THERYZA
TULALA akong pinagmamasdan ang ID na hawak ko. Ito ang luma kong ID na nawala ko noon. Hindi ko alam na naiwan ko pala iyon sa unit ni Bryce.
Napabuntong hininga ako. Ngayong narito na si Bryce, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ang sabi niya ay naroon siya para kay Arya. Maliban doon ay hindi ko alam kung ano pa ang balak niya. Hindi naman ako papayag na kukunin nila sakin ang anak ko.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganon lang kadali sakin ang payagan siyang makita ang anak ko. Gayong malaki ang sama ng loob ko sa kanya dahil sa pagtanggi niya sa ipinagbubuntis ko noon.
Kung alam lang niya ang mga pinagdaanan namin noon ni tita Judith dahil sa ipinagbubuntis ko.
“Miss, do you have medium size of this?”
Nagising ako sa pagkakatulala nang kalabitin ako ng customer sa braso. Bitbit niya ang isang blouse.
“H-Huh? Ah yes mam, nandito po.” sabi ko saka inakay siya sa mga nakahanger na damitan.
Nang matapos iyon ay iiling iling akong bumalik sa pwesto ko kanina.
“Hoy.” Napalingon ako kay Jen. “Ba’t ganyan itsura mo?” Lumapit siya sakin.
Napabuntong hininga ako. “Halata ba ako?”
Tumango siya. “Kanina pa kita napapansing tulala. Baka makita ka ni bakla sis, tiyak na sasabunin ka na naman no’n.”
Muli lang akong napabuntong hininga. Hindi ko pa sa kanya naiku-kwento ang nangyari kahapon.
“Oy sis, ano ba talagang nangyari kahapon? Feeling ko, dahil ito kahapon kaya ka ganyan.” aniya pa. “Sino ba talaga yung pumunta dito kahapon?”
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga.
“Andito siya Jen...” nasabi ko lang.
“Sino?”
“Si Bryce...”
“Bryce? Sinong Bryce?” Tila nag-isip pa siya matapos marinig ang pangalang iyon. Pagkuwa’y bahagyang nanlaki ang mga mata. “Teka, di ba...?”
Napatango naman ako. Natutop niya ang kanyang bibig.
“Nagkita na ba sila ni Arya?”
“Oo, pero kailangan ko pang kausapin ang bata. Ang alam kasi ni Arya, patay na ang tatay niya.”
“Hay naku Elaine, bakit mo naman kasi ginawa ‘yon? Naguluhan tuloy ang bata sa inyo.”
“Tsk, malay ko bang babalik siya para sa bata.” rason ko.
“So anong plano mo? Hahayaan mo ba siyang bumawi sa bata?”
“Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. Hindi pa namin napapag-usapan ang lahat dahil may trabaho ako. Pero dahil nakita na siya ni Arya, wala na akong magagawa kundi ang hayaan siya sa gusto niya. Ang alam ko, gusto ring makita ng ina ni Bryce ang bata.”
“So papayag kang kunin niya at dalhin ang bata sa Maynila?”
“Oo, pero hindi ako papayag na hindi ako kasama. Baka mamaya, hindi na nila ibalik ang anak ko.”
“Oo nga sis, naku, sana lang ay wag matapobre ang biyanan mo. Baka matulad ka nung mga babae sa teleseryeng napapanood ko.”
Napakunot lang ang noo ko. “Anong biyanan ang pinagsasabi mo dyan? Hindi naman kami mag-asawa...” asik ko.
Nang-aasar siyang tumawa. “Hala ka sis, baka pakasalan ka nung Bryce!”
Umikot lang ang mga mata ko. “Heh! Ambot sa imo.” sabi ko saka lumayo sa kanya.
Patuloy lang siya sa pagtawa at inaasar ako.
“Hoy!” Natigilan kami nang biglang dumating ang manager namin. “Oras ng trabaho, nagtsi-tsismisan kayo diyan!”
Napayuko naman kami ni Jen at agad na naghiwalay.
“S-Sorry po sir Jess.”
“Sorry sorry, sa susunod na mahuli ko kayong nagtsi-tsismisan, ipatatanggal ko na kayo!”
“S-Sorry po...” nasabi ko nalang ulit.
Tinalikuran na niya ako pero agad ding humarap sakin matapos ng tila may maalala.
“Siya nga pala, paano mo nga pala nakilala si Mr. Nishimura?”
Agad kong nailapat ang aking mga labi. Si Jen naman ay agad na inilapit ang tainga sa aming direksyon.
“U-uhm, wala po sir, hindi naman po kami ganoon ka close.”
“Mukha nga.” Nakataas ang isang kilay niya. “Sinisigawan mo ba naman si Mr. Nishimura. Sa tingin ko nga ay hindi mo pa siya kilala. Dahil kung kilala mo siya ay dapat alam mong ang kompanya nila ang number one distributor at supplier ng mga clothings dito sa mall na to. Sa tagal mo dito, hindi mo man lang alam na iyang ibenibenta mong mga damit at nanggaling sa kanila!” mahabang litanya niya. Wala akong nagawa kundi ang mapayuko lang. Sanay naman ako sa bunganga niya. Palagi nalang niya akong senisermonan. Inggit siguro sa ganda ko. “At sa susunod na pumunta ulit dito si Mr. Nishimura, wag na wag mo siyang sisigawan, naiintindihan mo? Ayukong masira ang mall na to nang dahil sayo. Hmp!”
