5

1524 Words
Lumipas ang buong school week na hindi man lang namalayan ni Crimson. Inaya siya ng mga co-teachers niyang mag-swimming sa weekend dahil holiday sa Lunes. Kung susundin niya ang tunay niyang gusto, hindi siya sasama—maaaring bumalik si Carmine sa condo niya, at ayaw niyang wala itong maabutan doon. Pero dahil sa insidenteng nangyari noong huli silang nagkita, mas pinili niyang sumama na lang sa outing. "Bukas, ah! We'll pick you up by 9 AM," paalala sa kanya ni Yana bago humalik sa pisngi niya. "Sure. See you tomorrow." Nagpaalam na siya sa mga co-teachers niya at lumapit kay Ryan, na naghihintay sa entrance ng building bitbit ang kanyang bag. "Ingat kayo bukas, Ma'am." Inabot nito sa kanya ang bag. "Thank you." Kinuha niya ang bag mula dito. "Check mo ulit schedule mo, baka makasama ka. Those two girls want you to join us." Turo niya sa van kung nasaan ang kanyang co-teachers. "Sila lang? Ikaw, Ma'am, ayaw mo ba akong kasama?" Tinaas-baba pa nito ang kilay, dahilan para matawa si Crimson. "Stop flirting with me, they're waiting for you," pabiro niyang tinulak ito sa balikat. "May number naman ako sa 'yo, kontakin mo ako kapag gusto mo akong sumama. Basta ikaw, ike-clear ko ang schedule ko." Wala nang naisagot si Crimson dahil hindi siya sanay makipaglandian. Mabuti na lang at tinawag ng co-teacher niyang si Nadz ang atensyon nila. "Oy, nagseselos na sina Yana at Ellie! Tama na paalaman, guys!" Napatawa si Ryan. "Una na ako, Ma'am. Text me, ah." Hinawi nito ang buhok niya—na nakawala sa kanyang headband—papunta sa likod ng tenga bago tumalikod. Sumilip siya sa loob ng van at nakita sina Yana at Ellie, kunwaring galit habang nakapamewang at nakakunot ang noo. "Lulunurin ka namin bukas!" sabi ni Ellie. "Oo, lulunurin ka namin!" sabad ni Yana. "Pero sumama ka pa rin kahit lulunurin ka namin... kasi ikaw ang magdadala ng kare-kare," dagdag nito, sabay tawanan nilang lahat. "I'll see you girls tomorrow!" Umakyat na siya noong makaalis na ang van. Kailangan niya pang tapusin ang kanyang school reports, pati nadin ang updates para sa mga patrons niya. She can't relax, dahil kailangan niya pang mamili ng ingredients para sa kare-kare. Sa kanya ito nakatoka dahil kilala siyang pinaka-marunong mag-luto sa kanilang apat. Pagkauwi, nagbihis lang siya at umupo sa harap ng kanyang PC. Nang tumingin siya sa orasan, 4:30 PM na. Binigyan niya lang ng dalawang oras ang sarili para matapos ang kailangan niyang tapusin—ayaw niyang maabutan ng pagsasara ng supermarket. - - Pinatunog niya ang mga daliri habang binabasa ang report bago niya i-submit. Nauna na niyang i-post ang updates para sa kanyang subscribers dahil mas madali iyon gawa ng mga raw files na inihanda niya. Binasa lang niya para masigurong walang typos, tapos ay ready to post na ang mga ito. Matapos masigurong nai-email na niya lahat ng reports, kinuha na niya ang kanyang purse at eco bag. Labag man sa loob niya, naglakad siya palabas ng unit niya—lumabas ng kanyang beloved comfort zone. Isa sa pinakaayaw ni Crimson ay ang lumabas. Ang katotohanang nasa school siya 9-10 hours a day ay sobra-sobra na; hindi na niya kailangan pang gumala para mamili. Kaya halos lahat ng grocery shopping niya ay ginagawa niya online—maliban na lang kung fresh meat at produce ang kailangan niyang bilhin. Isa siya sa mga taong hindi natuwa sa pag-lift ng pandemic restrictions. Mas gusto niyang required na hindi lumabas ang lahat ng tao, pero alam niyang hindi iyon possible at feasible para sa lahat. Pagbukas ng elevator, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa lobby. Para kasing may mga matang nakamasid sa kanya. Guard at receptionist lang naman ang nandoon, kaya hindi na niya pinansin at nagmamadaling lumabas para hindi masaraduhan ng grocery store. Halos sampung talampakan na lang ang layo niya sa entrance ng store nang biglang may humawak sa kanyang pulso. Agad niyang hinila palayo ang braso, pero bago pa siya makasigaw, nasilayan niya ang pamilyar na mukha. Naka-mask ito, pero parang nakita na niya ang singkit at pilyong mga mata nito noon. "Hi, Ma'am." Binaba ng lalaki ang mask at sumilay kay Crimson ang ngisi nito. Kilala niya nga—ang pizza delivery rider na napagkamalan niyang manyakis dati. "H-Hi..?" "Sa wakas, naabutan na kita." Malaki ang ngiti nito. "What?" Kinilabutan siya sa sinabi nito. "Mag-grocery ka po?" Nguso nito sa hawak niyang eco-bag, hindi pinansin ang tanong niya. "Huh?" Muli ay humawak ito sa pulso niya at hinila siya palapit. "'W-Wag.." Tinukod ni Crimson ang isang palad sa dibdib ng lalaki para sana itulak ito palayo, nang