Mercedes INIISIP ko noong una kung nililinlang lamang ako ng aking mga mata. Gusto kong isipin na gusto ko lamang siyang makita kaya siya nag-materialize sa harapan ko. Ngunit hindi ganoon. Dahil nang kurutin ko ang sarili at naramdaman ko ang sakit, hindi naglaho si Kirill. Nasa harapan ko pa rin siya at buhat-buhat ang baby namin. “Kirill…” Hindi ko napigilan na banggitin ang pangalan niya. Natigilan si Kirill at dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nagtama ang paningin naming dalawa at napatakip ako sa aking bibig. I am not dreaming. Kirill is really here! Dahan-dahan na ibinaba ni Kirill si Vasilisa sa kanyang crib. Kung kanina ay umiiyak ito, ngayon ay nakatulog nang muli ang anak namin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyo

