Mercedes “HMM…” Pinanliitan ako ng mata ni Nikolai at nang mapansin na hindi ko masagot ang tanong niya ay mabilis niyang binago ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti sa akin. “You don’t have to answer.” Napatingin ako sa kanya at nakangiti na ulit siya sa akin. “I know it’s personal.” Tumayo na si Nikolai. Nanatili ang pagngiti niya sa akin. “Anyway, I’ll be going. Pasabi na lang kina Cecily at Damien na umalis na ako.” Umalis na si Nikolai pero naiwan sa akin ang mga sinabi niya. Napaisip ako bigla roon dahil totoo nga na hindi pa sinasabi ni Kirill sa akin ang mga salitang iyon. Noong una, hindi ko pinapansin dahil iniisip ko na sapat na sa akin na makita ang kilos niya. Nararamdaman ko naman iyon sa aksyon niya. Kaya sa tuwing sinasabi ko kay Kirill na mahal ko siya at wala si

