CHAPTER SIX

1559 Words
THERYZA FOUR YEARS AGO... NAGISING ang diwa ko nang makaramdam ako ng mabigat na bagay sa aking katawan. At mas nangunot pa ang noo ko nang makapa ko ang bagay na may kahabaan at matigas. Kinapa ko iyon at mas pinakiramdaman. Natigilan ako sa aking ginagawa nang makarinig ako ng ungol sa aking tabi. Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata at unang tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaking natutulog. Muntik na akong mapatili sa gulat pero agad ko ring pinigilan ang sarili at nanatiling hindi kumikilos. Lalo na nang mapagtanto kong nakayakap siya sa akin. Napalunok ako at nanlalaki ang matang napatingin sa kisame. Pero nang maalala ko ang nakapa ko kanina ay agad akong napatingin sa ibaba. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita sa ispadang iyon. Marahas akong napapikit at ibinalik ang tingin sa kisame. Tila hiningal ako sa bilis ng t***k ng puso ko nang dahil lang doon. Naisip kong kailangan kong makaalis doon bago siya magising. Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa aking tiyan. Halos hindi na ako humihinga para lang hindi siya magising. Tagumpay kong naiangat ang kanyang braso ngunit bigla nalang siyang umungol at gumalaw. Nakahinga ako nang maluwag nang tumalikod siya sa akin at muling natulog. Dahan dahan muli akong kumilos para bumangon sa kama. Nang mababa ako ay patingkayad akong naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Nakita ko ang aking damit at bra sa lapag kaya kinuha ko iyon. Sinulyapan ko muna ang lalaking nakadapa na at walang kahit anong saplot. Napabuntong hininga ako at hindi makapaniwalang nakipagtalik ako sa lalaking ito. Agad ko siyang tinalikuran at lumabas na ng kanyang kwarto at hinagilap ang iba ko pang damit. Nakita ko ang aking palda at panty sa baba ng sofa. Nakita ko naman ang pantalon at boxer ng lalaki sa tapat ng pinto. Tuloy ay rumehistro sa utak ko ang pangyayari kagabi. Napahawak ako sa aking dibdib at natutop ang aking dibdib nang maalala ang ginawa ko sa kanya kagabi. Nagawa ko ba talaga yun? hindi makapaniwalang sabi ko sa isip. Dali dali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay tinanaw ko ang pinto ng kwarto ng lalaki. Napalunok ako bago nagpasyang lumabas na ng kanyang condo. MAKALIPAS NG ILANG LINGGO... “Miss!” Nag-angat ako ng tingin sa aming customer. “Y-yes, ma’am?” “Kanina pa akong nagtatanong sa’yo kung may iba pa kayong kulay nito pero parang tulala ka naman diyan!” galit na sabi ng babae kaya napayuko agad ako. “S-sorry po, ma’am.” “Sorry sorry, wag na nga lang!” aniya saka padabog akong nilayasan. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam ang nangyayari sakin. Parang wala akong gana sa araw na iyon. “Hoy, day.” nilapitan ako ni Jen. “Unsa man to? Bakit nagalit yun?” “Hindi ko kasi napansin ang customer, Jen. Ewan ko ba, natulala ako.” “Ano bang nangyayari sa’yo?” Tiningnan niya ang mukha ko at maya maya ay bigla nalang itong pinanlakihan ng mata. “Hala ka, sis, bakit ang putla mo?” nag-aalalang aniya na ikinatigil ko naman. Kinapa ko pa ang mukha ko na para bang malalaman kong maputla ako sa pamamagitan niyon. “Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, Jen. Parang ang hina ng katawan ko at wala akong ganang gumalaw.” “Hala, sis, baka sa sobrang pagod yan. Baka na-over fatigue ka.” “Jen, pwede mo ba akong samahan, magha-half day muna ako.” “O sige, day, tara.” Sinamahan niya akong magtungo sa office ng aming department head. Mabuti na lang at pumayag ang boss namin na umuwi ako dahil napansin niya rin na hindi maganda ang kulay ko. “Salamat, Jen.” sabi ko nang ihatid niya pa ako sa sakayan sa tapat ng mall. “Sige, day, ingat ka pag-uli. Magpahinga ka ha?” Tumango ako at nagpaalam na sa kanya saka sumakay sa jeep. “ANONG NANGYARI SAYO?” nagulat si tita Judith pagkakita sa itsura ko nang pumasok ako sa bahay na nanghihina. “Masama lang ang pakiramdam ko, tita. Sige po, aakyat na muna ako sa taas.” “O sige, pupuntahan kita doon para painumin ng gamot. Baka may trangkaso ka.” “S-sige po...” Umakyat na ako sa aking kwarto at agad na humiga sa aking kama. