9

1257 Words
Sa loob ng sasakyan, ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tunog ng radyo at ang ingay ng hangin sa labas. Medyo basa pa ang buhok ni Crimson, amoy chlorine pa rin kahit naligo siya bago umalis sa resort. Dalawa na lang sila sa sasakyan dahil nauna nang maihatid ang kanyang co-teachers. Walang nagsasalita sa kanila. Ryan kept his eyes on the road, pero kita ni Crimson sa gilid ng paningin niya na paminsan-minsan itong sumusulyap sa kanya. Parang may gustong itanong. "Okay ka lang ba diyan?" tanong ni Crimson para basagin ang katahimikan sa pagitan nila. "Oo naman." Ryan cleared his throat. "Medyo pagod lang siguro." "Hindi ka ba natulog kagabi? Thank you sa pagbabantay sa amin, ah." "Okay lang 'yon. Nakatulog naman ako kahit paano, pero ilang beses kasing sumuka si Yana kagabi." Napakamot si Ryan ng ulo noong naalala ang mga lasing na teachers kagabi. "Kami ang mga babae, pero kami pa ang lasing na lasing." Sumandal si Crimson at pumikit. "Buti na lang talaga sumama ka, Ryan." Ilang taon na niyang kakilala si Ryan. Simula pa lang, mabait ito, pasensyoso, masipag, at maaasahan. Kung sana ay kaya niyang ibaling ang nararamdaman kay Ryan, magiging masaya kaya siya ngayon? "Stressed kasi kayo. Ang hirap ng trabaho ng mga teachers, chance niyo na 'yon para mag-enjoy. Masaya akong nasamahan ko kayo." "You're so nice, Ryan," bulong niya. Narinig ito ni Ryan, pero hindi ito sumagot. Bumalik ang katahimikan. Ramdam ni Crimson ang kakaibang awkwardness sa pagitan nila. Nagsimula ito noong ibinunyag niya kagabi ang kakaibang s*x experience niya, at nang ginatungan ito ng mga co-teachers niya na baka raw babae ang nag-paranas noon sa kaniya. Tandang-tanda ni Crimson kung paano siya tinitigan ni Ryan kagabi. Crimson leaned her head against the window, pinagmamasdan ang dumadaang mga poste ng ilaw. Siguro maganda na ring isipin ni Ryan na lesbian siya, baka mawalan na ito ng gana sa kanya at tigilan na siya. Naaawa din naman kasi siya kay Ryan, masyado itong mabait para lang umasa sa isang babaeng tulad niya. Kung alam lang siguro ni Ryan lahat ng kabaliwang pinag-gagawa niya sa buhay, baka kahit tingnan siya ay hindi na nito magawa. Nanatili silang tahimik hanggang sa nakarating sila sa condo ni Crimson. Sumulyap siya sa kanyang relo at nakitang 11 AM na. "Salamat sa paghatid," sabi niya habang bumababa ng sasakyan. Pero bago niya maisara ang pinto, bumaba rin si Ryan at inikot ang sasakyan para kunin ang bags niya sa likod. "Hatid na kita hanggang lobby," alok nito, hindi na siya binigyan ng pagkakataong tumanggi. Napangiti siya. "Pwede namang sabihin mo na lang na gusto mo akong makasama ng mas matagal." Biro niya dito. Halata ang gulat sa mukha ni Ryan bago ito umiwas ng tingin. "Alam mo naman na 'yon," sagot nito, namula ang mga pisngi. Naglakad sila papunta sa lobby. Pagdating doon, tumigil si Ryan at iniabot sa kanya ang gamit niya. "Ingat ka pag-akyat." She looked at him, amused. "Ikaw rin." Pero pagkatapos sabihin 'yon, hindi pa rin umalis si Ryan. Malalim ang titig nito sa kanya, parang may gusto pang sabihin. Hindi na napigilan ni Crimson. "Parang kanina ka pa may gustong sabihin, Ryan." Lumunok ito ng mariin, parang naghahandang magsalita. Pero sa bandang huli, umiling lang ito. "Wala." "Are you sure?" Tumango ito, kahit pa halata sa mukha nito na may gusto talaga itong itanong sa kanya. Napangiti na lang si Crimson at hindi na nagpumilit pa. As a reward for his efforts—she leaned in and pressed a quick kiss on his cheek. Kitang-kita niya kung paano nanigas ang katawan ni Ryan. "Thank you ulit, Ryan." She smiled. "I'll see you tomorrow." "T-Thank you..." Namula ang mukha ni Ryan, at sa wakas, ngumiti ito. Nang tuluyan silang nagpaalam sa isa't isa, sumakay na si Crimson sa elevator. Noon niya naramdaman ang pagod, kaya napasandal siya sa dingding habang hinihintay na ma-reach ang kanyang floor. Tahimik. Masyadong tahimik. 