Napabuntong hininga nalang ako nang umalis na siya sa harap ko. Si Jen naman ay nagmadaling lumapit sakin dala ang isang damit.
“Kaloka ka, totoo nga!” aniyang pinakita pa sakin ang tag ng damit kung saan nakasulat ang kompanya nina Bryce. “Ba’t di mo man lang sinabi sakin?”
“Malay ko ba, hindi ko din alam. Ngayon ko lang din nalaman.”
“Ambot sa imo day oy!” singhal niya. “Kadugay na nato diri, dili man lang nimo gibasa ni?”
“Malay ko nga di ba?” asik ko at tinaboy siya. “Bumalik kana nga ro’n. Pag nakita na naman tayo nung baklang yun, sasabunin na naman tayo.”
“Ay ambot natong bayuta to. Feeling girlalo!” ungot niya habang naglalakad pabalik sa kanyang pwesto.
Huminga muna ako ng malalim bago ngumiti at binati ang mga bagong dating na customer.
SUMAPIT na naman ang gabi. Pagod na naman akong bumiyahe pauwi.
“Dito na ako Jen, babye.” paalam ko sa kanya nang bumaba kami sa tricycle at maghiwalay dahil magkaiba ang aming ruta sa kanya-kanya naming bahay.
“Babye, sis.”
Naglakad ako ng ilang segundo bago makarating sa aming bahay. Pero natigilan ako nang makita ko ang pamilyar na kotse sa tapat ng aming bahay.
Agad akong pumasok at nabungaran ko siya sa aming sala.
“O?” bulalas ko nang makita ang sandamakmak na laruan sa sahig at sa aming lumang sofa.
“Mama!” Mabilis na tumakbo palapit sakin si Arya at niyakap ako. Nakangiti siyang pinakita sakin ang isang barbie doll.
“Anak, ba’t ang dami mong laruan?”
“Si Daddy Bryce po, Mama. Bumili siya ng maraming laruan para daw po sa’kin.” tuwang aniya at niyakap pa ang kanyang barbie.
“Daddy Bryce?” nasambit ko.
Inosente naman siyang napatango. Napatingin ako kay Bryce. Nagkibit balikat lang siya at ipinagpatuloy ang kanina niya pa yatang ginagawang doll house.
“Pwede po pala dalawa papa, mama?”
“Ha?” kunot noong tanong ko.
Napakamot naman siya sa kanyang ulo. “Sabi kasi niya, daddy ko siya, eh may papa na ako ‘di ba? Nasa heaven nga lang...”
Napailing nalang ako sa sinabi ng anak ko at muling napatingin kay Bryce.
Doon ay nagkatinginan kami saglit. Umiwas ako ng tingin at napabuntong hiningang nagtungo sa kusina. Agad kong naabutan doon si tita Judith na nagluluto. Napakunot noo naman ako nang makita ang maraming nakasupot ng plastic bag sa lamesa.
“Oh, nariyan ka na pala. Magbihis kana’t nang makapaghapunan na tayo.” Aniya pagkalingon sa akin.
Lumapit ako sa mga plastic bags at sinilip ang mga iyon. Alam ko na kung saan galing ang mga iyon.
“Tita...” pabuntong hiningang sabi ko.
“O, ‘wag kang magagalit.” aniyang lumapit. “Pilit niya akong tanggapin ang pera saka nakakahiya kung wala akong maipakain sa kanya. Sobrang laki ng halagang ibinigay niya kaya naisipan ko na lang mag-grocery na rin.”
Napailing na lang ako.
“Ano ka ba. Hayaan mo na lang ‘yong taong tumulong. Tutal para naman iyon sa anak niyo.” aniya pa. “Sige na, magpalit ka na para matulungan mo akong maghanda dito.”
Napatango na lang ako at lumabas na ng kusina. Bago ako makaakyat sa kwarto namin ni Arya, nakita kong naglalaro ang mag-ama. Sa puntong iyon, nakita ko kung gaano kasaya si Arya. Paano pa kaya kapag sinabi ko na sa kanya ang totoo.
Nagtungo na ako sa aming kwarto at nagpasyang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong bumaba.
“Hay naku, sa tagal mo, tinulungan na ako ni Bryce maghanda ng mga pagkain.” ani tita Judith. Nakahanda na nga ang mesa at akma na silang uupo. “Halika na dito.”
Wala naman akong nagawa kundi umupo sa nag-iisang bakanteng silya sa tabi ni Bryce dahil okupado nina Tita Judith at Arya ang dalawang upuan sa kabila.
Napalingon ako nang bigyan akong plato at kutsara at tinidor ni Bryce. Tumikhim ako nang makita ang ngiti niya.
“S-Salamat...” Binalingan ko si Arya na kanina pa palang tutok ang tingin sa amin ni Bryce. “Uhm, anak, pray na tayo?”
