13

1553 Words
Nagising si Crimson sa tunog ng kanyang alarm. Marahan niyang inalis ang braso ni Carmine na nakapalibot sa hubad niyang katawan para bumangon. Ni hindi niya nagawang tingnan ang natutulog na kakambal. Pinatay niya ang alarm at hubo't hubad na naglakad papunta sa banyo—nanginginig hindi sa lamig kundi sa bigat ng emosyon. Pagkapasok, sinigurado niyang naka-lock ang pinto bago bumagsak sa sahig at nagsimulang tahimik na umiyak. Galit na galit siya sa sarili. Paulit-ulit niyang kinukwestyon kung bakit siya ganito katanga, kung bakit siya laging marupok. Kung hindi lang siya natatakot na magising si Carmine at katukin siya sa loob, baka kanina pa nag-sisigaw at inihampas ang ulo niya sa pader. What the f*****g f**k is wrong with me? Umiiyak niyang tanong sa sarili. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Ed—ang tanging taong walang gustong gawin kundi mahalin siya. Akala niya kaya niyang tiisin si Carmine para kay Ed. Akala niya tapos na siya sa nakaraan. Pero hindi. Mali siya. Pwede naman niyang pigilan si Carmine kagabi. Pwede naman siyang tumanggi, umalis, itulak ito. Pero hindi niya ginawa. Sa bandang huli, alipin pa rin ng kamunduhan ang katawan niya. Kinuha niya ang cellphone na sikreto niyang dinala sa banyo. Gusto niyang tawagan si Ed. Magpaliwanag. Humingi ng tawad. Pero hindi niya alam kung saan magsisimula—o kung paano ba niya masasabi ang lahat ng nangyari. She wanted to hear his voice. Kahit galit siya. Kahit sigaw pa 'yon. Pero hindi niya kayang harapin ang disappointment ni Ed. So instead of calling... she blocked him. Coward, coward, coward. Lalo pang bumuhos ang luha niya. Tanga siya. Itinutulak palayo ang taong may mabuting intensyon, habang pinipiling manatili sa isang relasyon na mali. Isang relasyon na lason. Bago pa tuluyang lumakas ang hagulgol niya, binuksan niya ang shower. Hinayaang lunurin ng rumaragasang tubig ang bawat luhang ayaw tumigil. - Matapos maligo, mahinang volume ng TV ang naabutan niya sa sala. Nanunuod si Carmine, nakasandal ito sa armrest ng sofa, suot na nito ang paborito nitong itim na tank top at shorts. Mabuti na lang talaga at hindi siya nag-ingay sa banyo—nagising na pala ito sa alarm niya. "Good morning," masiglang bati ni Carmine. Tila wala na ang toyo nito mula sa mga nakaraang araw. Pinilit ni Crimson ngumiti. "Good morning." Crimson prepared for work, refusing to pay attention to Carmine. She focused on herself, following her routine like usual. Ayaw niyang maka-usap si Carmine, wala siyang ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang umalis ng unit. Nanatili namang bukas ang TV, pero halatang wala roon ang atensyon ni Carmine. She watched her sister. Tulad ng dati, mukha itong kalmado, tahimik, at taimtim na gumagayak. Kalkulado ang bawat kilos, para bang lahat ay inoorasan. Pero may lungkot sa likod ng mga mata nito—halatang malalim ang iniisip. Kagabi lang, buong pusong ibinigay ni Crimson ang sarili kay Carmine. Pero ngayon, halata sa kilos nito ang pagka-ilang—ni hindi man lang nagawang tingnan ang kakambal kanina nang bumangon ito mula sa kama. Para bang ayaw harapin ang katotohanang bumigay na naman siya kagabi. Ipinatong ni Carmine ang siko sa tuhod at pumangalumbaba, hindi inaalis ang tingin sa kakambal. Nakaramdam nanaman ng konting inis. She still can't entirely read her. Pagkatapos maglagay ng makeup, Crimson glanced at her twin. "Alis na ako." "Hmm..." Tumayo si Carmine at lumapit sa likod ng nakaupong si Crimson. Tinitigan niya ito mula sa repleksyon ng vanity mirror. "Ang tahimik mo pa rin," casual niyang sabi. Umiwas ng tingin si Crimson. "Pagod lang." A lie. And Carmine knew it. Pero hindi siya nag-tanong pa. Hindi muna ngayon. Instead, she leaned in and planted a soft kiss on Crimson's cheek—mabilis, pero sapat para maramdaman ng balat nito ang init. Napatingin si Crimson sa kanya sa salamin, bahagyang naka-nganga. "I know I don't usually do that," natatawang sabi ni Carmine, "pero gusto ko lang naman ipaalala kung sinong nakasama mo sa kama kagabi." Namula si Crimson. Hindi malaman kung iiwas ba ng tingin o susulyap pa ulit sa kakambal na nakangisi sa kanya. "A-Alis na ako," paalam niya, tumayo at tumitig sa kakambal. Tila ba hindi malaman kung ano ang dapat gawin. "Okay," "A... alis na ako." ulit ni Crimson, kunwaring abala sa pagkuha ng bag, kahit litong-lito na ang isip niya. Tumawa ulit si Carmine, bakas ang amusement dahil sa obvious na awkwardness ni Crimson. Hindi niya mapigilang mag-bunyi sa nakikita, her twin's really inlove with her. And no matter how hard she try, she'll end up back in her arms. Dahil nasa mood mang-asar ay muling hinigit ni Carmine ang braso ng kakambal at hinalikan siya ulit—this time sa