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko dahil sa hilo. Ilang minuto akong naka-idlip at nagising lang nang marinig ko ang pagpasok ni tita Judith. “Isay, ito na ang gamot. Pero humigop ka muna nitong noodles na niluto ko.” Pinilit kong bumangon at umupo sa kama. Inabot niya sa akin ang noodles at sinimulan ko iyong kainin. Pero bago pa man iyon nangalahati ay naramdaman kong masusuka ako kaya naman natakpan ko ang aking bibig at dali daling ibinigay sa kanya ang mangkok ng noodles at patakbong bumaba sa hagdanan patungo sa banyo. “Isay!” narinig ko pang tawag ni tita na alam kong sinundan ako. Dali dali akong yumuko sa inidoro at doon naisuka ang mga kinain ko. Ilang beses kong naramdaman na parang pumapaitaas ang bituka ko kaya matagal akong nakayakap sa inidoro. “Ano bang nangyayari sayo?” may himig nang pag-aalala si tita kaya naman napakunot ang noo ko dahil hindi ko rin maintindihan ang pakiramdam na iyon. Parang ngayon lang kasi iyon nangyari sa akin. “Buntis ka ba?” Natigilan ako at gulat na nilingon si tita. Kinabahan ako nang makitang salubong ang kilay niya. “T-tita...” “Ngunit imposibleng mabutis ka. Wala ka naman nang nobyo.” Sandali akong nag-isip. Ngayon ko lang naalala na hindi na ako dinadatnan sa mga nagdaang linggo. Imposible... Napalunok ako nang maalala ang gabing may nangyari sa amin ng lalaking iyon. Natutop ko ang aking bibig at kinabahan ng todo sa naisip. Hindi kaya... Marahas akong umiling ng umiling. Hindi pwedeng mangyari yun. Mabuti na lang at hinayaan na ako ni tita Judith at hindi na nagtanong ng kung ano ano. Magdamag akong hindi nilubayan ng isipin sa nangyayari sakin. Paano nga kaya kung buntis ako? Napakalaking problema niyon at natatakot akong malaman iyon ni tita Judith. Nahihiya ako sa kanya dahil nagawa ko ang isang bagay na hindi dapat ginagawa ng mabuting babae. Pagsapit ng hapon. Kataka takang bumuti agad ang aking pakiramdam at wala ni isang sintomas na may karamdaman ako. Nang umalis saglit si Tita Judith ay pumuslit ako upang bumili ng Pregnancy Test. Dali dali din akong umuwi upang huwag maabutan ni tita Judith na wala ako roon. Hahangos hangos pa akong nakarating sa bahay at naghintay na makaramdam akong maiihi. At ilang minuto lang ay naiihi na ako kaya agad akong pumasok sa banyo at inihanda ang PT. Nang tagumpay kong naisagawa ang gagawin ay hinintay ko ang resultang iyon nang hindi tinitingnan. Ilang segundo muna akong huminga ng malalim bago tiningnan ang resulta. Pagkakita ko palang sa dalawang guhit ay napaupo na ako sa inidoro dahil tila nanghina ang tuhod ko. Natutop ko ang aking bibig at nabitawan ang aparato. Doon ay bumuhos ang aking luha at pinagsisihan ang mga nangyari. Kung hindi lang ako naging tanga at desperada ay hindi mangyayari iyon. Napahagulgol ako sa isiping iyon. Hindi ko na alam ang aking gagawin sa mga oras na iyon. “A-anong gagawin ko!” nasambunutan ko pa ang sarili kong buhok dahil sa inis ko sa sarili ko. “Isay?” Natigilan ako nang marinig ko ang pagtawag sa labas ni tita Judith. “T-tita?” sagot ko at mabilis na pinunasan ang mga luha sa mukha ko. “Ayos ka lang ba?” “O-opo.” napalunok ako nang pilit kumakawala sa bibig ko ang hagulgol. Dinampot ko ang PT at itinapon iyon sa basurahan. “Matagal ka pa ba diyan? Naiihi na kasi ako.” Mabilis akong kumilos at inayos ang sarili. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang banyo at lumabas. “Mabuti na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito na sinilip pa ang aking mukha kaya kinabahan ako. “O-opo tita. Sige po, aakyat na po ako...” “Sige, magpahinga ka pa.” Mabilis akong umakyat sa aking kwarto at doon ibinuhos muli ang mga luha. “Ang tanga tanga mo talaga, Theryza!” inis na singhal ko sa sarili ko. Pero wala na akong magagawa. Huli na ang lahat, buntis ako at ang lalaking isang gabi ko lang nakita at nakilala ang siyang ama ng dinadala ko. “Theryza!” Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni tita. Agad na nanginig ang buo kong katawan nang paulit ulit niya iyong kinakatok at halata sa tono niya ang galit. “Theryza, buksan mo to!” “T-tita...” muli akong napahagulgol. Alam kong nalaman na niya iyon. Tinatawag lang niya akong Theryza kapag galit siya sa akin. “Buksan mo ‘to at mag-usap tayo.” naging mahinahon ang kanyang tinig kaya naman napabuntong hininga ako. Naglakad ako sa tapat ng pinto at kabadong binuksan iyon. Agad na tumambad sa akin ang galit na itsura ni tita habang hawak ang aparatong ginamit ko kanina. “T-tita..” muling nangilid ang mga luha ko. “Tatanungin kita ng isang beses, Theryza. Buntis ka ba?” Napalunok akong tumango. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil sa kahihiyan. “O-Opo, tita...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD