Mercedes HINIHINTAY ko na ipaliwanag ni Kirill sa akin ang lahat. Una, bakit siya nagsinungaling na nasa Russia siya kahit sa Manila lang naman ang punta niya para kitain ang isang Dario Falco. Pangalawa, anong koneksyon niya sa Dario na iyon at sino ito? Pangatlo, totoo ba na gusto akong ipapatay ng taong iyon at…si Kirill ang pinadala niya para gawin iyon? “Kirill!” Nang hindi magsalita si Kirill ay napasigaw na ako ng pangalan niya. Na-stress ako sa mga nangyayari. Sa katunayan ay kinakalmahan ko pa dahil ayokong makasama sa baby. Ayokong may mangyari na namang masama sa anak ko. Ngayon ay magdodoble ingat ako. “Totoo ba ang sinabi ng lalaking tumawag? You were sent to kill me?” Napayuko si Kirill. Napansin ko rin ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. “Ano? Magsasalita ka ba o naghi

