Kirill I LIT a cigarette while leaning on my car, and before I can even put that in my mouth, I throw it away. Naalala ko lang bigla si Mercedes. Nang makita ko naman na nakakalat ang sigarilyong itinapon ko, naalala ko ulit kung paano siya nagalit dahil nagkalat ako. Huminga ako nang malalim at dinampot ang kalat bago ito yukusin sa aking kamay kahit na may sindi pa ang upos ng sigarilyo. Inilagay ko na lang iyon sa pocket ko dahil walang basurahan sa paligid. Tiningnan kong muli ang bahay na tinatanaw ko. Nang umalis si Mercedes kanina kasama ang kapatid niya, ilang sandali lamang ay agad akong sumunod. Alam ko na galit siya sa akin at alam ko na nasasaktan siya. I feel sorry, really. But…I don’t know what to say. She asked me if I love her, para akong namanhid nang marinig ko an