labi na. Lalong nalaglag ang panga ni Crimson. "Magluluto ako mamaya," sabi ni Carmine, may ngiting nakakaloko. "Don't eat out with your friends." "O-Okay..." Punong-puno ng tanong ang utak ni Crimson. Nag-tataka kung bakit ito ginagawa ni Carmine. Pero wala na siyang panahong kwestyunin pa ito dahil baka malate siya. But just before Crimson could reach the door, Carmine leaned forward and kissed her again. Mas matagal ito kaysa sa naunang dalawa. Tender. Innocent. And Crimson didn't pull away. She closed her eyes and hated how much she wanted the kiss to last. "Ingat," bilin ni Carmine bago siya pag-buksan ng pinto. "O-Okay..." wala sa sarili niyang sagot habang lumalabas ng unit. Parang lumulutang habang naglalakad papunta sa elevator. She could feel her heart pounding. Halos lumabas ang puso niya sa dibdib. She hated this. Hated how her walls kept falling every time Carmine touched her like that. - Crimson sat quietly inside the faculty room. Pinagmamasdan man niya ang mga kasamahan niyang abala sa kani-kanilang gawain, lumilipad ang isip niya. Sa ibabaw ng mesa niya, nakabukas ang laptop, lesson plan, at ilang papers na kailangan niyang i-check, pero nanatiling siyang tulala, parang hindi alam kung paano magsisimula. "Crimson, girl, okay ka lang ba?" biro ni Yana mula sa kabilang mesa, habang nagbubuklat ng test papers. "Mukha kang... lutang." Napatingin si Crimson at pinilit ngumiti. "Late lang natulog," sagot niya, sabay buklat ng mga papel na nasa ibabaw ng mesa para magpanggap na busy. Pero kahit siya, ramdam ang bigat sa loob niya — parang may malalaking batong nakapatong sa dibdib niya, hirap huminga. "Hay nako, relatable," sabat naman ni Ellie. "Netflix nanaman kasi 'yan." Nagkatawanan ang ilan sa faculty. Sumabay si Crimson sa tawa, pero walang tunog ang tawa niya — ngiting walang abot sa mata. Hindi Netflix ang dahilan. Gabi-gabi siyang hindi pinapatulog ng guilt at kaguluhan sa isip. She became so dependent on alcohol because of it. Pero ngayon, parang mas lalo lang nadadagdagan ang guilt niya dahil hindi nalang sarili at si Carmine ang sinasaktan niya, nadamay na si Ed. Habang nag-uusap ang mga kasamahan niya, nahuli niya ang sarili na nakatitig lang sa isang spot sa pader. Naalala niya ang haplos ni Carmine, ang bigat ng mga halik nito, ang init ng balat sa balat. Parang may multo ng kagabi na nakabalot sa paligid niya, hindi siya makawala. Hindi na niya alam kung paano magpanggap nang matagal. "Crim? Crim!" tawag ulit ni Yana, ngayon ay nasa tabi niya na. "Pinapahanap ka ni Principal sa office. May tanong daw tungkol sa foundation day event." Napakislot si Crimson, para bang nagising sa pagkakalutang. "Ah—uh, sige," tarantang sagot niya habang nagmamadaling isalansan ang gamit. Ang class nga pala niya ang in charge sa main performance sa foundation day, talagang sumabay pa sa kaguluhan ng buhay niya ang responsibilidad bilang guro. Habang naglalakad palabas ng faculty room, pinilit niyang mag-focus, pilit na nilulunod sa trabaho ang mga alaala ni Carmine. Pero kahit anong pilit niya, naroon pa rin ang init, ang amoy, ang bawat galaw ng kakambal niya. At ang masakit, sa kabila ng lahat, isang bahagi ng sarili niya ang sabik na sabik pa ring balikan iyon. - Kahit gaano kabagal ang takbo ng oras, dumating pa rin ang oras ng uwian. Hinimas ni Crimson ang sentido—sobrang sakit ng ulo niya sa dami ng iniisip. Malakas ang kutob niyang lalo lang itong madaragdagan pag-uwi niya mamaya. "Ready?" tawag ni Nadz sa kanyang atensyon. "Yeah," ngumiti si Crimson. "Let's go." Sabay-sabay silang naglakad papunta sa gate, kung saan naghihintay si Ryan kasama ang van nito. "Good afternoon," bati ni Ryan sa kanila. Binati ng lahat ang nakangiting si Ryan. Kaya naman kahit parang binibiyak sa dalawa ang ulo niya at sobrang bigat ng dibdib, pinilit niyang ngumiti rin. "Good afternoon." Tulad ng dati, siya ang unang hinatid pauwi. Dinala ni Ryan ang bag niya hanggang sa lobby at masiglang nagpaalam. "Mukhang hindi maganda ang pakiramdam mo," puna ni Ryan. "Magpahinga ka, ha? Bye." "Thank you, Ryan." Tinapik niya ang braso nito. "Ingat kayo. I'll see you tomorrow." Kumaway siya sa paalis na mga katrabaho hanggang sa hindi na niya matanaw ang van. Pero imbes na dumiretso sa unit niya, naupo siya sa lounge. Ayaw niya pang umuwi. Ayaw niya pang makita si Carmine. Tahimik niyang sinisipat ang mukha ng bawat dumaraan sa lobby, may isang tao siyang hinahanap. Nag-umpisa siyang mangatngat ng kuko habang paikot-ikot ang tingin. Ilang minuto siyang nanatiling nakaupo sa lounge, umaasang kahit binlock niya ito ay pupunta pa rin para ito para makita siya. Pero wala. Hindi niya nakita si Ed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD