Kirill “TELL ME,” sabi ko sa mga kaibigan ko. Nakuha ko ang atensyon nila. “Am I a bad husband?” “Huh?” Para bang hindi pa naintindihan ni Sebastien ang sinabi ko. Kasama ko ngayon sina Sebatien, Esteban, at Migo. Kaming apat lang dahil nasa Manila iyong tatlo. “Nabibingi ako sa sinabi mo. Ano ‘yon?” Umakto pa si Miguel na nililinis ang tainga niya. “Tinatanong ko kung masama ba akong asawa. I feel like a bad husband.” Halos matawa si Miguel sa sinabi kong iyon. Napailing sina Baste at Seb. “Naririnig mo ba ang sarili mo? Kulang na nga lang ay sambahin mo ang asawa mo. Halos hindi mo na nga iwan iyon, tapos ay magtatanong ka ng ganyan?” sarkastikong tanong ni Sebatien sa akin. “High ka ba?” “I don’t do drugs, asshole.” “Dumb question, Kirill,” dagdag naman ni Esteban sa sinabi n

