. “But I’m not planning to have one.”
Sandaling natahimik ang pwesto namin. Lumabi na lamang ako at muling uminom ng alak.
“Why don’t we just play a game.” Biglang sabat ni Brent.
“What game?” tanong ng kasama niyang babae.
Kumuha ng isang boteng walang laman si Brent. “Spin the bottle.” He said then cleaned the the table.
Tahimik lang akong nanonood sa kanya. Kung hindi pa ako lasing ay baka umikot na naman ang mata ko sa kanya.
“Game?” tanong ni Brent at nagsi-tango-an naman ang mga kasama namin. “Ako ang nakaisip ng laro kaya ako ang unang magi-spin.” Aniya saka sinimulang paikutin ang bote sa gitna ng mesa.
Mula sa mabilis ay bumagal ang ikot ng bote at unti unting tumigil at nakaturo ang bunganga ng bote sa dereksyon ni Jasper. Habang ang pwetan naman nito ay nakaturo sa babaeng kasama ni Brent.
“Truth or dare?”
“Truth.” Walang paga-alinlangang sagot ni Jasper.
“Where’s the weirdest place you’ve had s*x?”
Agad namang nag-isip si Jasper. “Hmm..at the soccer field...”
“What?” sabay na bulalas nina Brent at Martin at pagkatapos ay natawa.
“Yeah..” kamot ni Jasper ang kanyang batok. Wala namang nakakita samin while doing it.”
Sumama naman ang mukha ng kanyang girlfriend na agad niyang hinawakan sa kamay pero mabilis inilayo ng babae.
“Ang lakas din ng loob mong magshare ng tungkol sa mga ex mo no?!” galit na turan nito saka bahagyang lumayo sa nobyo.
“Hon, matagal na yon. Hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya eh.” Paglalambing ni Jasper habang niyayakap ang babae.
“Pero yung lugar at kung anong ginawa niyo, natatandaan mo pa ganun?”
“So hindi si Cloe ang ka-s*x mo nun?” gulat na tanong ni Brent.
Tumikhim muna si Jasper saka umiling.
“Nung college pa kami no’n. Hindi ko pa nakikilala si Cloe.” Rason niya saka kinuha ang bote. “It’s my turn.” Inikot niya ang bote at tumigil naman itong nakaturo sa kinaroroonan ko.
Bahagya akong napalunok dahil wala akong alam sa larong iyon.
“Truth or Dare?” si Samantha ang nagtanong dahil sa kanya nakaturo ang pwetan ng baso.
“Truth.” Sagot ko na di alam kung tama bang iyon ang pinili ko.
Binasa muna ni Samantha ang kanyang mga labi kaya napataas ang kilay ko.
“Are you not virgin anymore?” muntik na akong matawa pero smirk lang ang nagawa ko. Mas malakas naman ang tawa ng kapatid ko na sinundan ni Jasper. Uminom muli ako ng alak dahilan upang madagdagan ang aking kalasingan. Namumungay na ang aking mga mata.
“What’s that question for?” inis na tanong ni Martin sa babae. “Do you still like him?”
“No, I’m just asking. Alam naman natin di ba? Noon ay walang kahit isang naging girlfriend si Bryce.”
“Sam is right, Martin.” Turan naman ni Jasper. “Malay ba natin kung nagkaroon ng girlfriend after college si Bryce.”
“Sagutin mo na lang kasi kuya.” Sabi ni Brent.
“My answer is no. I’m not virgin anymore.” Matapang kong sagot. Kung wala pang tama ng alak ang katawan ko ay baka umalis na ako doon dahil sa mga walang ka-sense sense nilang tanong.
“Where did you lose your virginity?” muling tanong ni Samantha.
“I already answered your main question.” Sabi ko saka ako naman ang nagpaikot ng bote. Itinuro nito si Brent.
Si Jasper ang nagtanong. “Truth or Dare?”
“Dare.” Sagot ni Brent.
Nag-isip kaagad si Jasper ng ipagagawa niya dito. “Slap someone’s ass.”
“Easy.” Mayabang naturan ni brent.
“We’re not included. Not from us.”
“What?” bulalas ni Brent.
“And it must be a guy.”
“What???” mas malakas na bulalas ni Brent na ikinatawako ng bahagya. “No way!”
“Tsk, Sige na.” tinulak pa siya nina Martin at Jasper.
Napakamot nalang si Brent sa kanyang ulo saka naiiling na lumapit sa mga tao doon. Pinanood namin ang paglapit niya sa isang lalaking nakatalikod.
Nilingon muna kami ni Brent at hindi na maipinta ang mukha dahil sa inis.
“Go Brent!” natatawang sigaw ng babaeng kasama niya.
Nakita kong huminga muna ng malalim si Brent bago bumaling sa lalaking nakatalikod at walang kamalay malay sa presensya niya.
Sa isang iglap lang ay lumagapak ang palad ni Brent sa pwet ng lalaki na siyang ikinabigla nito at ng mga kasama nito.
Humagalpak din ang tawa nina Martin at Jasper. Ako naman ay iiling iling na napangiti na lang.
Ganoon na lang kasama ang tingin ng lalaking pinalo niya sa pwet.
“What the f**k?!!” galit na bulalas nito na ikinaatras ni Brent kasunod ng pagtaas niya ng kamay.
“Sorry bro, napag-utusan lang.” narinig kong paumanhin ni Brent. Biglang nagsilapit sa kanya ang mga kasamahan nito at halatang galit. “Woah, relax lang mga pre. It’s just part of our game..” taas kamay paring sabi ni Brent.
“Pwes, mali ka ng pinagtripan bata.” Sabi naman lalaking kasama ng pinalo ni Brent sa pwet. Malaki ang katawan nito kumpara samin.
Mabilis na pumunta doon sina Jasper at Martin para awatin ang mga ito.
“Hey, bro, look, we were just having a fun game. It’s truth or dare, and we dared him to slap someone’s ass.” Paliwanag ni Jasper. “We apologize if you were offended.”
Masama parin ang tingin ng mga ito. Pero mabilis na hinila nina Jasper at Martin si Brent. Habang ako ay napabuntong hininga nalang. Sanay naman akong nababalitaang may kasuntukan ito sa bar o sa club dahil sa mga kalokohan nito.
Hindi parin sila nakontento at itinuloy parin nila ang laro. Nang sa mga babae naman napunta ang turo ng bote, halos dareang lahat nang napili nila. Naroon ang pag-lap dance ng kasamang babae ni Brent sa kanya na gustong gusto naman niya dahil balak na sana nitong umalis kasama ng babae pero pinigilan nina Jasper.
While Jasper’s girlfriend, Cloe dared to lick his n****e.
“Bryce.” Hindi ko napansin na sa akin ulit nakaturo ang bote. “Truth or Dare?” si Martin.
“Dare.” Wala, para maiba naman.
Martin just smirked. May ibinulong pa sa kanya si Jasper.
“Go to that lady and ask her for s*x.”