may biglang dumaang mga tao sa likod niya. Napahiyang bumuntong-hininga si Crimson at umusog lalo palapit sa lalaki. Akala niya ay hinila siya nito para mag-kadikit sila, pero nakaharang lang pala siya sa daan. Inalis niya ang kamay na tumutulak sa dibdib nito at nag-hintay na makadaan lahat ng tao sa likod niya. Halos madikit ang mukha ni Crimson sa dibdib ng lalaki. Nakatingin lang siya sa t-shirt nito, natatakot siyang tumingala dahil ramdam niya ang mga titig nito sa kanya. Sinulit naman iyon ng lalaki. Ngayon lang niya nakita si Crimson nang naka-casual. Gusto niya kapag naka-uniform ito, pero iba ang datingan nito sa pambahay—para itong lalong bumata. Ang suot nito ay white shorts at mint green t-shirt na may malaking strawberry shortcake print. Medyo may kaluwagan ang kwelyo ng t-shirt nito, hindi niya maiwasang mapatingin sa dibdib nito na nakasilip. "n****e tape." Ngumisi siya sa naisip. Wala siyang natatanaw na bra, at nang saglit na dumikit ito sa kanya kanina, hindi niya naramdam ang mga n*****s nito. "Hey, I have to go.." Bumalik siya sa huwisyo ng hinila ulit ni Crimson ang braso mula sa pagkakahawak niya. Hinigpitan niya 'yon. "I'm Ed. Anong first name mo, Ms. Ching?" Pilit na pakikipag-kilala niya. "H-How..." Napa-nganga si Crimson, halata ang pag-tataka sa mukha. "'Yong nag-order po ng pizza, sabi sa app si Ms. Carm Ching daw po. 'Yong kamuka niyo?" Pwersahan nang hinila ni Crimson ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Hindi ito naka-uniform ng pizza shop tulad ng una nilang pagkikita. Kaya nakakapag-taka kung bakit ito nandito? Bakit inaalam nito ang pangalan niya? "L-Let me go." "Gusto ko po kayo, Ma'am." Napangiwi si Crimson. Hindi ito ang unang beses na may nagtapat sa kanya, pero ito ang unang beses na ganito ka-direct... at kabata. "Y-You don't know me, Ed." Sinulyapan niya ang wristwatch, kinagat niya ang labi sa inis ng ma-confirm na sinisira ni Ed ang schedule niya. "Pwede ko po kayong kilalanin, tapos kilalanin niyo rin ako. Please." Cute si Ed. At kahinaan ni Crimson ang cute na bagay... o tao. Kagaya ni Carmine dati. Carmine nanaman? Huminga siya ng malalim at tinitigan ang mukha ni Ed para idistract ang sarili. Hindi ito nag-aaral o nag-tatrabaho sa school na pinagtuturuan niya, hindi naman siguro ito magiging abala sa professional life niya. Hindi tulad ni Ryan. Huminga siya ng malalim. "Ilang taon ka na, Ed?" "20 po. Ikaw?" Bata pa ito. For sure, hindi pa ito naghahanap ng seryosong relasyon, hindi katulad ng ibang mga lalaking nagparamdam sa kanya. Perfect opportunity ito para may mapagtuunan siya ng pansin at panahon, maliban sa kakambal. "I'm 28." Ngumiti siya at humawak sa braso ni Ed. "And I'm Crimson." Lumiwag ang mukha ni Ed. Mas tumamis pa ang ngiti nito. "Ma'am Crimson." Hinawakan nito ang kamay niya. "Crush po kita, simula pa noong una kitang nakita sa elevator. Since that day, inaabangan na kita sa labas ng condo mo." Dire-ditetsong pag-amin nito. "Is that right?" Crimson commented. Creepy, oo. This is some stalker behavior. Pero bata lang si Ed. Ganon siguro talaga kapag bata, kaya pinili ni Crimson na hindi masyadong pansinin ang sinabi nito. Hinila niya ito para isama mamili. "I'm gonna buy some stuff. Tell me more while we're inside." "Okay po." Dinakma ni Ed ang kamay ni Crimson at pinag-krus ang mga daliri nila. "Ang lambot ng kamay mo, Ma'am Crimson. Sa wakas, sulit pag-hihintay ko araw-araw." Masaya si Crimson sa natatanggap na atensyon. Ngayon, pina-paramdam ni Ed sa kanya na may ibang taong nangangailangan at nagka-kagusto sa kanya. "Bakit ka naghihintay araw-araw sa akin, Ed?" She smiled. "Para masulyapan ka po. Alam ko na routine mo, kaya alam kong hindi ka na nalabas kapag nakauwi ka na." Kwento nito. "'Yong driver, mukang may gusto sa 'yo... " Bakas ang selos sa boses nito. "Hmm.." Hindi niya maiwasang matuwa sa tila ba'y obsession nito sa kanya. "You worked hard. Ganito," Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Ed bago ito inilagay sa hawakan ng shopping cart. "Help me get groceries and cook something, then I'll reward you. Okay?" Napanganga si Ed, na-eenjoy niya na tila ba tinatrato siya ni Ma'am Crimson bilang isa sa mga estudyante nito. Kanina lang ay nag-hihintay siya sa lobby ng condo, umaasang masulyapan ang kanyang crush. Kaya naman ngayon ay halos hindi siya makapaniwala na inaaya siya nito na umakyat sa unit nito para mag-luto. Sunud-sunod ang pagtango niya. "Good. Come," Ngumiti ng matamis si Crimson at nag-simulang maglakad. Sumunod agad si Ed. "Good boy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD