Mercedes TULALA ako matapos kong ma-breakdown kanina. Namumugto ang aking mga mata at ang sakit ng lalamunan ko dulot ng pag-iyak ko kanina. Hindi ako makapaniwala. Ang bagay na ang tagal kong hiniling na sana ay ibigay sa akin ay sa isang iglap at sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan, mawawala nang ganoon. Napayakap ako sa sa aking sarili. Muling bumuhos ang luha ko. Dinalaw ako ng doktor ko kanina at kinumusta pero hindi ako nagsalita. Hindi ako iniiwan ni Kirill. Naandito lang siya sa tabi ko at inoobserbahan ako. Dumating din ang pamilya ko at mga kaibigan kanina para dalawin ako, but I can’t talk to any of them, dahil wala ako sa sarili. I lost my baby. Hindi ba ako nag-ingat kaya hindi ko siya nagawang protektahan? Binawi ba siya sa akin dahil hindi ako nararapat na magin