“Sige po, mama.” aniyang ipinagdikit ang mga palad saka pumikit at nagsimulang magdasal.
Napansin ko naman si Bryce na agad na binitiwan ang kanyang kutsara at tinidor at ginaya ang ginawa ni Arya.
Nailapat ko ang aking mga labi upang pigilang mangiti at pinaglapat din ang mga palad saka ipinikit ang mga mata.
“Papa God, maraming salamat po sa mga maraming pagkain po ngayon. Salamat din po dahil dumating po si Daddy Bryce para bigyan ako ng maraming laruan. Sana po pwede ko siyang maging totoong Daddy, Papa God please...”
Bigla akong napamulat dahil sa sinabing iyon ni Arya. Awtomatiko akong napalingon kay Bryce at natigilan akong makitang nakatingin din pala siya sa akin. Sandali kaming parehong napatitig sa isa’t isa, tuloy ay nawala sa atensiyon ko ang dasal ni Arya.
“...wag mo po kami pababayaan, Papa God ha, alagaan mo po si Mama, saka si Lola, pati na din si Daddy Bryce dahil mabait siya sa’kin eh...”
Ganoon na lang ang pagtawa namin ni Bryce matapos sabihin iyon ni Arya.
“Amen.” pagtatapos ni Arya.
“Amen.” sabay sabay naman naming tugon nina Bryce at Tita Judith.
“Kumain na tayo.” sabi ni Tita Judith. “Bryce, pagpasensyahan mo na at ito lamang ang nailuto kong potahe ha. Masyado na kasing gahol sa oras. Sana lang ay magustuhan mo ang mga niluto ko...”
“It’s okay, Tita.” nakangiting sabi ni Bryce saka kumuha na ng kanin at menudo. “It’s good though...” puri niya saka muling kumuha potahe. “Masarap po kayong magluto, Tita.”
“Salamat naman kung gayon.”
Nagsimula na rin akong kumain. Nakita ko naman na maganang kumain si Arya. Bukod sa hindi pa niya natitikman ang ilan sa mga pagkaing iyon ay marami-rami rin ang niluto ni Tita. Napangiti ako dahil halata sa kanyang masaya siya sa gabing ito.
NANG matapos kaming kumain ay dinala na ni Tita Judith si Arya sa itaas para linisan at bihisan bago patulugin. Kaya naman naiwan kami ni Bryce sa sala.
Ilang segundo muna kaming walang imik. Ako naman ay nasa baba lang ang tingin at nakikiramdam. Hindi ko kasi alam kung paano iyon simulan. Hindi rin naman kasi kami ganoon katagal nagkasama.
Maya maya ay tumikhim si Bryce. “Ahm, if you don’t mind. Can I take Arya to the mall tomorrow? Pwede ka ring sumama.”
Nilingon ko siya. “Pero may trabaho ako bukas...”
“I can talk to your boss. He’s a friend of mine.”
Napabuntong hininga ako. “Oo nga pala...” iiling-iling na sabi ko. “S-Sige.”
“Thank you, Theryza.”
Napatingin ako sa kanya. “Thank you saan?” tanong ko.
Makahulugan siyang ngumiti. “For allowing me to see and be with Arya.” narinig ko ang buntong hininga niya. “Masyadong malaki ang kasalanan ko sa’yo and I know I don’t deserve to be the father of Arya.”
Tipid lang akong napangiti. “Nakita mo naman si Arya kanina ‘di ba? Sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasaya. Alam kong hindi lang iyon dahil sa laruan. Alam kong dahil din iyon sa’yo.”
Nagkasalubong muli ang aming paningin. Ako ang unang umiwas.
“My mother is so excited to see her. Siya kasi ang unang apo.”
Napangiti muli ako. “Huwag kang mag-alala, sabay nating sasabihin sa kanya ang totoo bukas.
Napangiti siya.
“Salamat...” Ilang segundo muli kaming natahimik. Maya maya ay tumayo na siya. “I have to go. I know your tired...”
“Mm.” Tumayo na rin ako. Inihatid ko siya sa labas hanggang sa paglabas niya sa maliit naming gate.
Bago niya buksan ang pinto ng kanyang sasakyan ay humarap muna siya sa’kin.
“I’ll come here tomorrow morning. Pakisabi na lang kay Tita, salamat sa dinner...”
“Sige..., i-ingat...”
“I will.” aniya’t tuluyang nabuksan ang pinto. “Bye, Theryza.”
“Bye...”
Tuluyan na siyang nakasakay sa kanyang sasakyan. Bumusina pa siya bago lubusang pinaandar papalabas ng aming lugar.
Napabuntong hininga akong bumalik papasok ng bahay. Pag-akyat ko sa aming kuwarto ay mahimbing nang natutulog si Arya.
Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Marahan kong hinaplos ang ulo at inayos ang mga hiblang nagkalat sa mukha niya. Bahagyang kumibot ang nguso niya kaya napangiti ako.
Mabigat muli ang naging paghinga ko nang maalala ko ang mga sandaling naghirap ako sa pagbubuntis at panganganak kay Arya.