Mercedes I AM feeling better day by day. May pagkakataon man na umiiyak pa rin sa tuwing nangungulila sa anak at nagkukulong sa kuwartong inihanda ko sa kanya at pinuno ng mga gamit niya, nagagawa ko nang bumangon ulit at kumapit sa buhay na mayroon ako. We had a burial for my unborn baby. Wala pa kaming pangalan dito dahil hindi pa namin alam ang kasarian kaya’t ang inilagay na lang namin sa tombstone niya ay Angel Ivanov, because he/she is our little angel now. Yakap-yakap ako ni Kirill habang nakatitig ako sa tombstone. Tumutulo ang luha ko pero hindi na kagaya noon na may kasamang pagwawala. Kahit papaano ay nakokontrol ko na rin ang emosyon ko. Kirill was the best support system I need, ganoon din sa pamilya ko at sa mga kaibigan ko na hindi ako iniwan during my lowest. Masasabi k