'Yon agad ang naisip ni Crimson pagkabukas pa lang ng pinto ng kanyang unit. Nawala agad ang init ng weekend. Ang ingay ng mga kaibigan niya, yung tawanan, yung asaran—lahat naiwan sa resort. Ngayon, ang bumungad lang sa kanya ay ang malamig na hangin sa loob ng kanyang tahimik na condo. She immediately put her items away bago umupo sa kama. At sa unang pagkakataon mula noong weekend, she looked at her phone. As expected, wala ni isang tawag o text mula kay Carmine. Her mom sent her a few text messages though, na hindi niya nireplyan. Bukod sa mga text ng kanyang ina, may mga text din siyang natanggap mula kay Ed. Hindi niya napigilang mapangiti nang mabasa ang mga ito. Ed: Hello, Crimson. Thank you for last night. Ed: When can I see you again? Ed: Hello, Crimson. Ed: I miss you po, Crimson. Nakakapanibagong makatanggap ng ganitong klaseng atensyon. Sanay siyang naghihintay sa wala, kaya parang nao-overwhelm siya sa sunod-sunod na texts ni Ed. Humiga siya sa kama, pilit nire-relax ang katawan. Medyo lutang pa rin siya sa pagod at hangover. Idagdag pa na parang nakakabingi ang katahimikan ng condo niya ngayon. Nasanay ang tenga niya sa malalakas na tawanan at kwentuhan ng mga kaibigan niya. Sinilip niya ulit ang phone nang tumunog ito. Another message from Ed. Ed: May nagawa ba akong mali? Napakagat siya sa labi, pinaglaruan ang phone. Hindi niya ito sinagot buong weekend because she was preoccupied. Sa lahat ng tao sa buhay niya, parang kay Ed lang siya walang nararamdamang pressure. Pakiramdam niya, kahit anong malaman ni Ed tungkol sa kanya, hindi magbabago ang tingin nito sa kanya. Nakunsensya tuloy siya na hindi niya ito nireplyan. Idagdag pa ang nararamdam niyang loneliness, bigla niyang namiss si Ed. Crimson: I'm sorry. Drop by later. 7 PM. Hindi pa niya naibaba ang cellphone nang nag-reply agad si Ed. Ed: Okay! Napailing siya at nilock ang phone. Ed's cute, and he wants her. He makes her feel precious. Pero wala siyang balak isipin kung anong meron sila. She just needed a distraction. Something—someone—to fill the silence. Crimson believes she is doing Ed a favor, too, by giving him what he wants. Nakaramdam ng antok si Crimson habang naka-higa. Eventually, the events of the past weekend caught up to her. Tuluyan siyang nakatulog dahil sa pagod. Ding-dong. Nagising si Crimson sa tunog ng paulit-ulit na pag-ring ng doorbell. Agad niyang napansin ang madilim na paligid. Ding-dong. Sinilip niya ang phone—6:02 PM. Napabalikwas siya ng upo. There's only one person allowed to visit her unit, and it's Carmine. Bukod dito, wala nang ibang pwedeng umakyat nang hindi siya kino-contact ng front desk. Bumilis ang t***k ng puso niya. Dali-dali niyang binuksan ang phone, mabilis nag-type. Ed, don't come. Change of plans. Bago pa niya mapindot ang send— Click. Bumukas ang pinto at pumasok na si Carmine. "Tagal mo akong pagbuksan." Hinubad nito ang suot na jacket at isinabit sa coat rack. "I-I was sleeping... at alam mo naman ang passcode, ah." Tumikhim si Crimson. "Why are you here?" "I'm staying here," simpleng sagot nito, siya na mismo ang nagbukas ng ilaw para magliwanag ang buong unit. Napadako ang tingin ni Crimson sa mga gamit ni Carmine. Hindi lang overnight bag ang dala niya. May maleta siya. Napatayo si Crimson, nanlalaki ang mata habang pinapanood si Carmine na pinapatong ang bags niya sa tabi. "U-Uh... staying?" Tahimik lang si Carmine, pero diretso ang tingin sa kanya. "Why, Carmine?" Ngumisi ito. "I want to spend more time with my sister."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD